Chapter Thirty-Eight

16 0 0
                                    

AVAYNNA WAKES UP ALONE IN BED. Nakaramdam siya ng lungkot dahil mag-isa na lamang at wala si Kier sa tabi niya. Last night was one of her peaceful and happiest night of her life. Pareho nilang pinakawalan ni Kier ang mga galit at hindi pagkakaintindihan nila sa nakalipas na mga taon. They both knew they were wrong. May mga parteng nagkamali at nagkasala sila sa isa't-isa dahilan para mas masaktan at pagtulakan nila ang isa't-isa.

Walang nangyari sa kanilang dalawa. Kier respects her and understand she wasn't ready to give herself to him. Masyado pang maaga para gawin nila ang ganoong bagay. Kahit pareho silang nagkakaunawaan ng nararamdaman. Kahit ramdam niya ang pagtitimpi at pamumukol ng alaga nito sa suot na pantaloon ay hindi siya nito pinilit. They contented to do cuddle and talks like a couple. And yes, they did make out pero hanggang doon lang ang lahat. Pareho silang nagbabawi sa nakalipas na mga taon. Parehong sa kwarto niya sa itaas sila natulog, hindi niya na rin pinauwi si Kier ng mapansing malakas ang ulan kahapon.

Bumangon siyang may bigat sa dibdib. Alam niyang hindi na dapat siyang umasang paggising niya ay nasa tabi niya pa rin si Kier. Maybe it's just a one night for them, nothing more. Kailangan lang ng closure at pagkatapos ay bumalik na sila sa kani-kanilang buhay.

Saktong bumangon siya ng bumukas ang pinto ng kwarto. Si Kier na naka-itim na sando at faded jeans. Magulo pa ang buhok at halata ang pagkabigla ng makita siyang gising na. Ganoon din si Avyanna. Hindi pa nga siya nakatayo sa pagkabigla habang awtomatikong nawala ang bigat sa dibdib.

Unti-unti namang nawala ang pagkabigla ni Kier at napalitan ng ngiti sa labi. Lumapit na rin ito aa kanya.

     "Good morning, baby. Hindi ko inaasahang gising ka na." Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya.

Avyanna pouted like a child that makes Kier laugh. Akmang hahalikan ni Kier ang labi ng dalaga ng mabilis na tinakpan ni Avyanna ito gamit ang palad. Namamanghang pinagmasdan siya ni Kier.

     "Hindi pa ako nagto-toothbrush!"

Ayaw niyang magpahalik kung may bakas pa siya ng kahapon. Nakakahiya!

Naaaliw na natawa si Kier at umusog pa papalapit, nang-aasar. Matalim itong tinitigan ni Avyanna.

     "Ayos lang. Hinalikan nga kita noong tulog ka pa. So what's the difference?" may pang-aasar sa tono.

Nanlaki ang mga mata ni Avyanna at mabilis na tinulak si Kier na ngayon ay patawa-tawa na. Nag-iinit ang pisngi niya sa kalokohang ginawa ni Kier.

     "Kadiri ka!"

Tumayo na siya at naiinis na tiningnan ito. Hindi sa ayaw niyang magpahalik dito pero hindi siya aware! Baka ang baho niya!

Hinila siya ni Kier at hinarap dito. Tinakpan niya ang labi gamit ang palad na ikinatawa muli ng binata.

     "I'm sorry, baby. I just can't resist your lips. Promise, magpapaalam na ako next time." Tumaas-baba pa ang kilay nito at ay pilyong ngiti sa labi.

Imbes na humupa ang pag-iinit ng pisngi ay mas lumalala pa. Napakapilyo ng kaharap niya na hindi siya sanay.

     "K-Kier..." Hinarang niya ang ang dalawang kamay sa dibdib nito.

Kier gently smiles.

     "I'm just kidding, baby. Hihintayin kita sa baba. Naghahanda na ako ng almusal natin."

Napapikit na nakangiti si Avyanna ng maramdaman ang labi ni Kier sa kanyang noo kasabay ng pamilyar na pagtambol sa dibdib niya.

Avyanna did her morning routine. May gamit naman siyang dala kaya hindi siya nahirapang maglinis ng katawan. May mga gamit pa rin siyang naiwan sa bahay nila. Everything is in her favor. Alam niyang may ilang ekstrang damit si Kier kaya hindi niya na kwinestyon pa ang suot nito.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now