Chapter 11

96 2 0
                                    

Ace's POV

Nagpaalam na sila Bea at Den pero nagpaiwan si Cait. Halos ayaw nya pa din akong pakilusin pero pinayagan nya ko na tumambay sa sofa habang nag-aayos sya.

"Cait..." Pagtawag ko.

"Yeah? Are you okay? May need ka ba?" Sagot nya.

Umiling ako. "Can we talk?" Wika ko.

"Yeah of course, tapusin ko lang to and I'll be right there." Sagot nya.

Tumango ako at hinintay sya matapos. Umupo sya sa harap ko para makapag-usap kami.

"Are you okay?" Panimula nya.

I reached out for her hand.

"I'm sorry na pinag-alala kita." Wika ko.

"And thank you for being here, for staying with me." Dugtong ko.

"Wala yun anu ka ba. Kaibigan kita, of course I'll be here for you." Sagot nya.

Kaibigan. Yun lang ba? Gusto kong magtanung. Gusto ko klaruhin yung mag pangyayari nitong mga nakaraang araw pero alam kong hindi ito ang tamang panahon.

Ngumit ako at hinigpitan ang hawak sa kamay nya.

"You should rest, you need to go back na sa practice tomorrow." Wika ko.

Kumunot ang noo nya.

"Pinapalayas mo ba ko?" Wika nya habang nakataas ang isang kilay.

Ngumiti ako at umiling.

"Hindi, pero baka magalit na si Coach pag di ka pa nagpakita bukas e gising naman na ko." Wika ko.

"Paano ka?" Tanung nya.

"I'll be okay, promise." Sagot ko.

"Naku Caputo pag ikaw nabinat lagot ka talaga." Wika nya.

Hindi ko maiwasang matawa. Tinatawag nya lang ako sa Surname ko kapag nagpapanggap sya na nagtatampo or galit.

"Don't worry Ms. Viray, magpapagaling po. Baka matanggal ako sa team pag hindi pa ko gumaling." Sagot ko.

Nakita kong napangiti sya.

"Okay fine, papasok na ko bukas. Pero dito ako matutulog ngayon at dito din ako didiretso after ng practice bukas para siguraduhin na hindi ka nagpapasaway. And you better answer my messages kundi susugurin ka namin." Bilin nya.

Tinaas ko ang mga kamay ko na parang sumusuko.

"Opo... opo... masusunod po." Sagot ko na nakangiti.

Hinampas nya ko sa balikat.

"Ewan ko sa yo, dyan ka na nga. Maliligo muna ko at mag-aayos ng gamit para bukas." Paalam nya.

Tumango ako.

Lumabas sya at pumunta sa unit nya. Pagkabalik nya ay tumambay lang kami sa sala at nanuod ng TV tapos ay nagpahinga ng maaga. Katabi ko sya matulog, halos ayaw niya din naman ako iwanan at medyo nasasanay na ko na nandito sya.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Where stories live. Discover now