Chapter 40

108 3 0
                                    

Ace's POV

I fought hard. I want to get home to you. I want to fight for us. But if only one of us gets to stay alive, I'll willingly give up my last breath to keep Bei alive, because I know I can't let you lose both of us and maybe you need her more. Cait... if I don't make it, I hope you'll still know that I loved you until my last breath.

"Ace, wake up... please... I need you..." I heard her whisper.

FLASHBACKS (Abstract scenes from throughout the years)

Scene 1 <https://youtu.be/1ez9_4d9loU?feature=shared>
"Oy Ace, don't let your jaw drop too low." Biro ni Den. While I was mesmerised by Cait.

Scene 2 <https://youtu.be/YUbKmjImnxg?feature=shared>
Random memories of seeing her play

Scene 3 First day as teammates
"Ace siguro ipapartner muna kita kay Caitlin for training since mas malapit yung height nyo for this drill. Okay lang ba yun Cait? I know usually si Bea and drill buddy mo." Wika ni Ate Beth.

"Of course Ate wala pong problema. Welcome to the team Ace." I shook her hand and felt the surge of electricity between us.

"Thank you Caitlin." I smiled at her.

"Uhmm... Cait na lang." Wika nya.

"Shall we?" Pagyaya ko.

For the first time I can look deep into her eyes. Di ko maiwasang mapangiti.

"Tara." Sagot nya.

Medyo nachallenge ako sa mga drill matagal na din ako hindi nagwoworkout ng ganito pero syempre kailangan ko syang sabayan. Pagkakataon ko na to, to make a good first impression.

"Thank you pala ha. Pasensya na din na medyo nadisrupt ko yata yung routine nyo ni Bea." Wika ko.

"Hala, wala yun anu ka ba. Hindi naman din talaga laging kami ang magkasama depende din sa mga drill." Wika nya.

"Pero super close kayo?" Hindi ko mapigilang itanung.

"Uhmm, sya kasi unang roommate ko pagkapasok sa team so medyo mas nakilala ko sya agad. Although akala ko nung una hindi kami magkakasundo." Paliwanag nya at di ko maiwasang mapangiti sa sinabi nya.

"Well, mahirap din naman yata maging comfortable agad sa dating kalaban mo sa court. Lalo na ang init ng labanan nyo nun e." Dagdag ko.

"Saglit, you watched that game?" Tanung nya.

"Uhmm..." Mukhang mapapakumpisal ako.

"Let's just say I've never missed any of your games or any CMFT games simula nun." Pag-amin ko.

Scene 4 The sparring game
Kakatapos ni Cait hampasin ang bola ng nakuha at naiset ito agad ng kabila at sobrang bilis na lumilipad ito pabalik sa kanya. Solid ang hampas ng kabila at mukhang tatama diretso sa mukha nya kaya tumakbo ako agad papunta sa kanya para harangin ang bola. Napaupo siya paatras pero naharang ko ang bola at naipasa kay Deanna na sinet agad kay Shannen at agad na naging bomba sa kabila at tumapos sa pangalawang set.

"Cait! Okay ka lang? Nasaktan ka ba?" Pag-aalala ko habang inaabot ang kamay ko para tulungan syang tumayo.

Umiling sya at inabot ang kamay nya. Inalalayan ko syang tumayo. "Hindi okay lang ako. Nagulat lang ako kaya napaupo." Wika nya.

Pinagpag ko ang likod nya at tumango. Nung sigurado na ko na ok na sya, lumakad na ko palayo.

Pagkalapit nya sa min, automatic na inabutan ko sya ng tuwalya kahit di ako nakatingin. Kinuha nya naman ito at nagpasalamat. Napangiti ako.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Where stories live. Discover now