Chapter 7

102 2 0
                                    

Cait's POV

Nagising ako na magkawak kamay pa din kaming dalawa.

Ano to Caitlin? Hindi ko mapigilang mapaisip. Iba to sa mga holding hands namin before.

Dahan-dahan kong binitawan ang kamay nya at bumangon para maghanda ng almusal naming dalawa.

"Morning. Ang aga mo bumangon. Naunahan mo ko ngayon ah." Bulong ni Ace sabay halik sa pisngi ko habang nakasandal ang baba nya sa balikat ko at nakayakap sya.

"Morning sleepyhead. Ngayon lang naman ako nauna." Sagot ko sabay hawak sa pisngi nya habang nakayakap pa din sya sa kin.

"Ang bango naman ng niluluto mo." Wika nya.

"Basta bacon naman mabango sa yo e." Biro ko.

"Fair." Nakangiting sagot nya.

"Malapit na to." Wika ko.

"Noted chef, ireready ko na yung table." Biro nya sabay bitaw sa pagkakayakap nya at kumilos para ayusin ang lamesa.

Pagkatapos naming kumain ay tinawagan nya na ang property manager para masort out ang issue sa susi. Agad namang dumating ito at gamit ang spare key nabuksan na namin ang kwarto ko.

"Thank you, pasensya na po ulit sa abala." Nahihiyang wika ko.

"Wag ka mag-alala nangyayari talaga yung ganito. Mabuti na lang at may natulugan ka kagabi." Wika ng property manager.

"Opo. Pasensya na po ulit." Sagot ko.

"O sya maiwan ko na kayo." Wika ng property manager.

"Thank you po ulit." Sabay naming wika ni Ace.

Hinanap ko agad ang susi ko na nakalagay lang malapit sa pinto. Nakakabit din dito ang spare key na agad kong kinuha.

Kailangan ko ng back-up para hindi na maulit to. Kaya naisip ko na ibigay na ang spare key kay Ace tutal lagi naman kami nakatambay sa unit ng isat isa.

Paglapit ko sa kanya sabay kaming may inabot sa isa't isa. Hindi namin napigilang matawa. Nauna syang nagsalita.

"Just in case mastuck ka tapos wala pala ko, ayoko naman na maghintay ka mag-isa sa labas ng pinto mo or pinto ko habang hinihintay mo ko." Wika nya.

"In case of emergency din." Wika ko at tumango sya.

"Thank you sa rescue kagabi." Dagdag ko sabay yakap sa kanya.

Niyakap nya din ako at hinalikan sa noo sabay bulong, "Always."

Ang init ng mga bisig nya. Parang ayoko ng umalis sa yakap nya.

Bumitaw sya sa yakap at hinawakan nya ko sa pisngi habang nakatitig sa mga mata ko.

Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Always." Pag-ulit nya. "Always was, always am, always will be." Dugtong nya.

There something about the way she looked at me. Yung parang may gusto pa syang sabihin pero di nya magawa.

What is it Ace? What are you not telling me?

"I should go para makarest ka na." Wika nya sabay ngiti.

"Thank you for breakfast. Have a great day Cait." Pagpapatuloy nya then she kissed my cheek before she headed out the door.

Parang sasabog ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang something shifted between us last night. I mean naramdaman ko na yung electricity before pero bakit parang tumaas yung voltage ngayon.

Hoy Caitlin! Tigilan mo na yan. Nagooverthink ka lang. Magkaibigan lang kayo. Magkaibigan lang naman talaga di ba?

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Where stories live. Discover now