Chapter 25

81 2 0
                                    

Denden's POV

"O saan pupunta yung si Bei?" Tanung ko.

"May susunduin daw bago sya sumunod kina Ace." Sagot ni Maddie.

"Who?" Tanung ni Kat.

Maddie just shrugged her shoulders.

We all headed out papunta sa unit ni Ace. At pagdating dun nagkwentuhan kaming lahat. It was good to see Ace back on her feet.

"Teka asan pala si Ate Bei?" Tanung ni Deanna.

"May sinundo lang daw, parating na yun." Sagot ni Maddie.

Sabay narinig namin ang katok sa pintuan.

"O ayan na yata." Wika ni Cait sabay bukas ng pinto.

"Hi." Wika ni Bea.

"Hi." Sagot ni Cait.

Medyo awkward pa din sila.

"Hey Ace, I hope you dont mind I brought someone else to see you." Wika ni Bei habang papasok ng pinto.

Jho entered the room and we were all stunned.

"Hi." Wika ni Jho.

"Jho!" Nakangiting sagot ni Ace habang papalapit kay Jho. "It's good to see you." Dagdag nito.

Niyakap ni Jho si Ace at niyakap sya ni Ace pabalik.

"Tuloy ka." Pagyaya ni Ace.

Sa ilang segundo na yun, tulala pa din kaming lahat. Hindi naman eto yung first time na nakita namin sila ulit magkasama but it is the first public appearance since AngAtleta.

"Can I get you anything? Water, juice or food?" Wika ni Cait kay Jho.

"Hi Cait. Uhmm... juice please kung ok lang." Sagot ni Jho.

"Of course. Wait lang ha." Sagot ni Cait sabay alis papuntang kusina.

"Mommy!" Wika ni Deanna sabay yakap kay Jho.

"Hey D." Tugon ni Jho.

Unti-unting binati at nakipagkwentuhan ang lahat kay Jho. Habang lumapit naman sa kin si Bea.

"Bei, really?" Pabulong na wika ko sa kanya.

"I know, I know. Ngayon lang Ate. I can't be here on my own." Sagot nya.

"Anu kami invisible?" Sagot ko.

"No, of course not but you know what I mean." Sagot ni Bea.

"Okay, okay. Just be careful though. Don't make it complicated." Paalala ko.

Tumango lang sya.

Jho's POV

Napansin ko na nag-uusap sa gilid sila Ate Den at Bea. Medyo alanganin pa din ang relasyon namin ni Ate Den. Hindi ko sya masisisi dahil nasaktan ko noon si Bea at pinoprotektahan nya to. Anak-anakan na nila ni Ate Alyssa si Bea bago pa ako pumasok sa eksena kaya alam kong nasaktan ko din sila noon. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila.

"Ate Den." Mahinang wika ko.

"Hi Jho." Sagot nya.

Gusto ko syang yakapin, gusto ko magsorry pero ayokong gumawa ng eksena dito.

Naramdaman kong hinawakan ni Bea ang kamay ko.

"Hey Jho! Are you keen for some karaoke?" Pagtawag ni Kat.

"Go on Jho, we can talk another time." Wika ni Ate Den.

Tumingin ako sa mga mata ni Bea at tumango sya.

"Let's go Jho. Head to head tayo? G?" Paghamon ni Maddie.

"G!" Tugon ko habang papalapit sa kanila.

Unti-unting bumalik ang ingay at saya ng buong grupo habang tuloy-tuloy ang hamunan sa karaoke at kwentuhan.

"O sino na next?" Tanung ni Isa.

"Alam nyo may isang boses pa tayong hindi naririnig e." Pagtukso ni Shannen.

"Ay parang kilala ko yan." Dagdag ni Jem.

"Balita ko may hidden talent to sa pagkanta e." Gatong ni Des.

"So alam nyo na?" Panunukso ni Shannen.

Kung di ako nagkakamali si Ace ang tinutukoy nila. Natatandaan ko nung Uni days narinig ko na sya kumanta.

"Sino?" Inosenteng tanung ni Cait.

"Naku Darling, dapat kilala mo na to." Biro ni Deanna.

"Ay parang alam ko na." Dagdag ni Reg.

Halatang naguguluhan pa din si Cait.

"Sus pinapahaba nyo pa e. Ako na nga magsasabi. Ace isang harana naman dyan!" Panunukso ni Ate Den.

Halatang natigilan at namula si Ace. Napatingin sa kanya si Cait at mukhang hindi talaga alam ni Cait na kumakanta sya.

"Let's go Ace. Let's go Ace!" Panunukso ng grupo.

"Uhmm... help?" Nagkakamot na wika ni Ace kay Cait.

"Oh no, no. Kaya mo na yan. Gusto ko din madinig ang singing voice ng isang Ace Caputo." Dagdag na panunukso ni Cait.

Binigay nila sa kanya ang mic at sila na din ang pumili ng kanta para sa kanya. Kagaya ng request ni Ate Den, harana ang pinili nila.

🎶Uso pa ba ang harana, marahil ikaw ay nagtataka🎶

Naghiyawan ang lahat sa lamig ng boses ni Ace. At halatang natigilan si Cait sa kanya.

"Ayun oh! Darling! Hinaharana ka na." Biro ni Deanna.

Tila sinamantala naman ni Ace ang pagkakataon para totoong haranahin si Cait. Nagkakasiyahan ang lahat pero hindi ko mapigilang mapansin ang lungkot sa mga mata ni Bea kahit pinipilit nitong ngumiti. Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil ito. Naramdaman ko ang paglapit nya lalo sa kin.

Sorry Bei, na hindi ko mapawi ang nararamdaman mo. Pero nandito lang ako.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Where stories live. Discover now