Chapter 29

79 2 0
                                    

Cait's POV

Ilang araw na din ang nakalipas. Nakabalik na din si Ace sa practice. Kung hindi ako ang kasama nya buong panahon na may sakit sya ni hindi ko maiisip na nagkasakit sya. Kung paano sya nung unang practice mas higit pa dun ang pinapakita nya ngayon.

"Grabe Ate Ace, masyado mo naman ginagalingan. Hirap na hirap kami papasukin yung bola." Biro ni Isa.

Napakamot na lang ng ulo si Ace.

"I think someone's super inspired." Panunukso ni Kat.

Napangiti na lang si Ace.

Wala pa din kaming inaamin tungkol sa estado naming dalawa. Sa totoo lang hindi namin masyadong napag-uusapan. Umuuwi na din ako sa unit ko ngayon pero madalas tumatambay pa rin kami sa unit ng isa't isa.

"Bei, we're going out later. Wanna come?" Narinig kong tanung ni Maddie kay Bea.

"Sorry Madz, Jho is actually picking me up after practice. The fam wants to see her." Sagot ni Bea.

"Oh come on Ate Bei, lagi na lang si Ate Jho ang kasama mo. Paano naman kami?" Tampo ni Deanna.

"Sorry D, bawi ako next time." Sagot ni Bea.

"E kasi naman nabuo na yata talaga ulti ang JhoBea." Panunukso ni Thang na pinigilan ni Maika.

Hindi kumibo si Bea.

Mas madalas na din na magkasama ulit sila Jho at Bea. Kaya minsan hindi maiwasan ng team na tuksuhin si Bea. Minsan hindi ko din maiwasan na mapaisip at may maramdaman. Hindi lang siguro ako sanay na iba na ulit ang laging kasama nya.

Ace's POV

Napansin ko na natahimik si Cait nung binibiro nila si Bea. Ayoko sana mag-isip pero hindi ko maiwasan na mapaisip kung nagseselos ba si Cait.

Naniniwala naman ako na ako ang pinili ni Cait pero minsan hindi ko maiwasang isipin na baka hindi lang naexplore ni Cait yung feelings nya kay Bea kasi nauna ako magtapat.

Hay Ace. Tigilan mo na yan. Pinapahirapan mo lang sarili mo. Hindi mo din naman sya kayang pakawalan di ba?

"Ate Ace. Okay ka lang?" Tanung ni Deanna.

"Ha? Ahh... oo." Wika ko sabay ngiti.

"May problema ba kayo ni Cait?" Dagdag na tanung nya.

"Ha? Wala naman. Wait bakit may nabanggit ba sya sa yo?" Tanung ko.

"Wala naman pero natutulala ka lang naman kasi ng ganyan pag tungkol kay Cait e." Paliwanag nya.

Wow. Ganun ba ko kahalata?

"Ha? Talaga ba?" Tanung ko sabay tawa.

"Ayos lang ako. Ok lang kami." Sagot ko.

Okay lang naman kami di ba? Sana ok lang kami.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Where stories live. Discover now