Chapter 37

84 2 0
                                    

Jho's POV

Pumasok ako sa kwarto nya at hinaplos ang ulo nya.

"Jho..." Mahinang wika nya.

"I'm here Bei. I'm right here." Wika ko.

I felt her reach out for my hand so I held it and squeezed it.

Alam kong nanghihina pa sya kaya hinayaan ko syang magpahinga.

"Please stay." Pakiusap nya.

I kissed her on the forehead.

"I'll stay right here." Wika ko.

Cait's POV

Pumasok ako sa kwarto nya at nakita ko ang mga tubo na nakaattach sa machine na tumutulong sa kanyang huminga. Lumapit ako at umupo sa tabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya at inilapit yun sa mukha ko habang tumutulo ang luha ko.

"Ace I'm sorry. I'm so so sorry. Don't leave me please. It's you Ace. It's always been you. Mahal na mahal kita. Please give me a chance na iparamdam yun sa yo." Wika ko habang umiiyak.

Lahat ng pagkalito ko, lahat ng akala kong nararamdaman ko para kay Bea, nawala yun lahat. Sa gitna ng pag-aagaw buhay nilang dalawa, naging malinaw sa kin kung para kanino ang tibok ng puso ko.

Ilang oras na din ang nakalipas at nakatulog na pala ako sa tabi ni Ace. Wala pa din pagbabago. Nagising ako sa kamay ni Jho sa balikat ko.

"Cait, gising na si Bei. Gusto ka nyang makausap." Mahinang wika nya.

Tumango ako at hinalikan ko si Ace sa noo bago ako sumunod kay Jho. Sa labas ng pinto binilin ko kay Reg na bantayan nya muna si Ace.

Nakaupo sa kama si Bea ng pumasok kami sa kwarto nya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Masaya ako na ligtas na sya pero mas nangingibabaw ang takot ko na mawala si Ace.

"Cait alam kong wala akong masasabi ngayon na makakapawi sa nararamdaman mo. I wish I could tell you that everything's going to be okay. Pero hindi ko alam kung ano ang mangyayari. All I know is that Ace is a fighter. She fought in that water to keep me and the kids alive and right now she is fighting for her life, for you. Mahal ka nya she wanted you to know that. At dahil mahal ka nya alam kong lalaban sya." Wika ni Bea.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Where stories live. Discover now