Chapter 20

86 2 0
                                    

Cait's POV

I can't hide how I feel. Napakaawkward ng interaction namin ni Bea. I know we are both trying pero I am still in shock sa nangyari. Two people confessed to me in one day. The other one, reciprocal pero with Bea... She matters to me and I don't want to lose her either pero hindi ko pa sure kung paano kami magmomoveforward. Either way, alam kong masasaktan ko sya. Hindi ko pa din alam kung paano ko sasabihin kay Ace. We are just starting. Lalo na ngayon na alam ko na alam nya na may feelings si Bea for me. Hindi ko alam kung paano sya magrereact.

Hay Caitlin! Nakakaloka ka.

"Huy Darling! Ok ka lang? Kanina pa kita sinusubukan kausapin pero tulala ka lang dyan." Wika ni Deanna.

"Yeah, sorry." Wika ko.

"Hangout tayo? Yayain ko si Reg. Para malabas mo kung anuman yang sinasarili mo?" Tanung nya.

Tumango ako.

Message to Ace:

[Hey ok lang ba kung makihangout muna ko kina Deanna?]

Ace replied:

[Oo naman. You've been cooped up taking care of me nitong mga nakaraang araw. Go enjoy yourself 🤗]

Message to Ace:

[Thanks.]

Ace replied:

[No worries, basta sa kin ka uuwi ha? 😉]

Hindi ko mapigilang mapangiti sa biro nya.

Message to Ace:

[Always. 🤗]

Sumama ako kina Deanna at Reg at tumambay muna kami kina Deanna after ng practice. It's good to be able to just chill out with them. Sa lahat ng mga nangyari recently ngayon ko lang narealise na ang tagal na pala namin hindi masyado nakakapagbonding.

"So kailan natin pag-uusapan kung ano nangyayari sa yo?" Wika ni Reg sa kin.

Hindi ko alam kung saan magsisimula.

"Wait kamusta nga pala si Ate Ace?" tanung ni Deanna.

"Medyo ok na. For sure babalik na yun sa practice sa Monday." Wika ko.

"So pwede na namin sya dalawin bukas after practice?" Tanung ni Reg.

"Oo naman, I'm sure matutuwa yun. Bored na din sya e." Sagot ko.

Talking about her, bigla ko syang namiss. I wish she was here.

"So balik tayo sa yo Darling. Anung meron? Bakit wala ka sa hulog today?" Tanung ni Deanna.

"Ha? A... e..." Simula ko.

"Cait, kami lang to. Mga BFF mo to." Wika ni Reg.

I know I can trust them pero hindi ko para din alam kung saan magsisimula kasi bago lahat to sa kin.

"Anu na Darling?" Nabubugnot na wika ni Deanna.

"Wait lang, di makapaghintay yarn? Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula. Parang sobrang dami nangyari." Wika ko.

"E di simulan mo kay Ace. Di kami bulag, matagal na naming napapansin pero hinihintay ka lang namin magsabi." Wika ni Reg.

Nakita siguro nila na naguluhan ako.

"Okay direstong tanung. May gusto ka ba kay Ate Ace?" Tanung ni Deanna.

Napatango na lang ako.

"Alam nya ba?" Dagdag ni Reg.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Where stories live. Discover now