Chapter 33

84 2 0
                                    

Ace's POV

Mahapdi ang kaliwang kilay ko at masakit ang katawan at ulo ko ng magising ako. Ilang minuto din ako napaisip kung nasaan ako bago ko naalala na inuwi ako nila Den kagabi sa bahay nila. Dahan-dahan akong bumangon, nagligpit ng kama at lumabas sa kwarto. Nagluluto ng almusal si Den sa kusina.

"Oh gising ka na pala. Malapit na to. Umupo ka muna dyan. Kamusta pakiramdam mo?" Tanung ni Den.

"Si LA?" Tanung ko pagkaupo sa may kitchen bench.

"Nauna na, may lakad sya ngayon e." Sagot nya habang naghahain.

"Tulungan na kita." Wika ko.

"Wag na maupo ka na lang dyan, kaya ko na to." Wika nya.

"Den, sorry kagabi. Naabala ko pa kayo." Wika ko.

"Anu ka ba? Kaibigan mo kami. Nandito kami para sa yo." Wika nya sabay hawak sa kamay ko.

I squeezed her hand back.

"Thank you." Wika ko.

"Do you want to talk about it?" Tanung nya.

Umiling ako.

"Okay, hindi kita pipilitin pero kung kailangan mo ng kausap, nandito lang kami okay?" Wika nya.

Tumango ako.

Iniba na namin ang usapan habang kumakain ng almusal. Tinulungan ko syang magligpit bago ako nagpaalam.

Jho's POV

Alam kong darating ngayon si Bea kaya agad kong binuksan ang pinto ng marinig kong may tao sa labas.

"Ace." Wika ko.

"Hi Jho." Wika nya.

Hindi ko ineexpect na dadalaw sya. Maga pa din at putok ang kilay nya. Pinapasok ko sya at naupo kami sa sala.

"Jho, gusto ko lang sana magsorry ng personal sa nangyari kagabi. Pasensya ka na kung dahil sa kin napahamak ka." Panimula nya.

"Anu ka ba? Hindi mo naman kasalanan yun, dapat nga ako pa yung magsorry kasi pinrotektahan mo ko sa pambabastos nila. Nasaktan ka tuloy. Masakit pa ba?" Sagot ko.

"Thank you sa pag intindi mo. Pasensya na talaga." Dagdag nya.

"Okay na yun. Pero Ace. Matagal na din naman tayo magkakilala pero ngayon lang kita nakitang nagkaganun. Ok ka lang ba? May kinalaman ba to sa inyo ni Cait? Gusto mo ba pag-usapan?" Tanung ko.

Umiling lang sya.

"Thank you Jho. Pero mas ok siguro kung kami na lang ang mag-aayos nito. Hindi din fair kung sasabihin ko sa yo kasi side ko lang din ang maririnig mo. Tsaka mas mabuti na din na hindi ka na madamay." Wika nya.

Tumango ako. Naiintidihan ko sya at nirerespeto ko na sa kabila ng kung anuman ang pinagdadaanan nya pinoprotektahan nya pa rin si Cait. Kitang-kita ko sa mga mata nya kung gaano nya kamahal si Cait.

"O sya mauuna na ko. Pasensya na ulit at salamat din sa kagabi." Paalam nya.

Kakaalis lang ni Ace ng dumating si Bea.

"Si Ace ba yun? Anung ginagawa nya dito?" Tanung ni Bea.

Pinapasok ko sya sa bahay at ipinaliwanag ang nangyari.

"What the... dahil sa kalasingan nya nadamay ka?!" Galit na wika ni Bea.

"B! Ikalma mo! Hindi kasalanan ni Ace. Ako ang lumapit sa kanya, tsaka wala syang ginawa kundi protektahan ako sa pambabastos nila. Pumunta sya dito para magsorry pero kung tutuusin hindi naman nya kasalanan." Paliwanag ko.

"E bakit ba kasi sya naglasing?" Tanung ni Bea.

