Chapter 31

78 2 0
                                    

Deanna's POV

I was fixing my stuff when my phone rang it was Ate Ace.

"Yes Ate." Wika ko.

"Hey D. She's gonna need you. Promise me you'd take care of her." Wika nya.

"Ha? What do you mean? Ate..." Sagot ko pero naputol na ang linya. I tried to call her back but she turned the phone off.

Then my phone rang, it's Reg.

"Boss D, kailangan tayo ni Cait. I'll meet you sa apartment nya. Papunta na ko dun." Wika nya.

"Okay sige, sige. I'll see you there, aalis na ko." Wika ko.

It's Cait and Ace. I knew something was off between them pero this is bad. Dali-dali kong kinuha ang susi at wallet ko at dumiretso sa apartment ni Cait. Kadarating lang din ni Reg at nagkasabay kami sa elevator.

"May nasabi ba sya?" Tanung ko.

Umiling si Reg.

"Wala e, basta tumawag sya sa kin umiiyak at hindi makapagsalita. I think nandun pa sya sa unit ni Ace." Sagot ni Reg.

"Kakatawag lang ni Ate Ace bago ka tumawag. Sabi nya lang 'she's gonna need you. Take care of her.' Tapos naputol na. Sinubukan ko tawagan ulit pero nakaoff na." Sagot ko.

"Kinakabahan ako Boss D. Masama to." Wika ni Reg.

Tama sya. Hindi basta-basta naglalaho ng ganito si Ate Ace at hindi din basta-basta umiiyak ng ganito si Cait. Naloko na.

Ace's POV

I wandered aimlessly. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang kailangan ko makalabas at makaalis dun habang may natitira pa kong kahit konting dignidad sa sarili ko. Mahal ko sya sobra. Pero hindi ko na kayang magpanggap na manhid habang pinapanuod syang nasasaktan habang nakatingin sa iba. Gusto kong maniwala na mahal nya ko pero hindi ko din maikakaila na may gumugulo sa nararamdaman nya. I need to take myself out of the equation. If she won't, I have to.

Hindi ko na namalayan ang oras. May ilang oras na din siguro ang nakakalipas ng makarating ako sa bar.

"Fireball on the rocks, double shot." Wika ko sa bartender.

Hindi ako palainom pero ngayong gabi gusto kong lunurin ang nararamdaman ko sa alak.

Jho's POV

Hindi ko sya napansin agad. Hindi ko din kasi akalain na makikita ko sya sa ganitong lugar. Hindi naman kasi sya madalas magpunta sa mga ganito. Pero mukhang ngayon gabi nakarami na sya. Nag-alala ko lalo na ng mapansin kong lasing na sya kaya nilapitan ko sya.

"Ace..." Panimula ko.

"Oh hey Jho. Kanina ka pa? Inom tayo. Anung gusto mo? Kuya dalawa pang fireball." Wika ni Ace.

"Ace, mukhang nakarami ka na ah. Tama na yata." Pakiusap ko.

"Hindi. Kulang pa nga e. Hindi pa ko namamanhid. Gusto mo testing pa natin?" Sagot nya.

Pagkadating ng inumin, inabot nya agad sa kin yung isa.

"Sige na Jho. Isa lang. Samahan mo ko kahit eto lang." Pakiusap nya.

"Pag ininom ko to last mo na to ha? Deal?" Kundisyon ko.

"Oo, sige na... sige na. Deal." Tugon nya.

Sabay namin ininom yung shot. At gaya ng pangako nya hindi na sya nagdagdag.

"Ace, lasing ka na. Siguro dapat umuwi ka na." Wika ko.

"Hindi ah. Kayang-kaya ko pa. Tignan mo." Wika nya sabay tayo pero muntik syang bumagsak.

"Halika ka na, ihahatid na kita. Kailangan mo na magpahinga." Wika ko kay Ace.

Patayo na kami sa pwesto namin ng biglang may sumipol sa gilid.

"Hey sexy. Mukhang lasing na yang kasama mo ah. Iwanan mo na kaya at kami na lang ang samahan mo." Panunukso ng lalaking hindi ko kilala.

Pinilit kong hindi sya pansinin.

Pero unti-unting lumapit ito.

"Ang sungit mo naman Miss. Nakikipagkaibigan lang naman." Dagdag nito habang nagtatawanan ang mga kasama nya.

Palapit na ang mga kaibigan ko ng biglang hinablot ng lalaki ang kamay ko, sinubukan kong kumawala pero mahigpit ang hawak nya.

"Bitawan mo sya." Biglang wika ni Ace.

"Wow ang tapang e lasing naman. Bakit anung gagawin mo pag hindi?" Panunukso ng lalaki sabay tawa.

"Bitawan mo ang kaibigan ko." Madiin na wika ni Ace.

"E di bitawan." Wika ng lalaki sabay tulak sa kin papunta kay Ace. Sinalo ako ni Ace.

"Ok ka lang?" Tanung ni Ace.

Tumango ako.

Inakbayan ako ni Ace sa balikat at paalis na dapat kami ng muling subukan ng lalaki na hablutin ang kamay ko. Sinaway ito ni Ace at humarang sya sa harap ko. Hindi pa rin natinag ang lalaki at sinubukan ulit akong hawakan, hindi na nakapagtimpi si Ace kaya sinapak nya na ang lalaki at tumumba ito. Ngunit sinugod at pinagkaisahan sya ng iba habang pinoprotektahan nya ko hanggang nakalapit sa min ang mga kaibigan ko para umawat at palabasin ang mga nagsimula ng gulo. Putok ang kaliwang kilay ni Ace mula sa pagkakasuntok ng isa sa grupo na sabay syang inatake habang pinoprotektahan ako. Pero mas madami silang sinalong tama mula kay Ace.

Hinawakan ko sya sa mukha para tignan ang sugat nya.

"Ok lang ako." Wika nya.

"Anung ok? Putok ang kilay mo." Wika ko.

Sinubukan nyang tumayo pero naramdaman ko na nahilo sya. Sa kabila ng lahat halatang lasing na lasing pa rin sya. Hindi ko sya pwedeng pabayaan ng ganito pero hindi ko din sya kayang iuwi mag-isa.

Gusto kong tawagan si Bea pero alam kong mas mag-aalala sya pag sya ang tinawagan ko, hindi pwedeng sya.

Denden's POV

Nagulat ako ng makita kong tinatawagan ako ni Jho. Pinaliwanag nya sa kin na nakita nya si Ace sa bar, pinaliwanag nya din ang nangyaring gulo at na lasing na lasing ito. Agad kaming pumunta dun ni LA para tumulong. Napagdesisyunan namin na iuwi muna sa bahay namin si Ace. Mahirap din kasi kung kay Jho sya tutuloy lalo na kung biglang bumisita si Bea. Hindi man sabihin ni Ace alam kong may kinalaman to kina Bea at Cait. Kilala ko si Ace. Hindi nya normal na magpakaganito.

Ihiniga namin sya ni LA sa spare bedroom.

"Cait..." Mahinang wika nya. Tulog na tulog at lasing na lasing pa din ito.

Nakita kong tumulo ang luha mula sa mga mata nya. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Tahan na. Nandito lang kami." Wika ko.

Tinawagan ko si Cait para ipaalam na nasa min si Ace. Pero hindi ko na naipaliwanag lahat.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