Chapter Thirty-Nine

15 0 0
                                    

NAKAHANDA NA SI AVYANNA sa pag-alis nilang dalawa ni Kier. She pack the important things she need. Day-off nila pareho ni Kier kaya malakas ang loob ng binata na ayain siyang mag-date dahil hindi siya makakatanggi. They will spent their whole weekend in La Union.

May na-book ng hotel si Kier para sa kanilang dalawa. Tamang-tama lang ang ginawang short vacation ni Kier para sa kanilang dalawa dahil nitong mga nakaraang linggo ay sobrang busy siya sa trabaho– sa kompanya ng kuya niya at sa kanyang pharmacy drug store. Katatapos lamang niyang makahanap ng magiging dalawang pharmacy assistant at pagfa-finalize ng mga kinakailangan sa botika niya. Hindi rin madaling matapos dahil marami pa siyang aasikasuhin at mga lalakain. Good thing Kier is beside her. He is her stress absorber. Minsan pa ngang nagiging driver niya na ito at assistant sa mga lakad niya dahil handa itong sumama sa kanya.

Nang ma-satisfy na siya sa sarili at sa mga dadalhin ay lumabas na rin siya ng unit niya. Isang maliit na maleta lamang ang dala niya dahil sasaglit lamang naman sila at pinagkasya niya na ito sa iisang maliit na lameta. Isang brown trousers na pinaresan niya ng white knitted top at pinatungan ng brown cardigan. Hinayaan niyang nakalugay ang buhok niya at nag-apply lamang ng light make up.

Nakatanggap siya ng message kay Kier na nasa lobby na ito at matiyagang naghihintay sa kanya. Hindi niya na ito pinaakyat pa dahil baka mas matatagalan pa. She giggles when she remember Kier and his playful attitude. Bigla na ring nag-init ang pisngi niya kaya nagmadali na siyang lumabas.

Tumaas ang kilay niya ng makita si Kier na may kausap na pamilyar na dalaga. Pamilyar na pamilyar talaga sa kanya!

Isa ang babaeng ito sa palaging nagpapapansin kay Kier noong body guard niya pa ito. Everytime she's with him, there are women ogling and trying to make friends with him. Kay Kier lang, hindi siya kasama.

Sumimangot siya at mabilis na naglakad sa pwesto ng mga ito. Ang gaganda pa ng mga ngiti sa labi habang siya ay umuusok na sa inis. She maintain her poise while walking to Kier.

Naramdaman ni Kier ang presensya niya kaya nagpaalam ito sa dalagang kausap at mabilis na lumapit sa kanya at ang ganda pa ng ngiti na kinairap niya. Nagtatakang tiningnan siya nito habang kinukuha ang gamit niya.

     "Hi, Avy," bati sa kanya ng babae ng madaanan niya. Or should the right term lumalapit sa kanila.

Tumaas ang kilay niya dahil hindi niya naman ito kilala. The woman awkwardly laugh.

      "Oh, sorry. Hindi mo yata ako kilala. I'm your neighbor. Magkatabi lang ang unit natin."

Ofcourse she knew it! Hindi niya nga lang alam ang pangalan.

Avyannna smile at her. 'Yong praktisado niyang ngiti mula pa man noon.

      "I know you are my neighbor, but I don't know your name." Ayaw niya namang maging plastic na kilala niya ito lalo na kumukulo ang dugo niya ngayon dito.

Ngumiti lang ang babae.

      "I'm Chelsea. Hindi ko rin naman alam ang pangalan mo. Nalaman ko lang kay Kier." Tumingin pa ito kay Kier na ngayon ay lumalakad papalapit sa kanila. Tumaas ang kilay niya ng mapansin ang kislap sa mga mata ng dalaga.

      "Talaga? Kinukwento pala ako ng boyfriend ko sa 'yo?"

Nawala ang kinang sa mga mata ni Chelsea ng bumaling sa kanya. Nagtataka at pansin ang paghihinayang.

Sakto namang tumabi sa kanya si Kier at pinulupot ang kanang kamay sa bewang niya. Doon tumingin si Chelsea.

     "Boyfriend mo si Kier?"

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now