Chapter 23

79 2 0
                                    

Bea's POV

Jho was waiting in front of the house when I got there. So I parked the car, headed straight to her and I just broke down.

My heart is absolutely broken. I knew this could happen pero iba pa din pala pag nandun ka na sa moment na yun.

I melted into her arms and she took me inside. Alam kong para akong bata ngayon pero hindi ko macontrol ang emosyon ko.

Jho's POV

Dinala ko sya sa loob ng bahay. Kumuha ako ng tubig para kay Bea bago kami naupo sa sala. Nadudurog ang puso ko na makita syang ganito. A part of me also feels guilty knowing na nasaktan ko din sya ng ganito noon.

"Hey, sige lang ilabas mo lang lahat ng emosyon mo. I'm right here." Wika ko habang nakahawak sa mga pisngi nya.

Niyakap nya ko ng mahigpit at ramdam ko ang pagpatak ng mga luha nya sa balikat ko. Niyakap ko sya ng mahigpit.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa posisyon namin bago ko nasilayan ulit ang mga mata nya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Kasama na ang mabilis na tibok ng puso ko habang nakatitig sa mga mata nya. Sa isang iglap, magkalapit na ang aming mga mukha, parang magnet ang attraction sa pagitan naming dalawa.

Kung susundin ko ang puso ko, wala na akong gustong gawin kundi ang halikan sya pero alam kong hindi ito ang tamang panahon. Alam ko din na naguguluhan lang sya at ayoko ng dumagdag pa. Kaya bago maglapat ang mga labi namin, pinigilan ko sya.

"Bei..." mahinang wika ko.

Natauhan syang bigla.

"I'm sorry Jho, hindi ko alam kung anung nasa isip ko. I..." wika nya.

"Stop it's okay, we're okay. Don't worry about it." Pagpigil ko. Hinalikan ko sya sa noo bago ako tumayo at naglakad papunta sa kusina.

"Let's get some food into you." Wika ko.

Tahimik kaming kumain ng hapunan. Masaya ako na kahit paano kumain sya. Pagkatapos ng hapunan tinulungan nya ko magligpit ng pinagkainan at habang naghuhugas ng pinggan naramdaman ko ang yakap nya mula sa likod.

"Thank you Jho." Wika nya.

"Anu ka ba, para ka namang others e." Sagot ko.

Bahagya akong humarap sa kanya at hinawakan sya sa pisngi ng tuyo kong kamay.

"I'm here okay? Hindi na ko mawawala." Wika ko. Kita ko na nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

Tumango sya at inilapit ang noo nya sa noo ko. I kissed her cheek tapos niyakap ko sya bago namin ituloy ang pagliligpit.

"Uuwi ka ba ngayon or kailangan kong tawagan sila Tita?" Tanung ko.

I have to go home. I was already out last night, baka magworry na din sila. Sagot nya.

"Kaya mo ba magdrive or gusto mo hatid kita?" Dagdag na tanung ko.

"What if you stay the night with me instead?" Tanung nya.

"Ha?" Gulat ko sa tanung nya.

"I mean it. Come on, ang tagal ka na din hindi dumadalaw sa bahay and I'm sure Mom and Dad would love to see you." Sagot nya habang nagpapacute.

Hay na ko Beatriz ayan ka na naman sa mga moves mo. Malaking milagro talaga na hindi nahulog sa yo si Cait.

"May practice ka bukas di ba?" Tanung ko.

"Yeah, but you can always come with me, right?" Sagot nya.

"Ayoko nga. Mamaya closed practice pala kayo tsaka di ba sabi mo dadalawin nyo ng buong team si Ace after ng practice." Sagot ko.

"Oh yeah well the more na ayoko mag-isa." Malungkot na wika nya.

Hay Beatriz, alam na alam mo talaga paano ako tunawin.

"Fine, ganito na lang. I'll come with you tonight but I have to drive my own car para makauwi ako bukas pagpunta mo ng practice." Wika ko.

"Yes! But can I also pick you up after? Samahan mo ko pagpunta kay Ace? Please." Pakiusap nya.

"Oo na, sige na pero siguraduhin mo muna na okay sa team na nandun din ako." Sagot ko.

"I will." Wika nya sabay ngiti.

Nagpack kami ng gamit ko at pumunta na kami sa bahay nila. Ngayon ko lang ulit nakasama ang pamilya nya, at pinaramdam nila sa kin na parang walang nagbago. Nagpapasalamat ako na sa kabila ng mga pagkakamali ko lalo na nung nasaktan ko si Bea, pagmamahal pa rin ang pinaparamdam nila.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Where stories live. Discover now