"Hindi nya sinabi, pero mukhang may problema sila ni Cait. Bei, I think you should check on Cait. Kahit wala syang sinabi I can sense na malalim ang pinanggagalingan nito." Wika ko.

"Jho..." Panimula nya.

"Bei, Im serious. I think you should check on Cait." Wika ko.

Tumango lang si Bea.

Cait's POV

Kakaalis lang nila Reg at Deanna, sinamahan nila ko magdamag. Pabalik na ko sa unit ng magkasalubong kami ni Ace sa tapat ng unit nya. Napansin ko ang duguang panyo sa may kaliwang kilay nya. Hindi ko maiwasang mag-alala kaya nilapitan ko sya at tinignan ito.

"Anung nangyari?" Tanung ko habang unti-unting inaangat ang duguang panyo para makita ang sugat nya. Putok ang kaliwang kilay nya at mukhang kakasimula lang nitong dumugo ulit.

"Okay lang ako." Wika nya.

"Anung okay e putok yang kilay mo?! Halika sa loob at gagamutin ko yan." Wika ko.

"Wag na, kaya ko na." Wika nya.

"Look alam kong may problema tayo pero please Ace wag naman ganito. Kahit eto lang hayaan mo ko. Pakiusap ko.

Tumango sya at pinapasok nya ko sa loob.

"Aray! Ang hapdi." Wika nya.

Gusto kong magalit at sisihin sya pero kahit hindi nya aminin alam ko na kasama ako sa dahilan sa nangyari sa kanya.

"Konti na lang tapos tatakpan ko na para hindi magkainfection." Mahinahong wika ko.

"Lasing na lasing ka daw kagabi sabi ni Ate Den, kaya ba napaaway ka?" Tanung ko.

"There's more to it than that." Wika nya.

"Then what is it Ace? Anung nangyari? Alam kong sinabihan mo ko na wag maghintay pero hindi ko maiwasang mag-alala Ace, especially the way you left." Paliwanag ko.

I felt her stiffen under my touch. She's mad.

"Not now Cait. I just need some time." Wika nya.

"Ace pag-usapan natin to please." Pakiusap ko.

"Cait please... not now." Wika nya habang nakatitig sa mga mata ko.

Ramdam ko na nagpipigil sya, magkahalo ang lungkot at galit sa mga mata nya. Ngayon ko lang sya nakitang nagkakaganito at kinakain ako ng guilt knowing na ako ang dahilan. Gayunpaman, ramdam ko na pilit nyang pinaparamdam sa kin na hindi nagbago ang nararamdaman nya. Sa kabila ng lungkot at galit, may pagmamahal pa din sa mga mata nya.

Paano ko nagawang saktan ang isang taong ganito magmahal? I'm sorry Ace. I'm so sorry.

"Uuwi muna ko ng P'que. Kahit ilang araw lang. Susunod na lang ako sa Zambales. Nakausap ko na si Deanna sya na lang muna susundo sa yo." Wika nya.

Oo nga pala may team building kami sa Zambales. Dapat sabay kaming pupunta. Sa gitna na lahat ng sakit na binigay ko sa kanya, ako pa rin ang inasikaso nya.

Tumango na lang ako.

Pagkatapos kong gamutin at takpan ang sugat nya, hinayaan ko na syang mag-impake pauwi sa P'que at bumalik na ko sa unit ko.

Pagkatapos ng ilang minuto naramdaman kong may tao sa labas ng pintuan ko. May iniwan sya.

"I'm sorry Cait. Mag-usap tayo pagkabalik ko. I just need some time to process things. Mahal kita sobra pero kailangan ko lang din muna ayusin ang sarili ko." Wika nya sa sulat na iniwan nya.

Gusto kong umiyak. Hindi ko akalaing masasaktan ko sya ng ganito.

Bago ko maisara ang pintuan, narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Cait..."

Si Bea.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Where stories live. Discover now