Chapter 12

87 3 0
                                    

Cait's POV

Maaga akong nagising at naghanda ng pagkain ni Ace para sa buong araw. Bago ako umalis ay sumandal ako sa may pinto ng kwarto nya habang tinititigan sya. Mahimbing ang tulog nya at mukhang bumabalik na ang lakas nya.

Nilapitan ko sya at dahan-dahang hinalikan sa noo bago ako umalis papuntang practice.

"Darling!" Sigaw ni Deanna ng makita nya ako papasok ng gym.

"Hey D." Wika ko.

"Namiss ka namin ha. Kamusta na si Ate Ace?" Tanung nya.

"Recovering pero mas okay na sya." Sagot ko.

"Cait." Wika ng taong nasa likod ko. Si Bea pala, kakadating lang din niya.

"Hi." Bati ko kay Bea.

"Papasok ka pala ngayon sana dinaanan na kita, akala ko kasi sasamahan mo pa si Ace." Wika nya.

Umiling ako. "Pinapasok na nya ko, pinaghandaan ko na lang ng pagkain today at baka kung anu pa maisip gawin nun pag hindi. Pero ayaw nya pumayag na umabsent pa ko today. Baka mapagalitan na din daw kasi ako ni Coach." Sagot ko.

"I see." Sagot ni Bea.

Apaka-sweet naman talaga ng Darling. Sana all. Biro ni Deanna.

"Ewan ko sa yo. Tara na nga." Wika ko sabay hampas sa balikat ni Deanna. Tumawa lang sya.

Naramdaman kong nagvibrate ang telepono ko kaya sinilip ko ito.

Text message from Ace

[Thank you sa pagpreprepare. Promise magbebehave po Ms. Viray. See you later. 😊]

Hindi ko maiwasang mapangiti at nireplayan ko sya agad.

[You're welcome. Dapat lang na magbehave ka Caputo, kundi lagot ka sa kin mamaya. 😝]

Napansin kong umiwas ng tingin si Bea. May nararamdaman akong kakaiba sa kilos nya pero hindi ko pa nakukuha kung bakit. Humawak ako sa braso nya habang papasok kami sa dressing room. Naramdaman ko na parang natigilan sya ng konti bago sya ngumiti sa kin at tumuloy kami papasok.

Weird. May kakaiba sa kilos at ngiti nya. May problema kaya?

Buong araw kami nagpractice at may sparring game din ng hapon. Naramdaman ko ang pagkawala ni Ace. Buong araw na sumasagi sya sa isip ko pero nitong sparring game, mas hinahanap-hanap ko sya. Napansin ko din na parang ganun din ang nararamdaman ng team.

"Di na ko sanay." Panimula ni Reg.

"Iba yung vibe sa practice habang wala kayong 4, pero kahit si Ace na lang ang wala, weird pa din." Dagdag ni Isa.

"True, kahit sa drills lang parang kakaiba na wala sya." Wika ni Shannen.

"Sana makabalik na agad sya." Dagdag ni Dukie.

"Darling, galingan mo kasi ang pag-aalaga para makabalik na sya agad." Biro ni Deanna.

Nagtawanan kaming lahat pero napansin ko na bagamat ngumiti si Bea, tahimik pa din sya.

Pagkatapos ng practice nagyaya silang pumunta sa unit ni Ace para dumalaw.

"Naku guys, ngayon pa lang nakakabawi ng lakas si Ace, baka mabinat yun pag pinuntahan natin. Sa weekend na lang." Wika ni Ate Den.

"But we miss her." Wika ni Kat.

"Yeah we all do pero tama si Ate Den, kulang pa sya sa rest for sure so sa weekend na lang natin sya dalawin. Anu sa tingin mo Cait?" Tanung ni Maddie.

"I'll check kung kamusta sya today then sabihan ko na lang kayo tomorrow kung ready na sya tumanggap ng bisita." Sagot ko.

"I think that's fair." Wika ni Des.

"Okay fine, e di gala na lang tayo today?" Yaya ni Deanna.

"Pass muna ko D." Wika ni Bea.

"Ha? Bakit?" Tanung ni Ate Maika.

"Ako pass din muna guys, bumabawi pa din kami sa rest, right Bei?" Pagsalo ni Ate Den kay Bea.

"Yeah, bawi na lang kami next life guys." Biro ni Bea, pero halata ko na pilit ang mga ngiti nya.

Naku Beatriz, kilala kita sigurado na ko na may hindi ka sinasabi.

Hindi na nagpumilit sila Deanna, may mga sumama sa lakad pero madami din na nag-pass muna. Kasama na ko dun dahil nagsabi din ako ka Ace na didiretso ako sa unit nya pagkatapos ng practice. Pero bago ang lahat sinubukan kong kausapin si Bea. Nilapitan ko sya habang nagliligpit kami ng mga gamit sa practice.

"Bei, okay ka lang ba? Parang ang tahimik mo kasi today." Panimula ko.

"Ha? Hindi ah, medyo pagod lang ako. Di pa nakakabawi sa tulog." Sagot nya sabay ngiti.

"Bei..." Gusto ko pa syang kulitin para malaman kung ano ang problema.

"Oh bakit nakakunot noo ka dyan? Ok lang ako anu ka ba? Lika nga dito." Niyakap nya ko at hinalikan sa noo. "Need ko lang ng rest promise." Dagdag nya.

Ramdam ko na nagpipigil sya pero hinayaan ko na muna. Kailangan ko na din naman kasi umuwi at baka kailangan lang din talaga nya ng pahinga. Niyakap ko sya pabalik bago kami naghiwalay.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Where stories live. Discover now