Chapter 32

85 2 0
                                    

Cait's POV

Ilang oras akong naghintay sa unit ni Ace, umaasang babalik sya. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Sinundo ako nila Reg at Deanna sa unit ni Ace at yung lang ang pagkakataong bumalik ako sa sarili kong unit.

"What happened?" Tanung ni Deanna.

Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula. Kinakain ako ng hiya at guilt sa nangyari.

"I messed up D." Panimula ko.

"What do you mean?" Dagdag nya.

"May kinalaman ba to kay Bea?" Dagdag na tanung ni Reg.

Napatango na lang ako.

"Wait... did you... Cait please tell me you didn.t did you cheat on Ate Ace with Ate Bei?" Tanung ni Deanna.

"No! Hindi. Nothing happened. I promise I didn't pero it almost feels like I did. I was confused. Hindi ko alam kung bakit biglang nakaramdam ako ng selos simula ng makita ko sila Bea at Jho na magkasama. Hindi ko sinasadya, pero hindi ko din alam kung anung pinanggagalingan at kung bakit hindi ko mapigilan." Paliwanag ko.

"Alam ba ni Ace yung tungkol sa selos mo?" Tanung ni Reg.

Tumango ako.

Alam kong matagal nya na napapansin kahit hindi nya ko tinatanung. Alam ko din na nasasaktan ko sya pero hindi ko alam kung anung gagawin ko. Pinilit kong balewalain pero kasabay nun, naubos sya. Wika ko sabay pagpatak ng mga luha ko.

"Darling unfair yun." Wika ni Deanna.

"I know." Mahinang wika ko.

"Asan si Ace ngayon?" Tanung ni Reg.

"Hindi ko alam. Nag-aalala ako. Sabi nya kailangan nyang lumabas para magpahangin. Binilin nya na wag ko syang hintayin pero hindi ko kayang umalis sa unit nya kanina until dumating kayo. Hindi nya sinasagot ang mga tawag ko. Pinatay na din nya yung phone nya. Reg, D. hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanya." Wika ko.

Narinig kong tumutunog ang phone ko. Kinuha yun ni Deanna.

"Cait, si Ate Den." Wika ni Deanna.

Kinuha ko agad ang phone ko para sagutin ang tawag ni Ate Den. Pinaliwanag nya na nasa bahay nila si Ace. Para akong nabunutan ng tinik dahil at least alam ko na kung nasaan sya pero nag-aalala pa din ako dahil ramdam ko sa tono ng boses ni Ate Den na may nangyari.

"Anung sabi?" Tanung ni Reg.

"Nakina Ate Den daw sya. Hindi naexplain ni Ate Den lahat pero ramdam ko na may nangyari." Wika ko.

"Alam kong kasalanan ko to. Hindi ko alam ang gagawin ko." Dagdag ko.

Tahimik na nag-iisip si Deanna.

"Cait, may feelings ka ba kay Ate Bei?" Tanung nya.

"Hindi ko alam pero gaya ng sinabi ko bigla akong nakaramdam ng selos." Sagot ko.

"Alam ba nya?" tanung ni Deanna.

"Hindi pa kami nag-uusap ulit." Wika ko.

"Baka kailangan nyo mag-usap." Dagdag ni Reg.

"Cait, hindi ka namin matutulungan magdesisyon sa kung sino sa kanila ang dapat piliin mo pero kailangan mo magdesisyon. Mamili ka ng isa sa kanila o wag mong piliin kahit sino sa kanila. Pero wag mo ng patagalin. Kahit anung mangyari may masasaktan ka, kasama ka na dun pero mas masasaktan mo sila kung hindi ka magiging totoo sa sarili mo." Pangaral ni Deanna.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Where stories live. Discover now