Chapter 1

353 3 1
                                    

Denden's POV

Finals game na ng PVL Invitational Conference, at sa kauna-unahang pagkakataon we are competing for Gold. Hindi na nakakagulat na kalaban namin ang Creamline. It's the battle of the Rebisco teams. Mahigpit ang labanan. Pang-limang set na at sa sunod-sunod naming laban, makikita mong pagod na ang lahat. Pero buong puso pa din kaming lumalaban. Babad na ko ng ilang araw kaya naman pagpasok pa lang ng fourth set kanina, nilabas na ko ni Coach at pinasok na si Thang. Matitindi ang mga bombang binabagsak ng Creamline at ramdam kong bugbog na bugbog na din ang katawan ni Thang. Neck to neck ang labanan 13-13 ng...

"Thang!" Sigaw ng lahat sa maling bagsak ni Thang sa balikat niya. Makikitang namimilipit ito sa sakit. Pansamantalang itinigil ang laban at agad kaming nagtakbuhan palapit kay Thang.

Parang tumigil ang mundo namin. Masama ang lagay ni Thang, kaya agad itong nilabas sa court para dalhin sa ospital. Nanghina kaming lahat pero kailangan naming ituloy ang laban.

"Coach, ready na ko." Wika ko sa kanya.

Umiling ito at ang mga teammates ko. Hinawakan ako ni Bea sa balikat at nagsabing, "No. Ate Den. We can't risk it. Kailangan ka namin sa susunod na conference. Sa lagay ni Thang baka hindi sya makabalik agad."

"Oo nga Ate, kakayanin na namin to, ilang puntos na lang. Kami na ang lalaban." Wika ni Deanna.

"Okay, Sisi at Des, depensa sa likod. Bea at Cherry wag niyong bibitawan ang depensa at atake sa harap.

Deanna, desisyon mo kung kanino ibibigay ang bola. First preference si Cait pero kung alanganin ibigay mo sa iba. Laban!" Wika ni Coach.

Pinagsasama-sama namin ang aming mga kamay sa gitna at sumigaw ng "Titans Fight!" bago sila bumalik sa court. Tuloy-tuloy ang mahigpit na labanan. Maganda ang depensa namin sa mabibigat na palo nila. Pero matindi din ang depensa nila. Ngunit sa ilang minutong palitan ng bola, nakapasok sa dulong linya ang atake ni Alyssa. At sinundan ito ng atake sa gilid na linya ni Jema na sinubukang habulin ni Sisi pero hindi na ito naisalba. Parang dinurog ang mga puso namin. Alam ko na pare-pareho naming inilaban hanggang dulo para sa buong team at lalo na para kay Thang. Hindi namin nakamit ang Gold pero sa unang pagkakataon nakapasok kami sa podium finish with Silver.

Sinundan agad ng awarding ceremony ang laban namin. Pinilit namin na magsaya ngunit halo-halo ang nararamdaman namin lalo na't hinihintay pa namin ang balita kay Thang. Pagbalik namin sa dressing room, halos tahimik lang ang lahat.

"Alam kong hindi ito ang gusto nating resulta pero I'm proud of all of you guys." Simula ni Coach sabay tapik sa balikat nila Bea at Maddie.

"We did it guys! We made it to the podium." Wika ni Maddie.

"Hindi man natin nakuha ang gold ngayon, may napatunayan pa din tayo guys. We'll get them next time." Encouragement ni Bea.

"Alam kong mahirap magcelebrate lalo na't nasa ospital pa si Thang pero I think if she was here she'd want us to celebrate." Sabi ni Deanna.

"Okay let's get change everyone, party's at my house!" Wika ni Bea.

"Go, enjoy tonight. We'll make a plan next week for our next steps and schedule." Closing ni Coach.

Nagpunta kami sa bahay nila Bea to celebrate, tinawagan din namin si Thang ng matapos syang iassess ng doctor. May hairline fracture sya sa may collar bone pero buti na lang hindi nya kailangan ng operasyon. Pero kailangan pa rin na pansamantalang hindi sya maglaro at magpraktis hanggat gumaling ito. Pagkatapos nun tsaka pa lang sya irerehab. Sa lagay na to, sigurado na kaming hindi sya makakapaglaro sa susunod na conference.

Pagdating ng Lunes, nagtipon kami sa office para pag-usapan ang susunod na schedule at dahil nakapodium finish kami, walang reshuffle na magaganap. Nakahinga kami ng maluwag dahil dito. Habang inaasikaso ng ibang mga coach ang individual training plans namin para sa break pinatawag kami ni Bea sa opisina ni Coach.

"Bea, Den... alam kong alam niyo naman na matagal hindi makakapaglaro si Thang. Den ayoko na mabugbog ka sa susunod na conference so kailangan natin maghanap ng alternate mo habang wala si Thang. May kilala ba kayo?" Tanung ni Coach.

Nagkatinginan kami ni Bea, matagal na kaming hindi nakakapanuod ng ibang mga laban lalo na sa UAAP. Pero sa isang iglap parang sabay kaming biglang may naalala.

"Naiisip mo ba kung sino naiisip ko?" Tanung ni Bea sa kin.

"PUP?" Tanung ko.

Tumango sya at nagwikang, "It's been a while since I've seen her play but next to you she's the best libero that I've ever seen play."

"I agree. Sayang lang at hindi nagkaron ng opportunity ang team nila." Sagot ko.

"Should we try? Do you think we can find her?" Tanung ni Bea.

"I have her number but you know what she's like especially off season. Simula nagpro level tayo ang hirap nya minsan hagilapin. I mean she turns up at all our games. I'll try my contact, I think may number pa ko ng mga ibang may connections sa kanya." Sagot ko.

"Coach, leave it with us. We have someone in mind. Fresh player, never been pro, pero if she still plays the way she played when we've watched her before. She could be a good match for Den." Wika ni Bea.

"Den?" Tanung ni Coach.

"I've seen her play, the passion alone makes her a good fit for the team." Sagot ko.

"Okay then. Find her. You have the entire break pero bring her to me or get her to contact me as soon as you find her." Bilin ni Coach.

"Yes Coach." Sabay namin sagot ni Bea. Now all we need to do is find her.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Kde žijí příběhy. Začni objevovat