Chapter 35

84 2 0
                                    

Cait's POV

Ilang araw na din ang nakalipas simula ng huli ko silang makita. Akala ko mas lilinaw ang lahat habang di ko sila nakakausap pareho. Pero may pagkalito pa din sa nararamdaman ko.

Sinundo kami ni Deanna papuntang Zambales para sa team building. Tumalon ang puso ko ng makita ko si Ace. Pagaling na ang sugat nya. Gustong-gusto ko sya yakapin pero alam kong kailangan pa namin mag-usap. Nakita ko din agad si Bea, at hindi na ko nagulat na magkasama sila ni Jho. Hindi closed practice ang unang gabi kaya pwede kaming magdala ng bisita sa umpisa.

"Okay guys, sige na iligpit nyo na ang mga gamit nyo para makapagparty na kayo. It's your free time until tomorrow morning so enjoy but be safe." Wika ni Coach.

"Let's go to the beach!" Wika ni Maddie.

Sumang-ayon naman ang lahat kaya agad namin niligpit ang mga gamit namin at nagbihis ng pangswimming.

Halos sa min lang ang buong lugar maliban sa ilang mga lokal kasama na ang ilang kabataan.

"Darling! Samahan mo ko, kunin natin ung nga snacks and drinks." Yaya ni Deanna.

"Sama din ako!" Wika ni Reg.

Naglalakad na kami papunta sa resort ng marinig namin ang malakas na sigawan ng mga teammates namin. Agad kaming napatakbo pabalik sa pampang.

Ace's POV

Nagkwekwentuhan kami sa may pampang ng mapansin kong tangayin ng alon yung isang bata. Agad akong tumakbo papunta sa kanila para subukang tulungan yung bata. Kakahawak ko sa batang hinagip ng mapansin kong sumunod pala yung isa pang bata. Papunta na ko sa kanya habang hawak yung isang bata ng makita ko si Bea na palapit sa min. Sumenyas sya na dumiretso na kami sa pampang pero nahagip kaming apat ng alon papunta malapit sa mga bato.

Bea's POV

Nakita kong tumakbo bigla papunta sa dagat si Ace and I saw what was happening so I ran after her. She was deep in the water when I noticed the other kid dive after her. Sinundan ko sila para pigilan sana yung isang bata habang sinasagip ni Ace yung una. Nakuha na ni Ace yung unang bata ng mapansin nya kami. I signalled her to swim to the beach when all four of us got swept away towards the rocks. Narinig kong parating ang mga rescue boat habang pinipilit namin iangat ang mga bata sa patag na bato. It was a struggle pero nagawa namin.

Pinilit namin ni Ace na makaakyat din sa mga bato, naramdaman ko ang kamay ni Ace na sumusuporta sa likod ko. Sa gitna ng pakikipaglaban namin sa mga alon may pakiusap si Ace.

"Bei, kung may mangyari, please alagaan mo si Cait, tell her I love her." Pakiusap nya.

Gusto kong sabihin sa kanya na walang mangyayari, na makakaligtas kami pero napatango na lang ako sa bilin nya at sa isang iglap nilamon kami ng alon.

There was only one thought running through my mind bago ako nawalan ng malay.

Jho.

Cait's POV

Narinig kong sinigaw ng mga teammates namin at ni Jho ang pangalan nila Ace at Bea.

Nakita kong nasa tubig ang dalawa kasama ang dalawang bata. Nakita kong pinigilan ng mga teammates namin si Jho na sumunod.

Akala ko papunta na sila sa pampang pero nalaglag ang puso ko ng makita kong hinagip sila ng alon papunta sa mga bato. Sobrang bilis ng mga pangyayari.

Wala kaming magawa habang pinapanuod namin silang iangat ang dalawang bata sa patag na bato at papunta na ang mga rescuers sa kanila. Sa isang iglap hinagip sila ng alon pailalim.

"Ace!" Sigaw ko kasabay ng pagtulo ng luha ko at panlalambot ng tuhod ko. In that moment, I realised one thing. It's Ace. It's Ace, I can't live without.

Naramdaman ko ang pagsalo sa kin nila Deanna at Reg. Niyakap ko sila ng mahigpit at hindi ko mapigilan ang iyak ko.

Jho's POV

Sinubukan kong humabol pero napigilan ako ni Kat at Maika. Wala akong nagawa kundi panuorin ang mga pangyayari. Nakita ko kung paano sila tangayin ng alon pailalim at bumigay ang buong katawan ko. Naramdaman ko ang yakap ni Ate Den at wala na kong nagawa kundi umiyak sa kanya.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt