Chapter 9

89 2 0
                                    

Caits POV

Pinauwi ako ng kuya ko sa Cavite for the rest of the weekend kaya pagdating ng Lunes ay dumiretso na ko sa practice. Una laging dumating si Ace sa practice kaya nagulat ako na wala pa sya.

"Morning Cait. O asan si Ate Ace?" Bati at tanung ni Deanna.

"Ha? Wala pa ba sya? Tinext ko sya kanina bago ako umalis ng Cavite na didiretso na ko dito e." Sagot ko sabay check sa phone ko. Wala syang reply. Weird. Hindi naman to first time na hindi kami nagkasabay pero usually nagmemessage sya.

"Ahh baka umuwi din ng P'que." Wika ni Deanna.

"Baka nga." Sagot ko. Pero usually nagsasabi din sya.

"Get ready guys magstart na tayo ng drills soon." Wika ni Ate Beth.

Napatingin ako sa wall clock. Mag-9am na pero wala pa rin sya. Simula sumali sya sa team never syang nalate ng ganito. Kinakabahan ako. Nilapitan ko si Ate Beth.

"Oh Cait. May problema ba?" Tanung ni Ate Beth.

"Ate nagsabi ba si Ace na hindi sya makakarating?" Tanung ko.

"Ha? Hindi. Akala ko nga baka nagsabi na sa inyo. Wait sige tawagan ko. Go na, sali ka na sa drills ako na bahala." Sagot nya. Tumango ako at bumalik sa na drills.

"Ok ka lang?" Tanung ni Bea. Hindi ako makasagot. Kinakabahan ako. Hindi normal kay Ace to.

"Nagsabi ba sa yo si Ace kung hindi sya papasok?" Di ko na napigilan na tanungin si Bea.

"Ha? Hindi. Akala ko nga nagsabi sa yo." Sagot nya.

Okay hindi na talaga normal to.

"Wait, may problema ba? Nag-away ba kayo?" Tanung ni Bea. Umiling ako.

Napansin kong kakabalik ni Ate Beth at lumapit sya kay Coach. Napansin kong biglang nag-alala ito. Lumapit sya sa ming tatlo nila Bea at Ate Den kasama si Ate Beth.

"Nagsabi ba sa inyo si Ace na hindi sya papasok?" Tanung ni Coach. Umiling kaming lahat.

"May nangyari po ba Coach?" Tanung ni Ate Den.

"Hindi sya sumasagot ng telepono." Wika ni Ate Beth.

Mas lalo akong nag-alala.

"This is not like her Coach." Wika ni Bea.

"I thought so too." Sagot ni Coach.

"Maybe we should check on her." Suggestion ni Ate Den.

"Cait anu sa tingin mo?" Dagdag ni Ate Den.

"Yes. Magkasama kami nung Saturday until pinauwi ako sa Cavite. Nagreply pa sya that time pero even sa message ko this morning bago ako umalis ng Cavite hindi pa din sya nagrereply." Sagot ko.

Nag-isip sandali si Coach.

"Sige, go ahead. Go and check on her now and update us." Wika ni Coach.

"Yes Coach." Sabay-sabay naming sagot.

Nanlamig ang kamay ko.

Ace I'm coming home. Please be okay.

Nagmamadali kaming umalis sa practice at tumakbo papunta sa building namin ni Ace. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pagdating sa unit nya paulit-ulit kaming kumakatok pero walang sumasagot.

"Do you think umuwi sya sa P'que?" Tanung ni Ate Den.

"If she did I'm sure shell let us know kung di sya makakapunta sa practice. This is not like her." Wika ni Bea.

"I wish we had a key or something." Wika ni Ate Den.

Damn! May susi nga pala ako! Dapat kanina ko pa naisip yun.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon