Chapter 4

146 3 0
                                    

Cait's POV

"Ace siguro ipapartner muna kita kay Caitlin for training since mas malapit yung height nyo for this drill. Okay lang ba yun Cait? I know usually si Bea ang drill buddy mo." Wika ni Ate Beth.

"Of course Ate wala pong problema. Welcome to the team Ace." Wika ko sabay abot ng kamay ko kay Ace para kamayan sya.

"Thank you Caitlin." Wika nya sabay ngiti.

Inabot nya ang kamay nya at paghawak ko dito parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan naming dalawa.

Weird. Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko?

"Uhmm... Cait na lang." Wika ko.

Firm pero gentle yung pagkamay nya sa kin. Napansin ko din agad ang ganda ng mga mata nya. Napakaganda din ng ngiti nya. Ang gwapo niya pala lalo sa malapitan.

"Shall we?" Pagyaya nya na simulan ang training.

Oh my. Nakakatunaw ang mga mata at ngiti nya. Focus Cait!

I've seen her around. Pero I've never seen her this close. I've had a crush on her from the very first time I saw her. Parang sobrang bait kasi. Pero mas malala pala pag ganito na kalapit.

"Tara." Sagot ko.

Sinimulan na namin ang mga drill at madali nya akong nasabayan. Napaka-fit nya kahit ngayon pa lang sya maglalaro sa pro league.

"Thank you pala ha. Pasensya na din na medyo nadisrupt ko yata yung routine nyo ni Bea." Wika nya.

"Hala, wala yun anu ka ba. Hindi naman din talaga laging kami ang magkasama depende din sa mga drill." Sagot ko.

"Pero super close kayo?" Tanung nya.

"Uhmm, sya kasi unang roommate ko pagkapasok sa team so medyo mas nakilala ko sya agad. Although akala ko nung una hindi kami magkakasundo." Napangiti ako sa sinasabi ko at mukhang napansin nya dahil napangiti din sya.

"Well, mahirap din naman yata maging comfortable agad sa dating kalaban mo sa court. Lalo na ang init ng labanan nyo nun e." Wika nya.

"Saglit, you watched that game?" Tanung ko sa kanya.

"Uhmm..." Panimula nya pero kitang-kita ko na parang bigla syang nahiya.

"Let's just say I've never missed any of your games or any CMFT games simula nun." Pagpapatuloy nya.

Madalas ko sya makita sa mga CMFT games may one time pa nga na may picture ang buong team kasama nya pero first time ko malaman na kahit nung UAAP pa pala nanunuod na sya.

Lumapit si Coach sa min.

"Ace, do you think kaya mo na sumali sa sparring game ngayong hapon?"

"Yes, Coach." Sagot nya.

"Great. Let's break for lunch and we'll start the sparring game later." Sagot ni Coach.

"Okay Team, lunch time." Anunsyo ni Bea sabay akbay kay Ace.

"You my friend are sitting with us." Bulong ni Bea kay Ace. Sabay tango nito.

Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain ng tanghalian.

Pagkatapos nito ay naghanda na kami para sa  sparring game. Sinabak agad ni Coach si Ace na libero kasama nila Deanna, Bea, Maddie, Sisi, Des at Kat. Mukhang gusto agad masubok ni Coach kung paano maglaro ito. Personal akong namangha sa nakita ko, ilang minuto pa lang silang naglalaro pero matindi na agad ang laban. Maliksi ang mga kilos ni Ace, parang bawal kumurap. Nakita ko din na kumukuha ng mga larawan si Ate Beth siguro para bantayan ang porma niya. Halos malaglag ang panga ko ng nakita ko syang magdive at maiangat ang bola na nasa imposibleng anggulo. Napansin yata ni Ate Den ang pagkamangha ko.

"PUP's pride." Wika ni Ate Den.

Napatingin ako sa kanya at napatanong. "Nakita mo na sya maglaro before Ate Den."

Tumango sya.

"We used to watch her games the same way she used to watched ours. Sya lang ang katangi-tanging player na kilala ko na ganyan kumilos. Para syang combination ni Superman at ni Flash." Sagot ni Ate Den.

"Wow." Namangha ako lalo sa sinabi ni Ate Den.

Habang pinapanuod ko sya mas lalong nagiging klaro sa kin yung sinasabi ni Ate Den. Solid lahat ng galaw nya at kahit ilang beses ko na sya nakikitang magdive, parang hindi sya nasasaktan. Sobrang agile nya din na malingat ka lang parang kahit ako yung katabi nya magugulat ako sa kung saan sya nanggaling.

"Invisiwall ang tawag nila sa kanya." Patuloy ni Ate Den. "Sa tuwing nakikita ng kalaban na may gap, madalas nasasalo pa din nya."

Malayo ang lamang namin sa sparring team sa unang set at nagdesisyon si Coach na palitan lahat ng players maliban kay Ace para makita kung paano kami makikipag-interact sa kanya.

Kung namamangha na ko sa mga galaw nya nung nanunuod ako kanina. Mas lalo ngayon na pareho na kaming nasa loob. Sa sobrang bilis ng galawan madaling natapos ang pangalawang set. Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng mga kilos nya, hindi mo mababakas sa mukha nya ang pagod.

Kakatapos kong hampasin ang bola ng nakuha at naiset ito agad ng kabila at sobrang bilis na lumilipad ito papunta sa kin. Solid ang hampas ng kabila at muntik akong tamaan diretso sa mukha kaya napaupo ako paatras pero sa isang iglap, naharang agad ito ni Ace at naipasa kay Deanna na sinet agad kay Shannen at agad na naging bomba sa kabila at tumapos sa pangalawang set.

"Cait! Okay ka lang? Nasaktan ka ba?" Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nya habang inaabot ang kamay nya para tulungan akong tumayo.

Umiling ako at inabot ang kamay nya. Inalalayan nya ko na tumayo. "Hindi okay lang ako. Nagulat lang ako kaya napaupo."

Pinagpag nya ang likod ko at tumango. Nang makita nya na ayos lang ako nagsimula na syang lumakad palayo. Sabay lapit naman ni Bea at inabutan ako ng malamig na tubig.

"Darling, are you okay?" Tanung ni Bea, tumango lang ako.

Napapaisip pa din ako sa nangyari. Nasa kabilang dulo sya bago ako muntik tamaan ng bola. Pero sa isang iglap lang, nasa harap ko na sya.

"Bei, nakita mo ba kung saan nakaposisyon si Ace bago ako muntik tamaan ng bola?" Tanung ko sa kanya.

Napangiti ito. "Wag kang mag-alala hindi ka namalikmata. Nasa kabilang dulo sya pero ng makita nyang papunta sa yo ang bola at mukhang tatamaan ka tumakbo agad sya sa harap mo para harangin ito." Sagot ni Bea.

"Ha? Paano?" Tanung ko.

"Invisiwall ang bansag sa kanya, poprotektahan at dedepensahan lahat hanggat kaya nya." Bulong ni Bea habang palapit kami sa team.

Pangalawang beses ko ng narinig ang bansag sa kanya. Kung ganito sya kagaling dumepensa, mukhang mas may pag-asa kami sa susunod na conference.

Pagkalapit namin sa kanila, hindi sya nakatingin sa kin pero automatic na inabutan nya agad ako ng tuwalya. Kinuha ko naman ito at nagpasalamat. Nakita kong ngumiti agad sya.

Ganito ba talaga sya kaalaga? Totoo bang may ganito pa sa mundo? Akala ko maalaga na si Bea, pero iba pa pala si Ace.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Where stories live. Discover now