Chapter 34

81 2 0
                                    

Bea's POV

Alam kong wala sa lugar ang galit na naramdaman ko para kay Ace lalo na ng ipaliwanag ni Jho kung anu ang nangyari. Kaya sinunod ko din ang payo nya na kamustahin si Cait.

Kakalabas ni Ace ng condo. Hindi nya ko nakita pero nakita ko sya. Halata ang lungkot sa kanyang mga mata. Napawi ng awa ang lahat ng galit na naramdaman ko bago ko sya nakita. Sa ilang taon naming magkakilala, ngayon ko lang sya nakitang ganito. I felt guilty knowing that I was just angry at her for getting Jho involved even though it wasn't really true.

Hindi ko maiwasang isipin kung ganito si Ace ngayon, paano na lang si Cait? Dali-dali akong umakyat sa unit nya. Nakita ko syang nakatayo sa may pintuan habang binabasa ang sulat na hawak nya. Hinayaan ko muna sya ng ilang minuto bago ako nagpakita.

Pinapasok nya ko at pinaupo sa sala. Iniwan nya ang sulat sa harap ko habang kumukuha sya ng inumin. Hindi ko napigilan ang sarili ko na basahin ito.

Napansin kong natigilan sya ng makita nyang binabasa ko ang sulat ni Ace. Halatang wala sya sa sarili at hindi nya agad naisip na iniwan lang pala nya sa harap ko ang sulat.

"Sorry. Hindi ko napigilan." Wika ko.

Tumango lang sya.

"Cait gusto mo bang pag-usapan?" Tanung ko.

"Hindi ko alam kung paano." Wika nya. Halatang naguguluhan sya.

"Nag-away ba kayo? May ginawa ba sya? Sinaktan ka ba nya? You can tell me Cait." Wika ko.

I felt her eyes harden towards me.

"Bakit ba lahat kayo, iniisip nyo na sya yung may nagawa? Di ba mas kilala nyo sya? Wala syang ginawa Bea. Hindi nya ko sinaktan. Ako to. Ako ang nakasakit sa kanya." Wika nya kasabay ng pagtulo ng luha nya.

"Sorry Cait I didn't mean to." Wika ko.

"All she ever did was love me. Kahit nasasaktan ko na sya wala syang ginawa kundi ipakita ang pagmamahal nya. Pero anung ginawa ko?! Hinayaan ko syang masaktan kasi hindi ko maharap ang nararamdaman ko sa yo. Sa inyo ni Jho." Dagdag nya.

"What are you talking about Cait?" Pagtataka ko.

"I felt jealous Bei, from the first time I saw you guys together. I didn't understand it so I kept denying it to myself. Pero niloloko ko lang ang sarili ko dahil alam kong alam ni Ace ang nararadaman ko. Pero sa halip na ayusin ko yung sa min, hinayaan ko lang sya, binalewala ko ang nararamdaman nya hanggang naubos sya." Paliwanag nya.

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

"I don't know what it is Bei. Hindi ko din alam kung bakit. Ang alam ko lang nakaramdam ako ng selos. Siguro kasi dati tayo yung laging magkasama. Siguro kasi nasanay ako na lagi ka nandyan. I know I'm being unfair right now and I'm sorry. Ace deserves better, you both do. I screwed up and I don't know how to fix it." Wika nya.

I sat there stunned. As far as I know she chose Ace already. So hearing all of this was news to me.

Alam ko sa sarili ko that there's nothing I can do or say that could help the situation. So I let her vent, I listened. And when she was done, when she calmed down, I left to let her rest.

My head was spinning 10,000 miles per hour. Hindi ko alam kung anu ang iisipin o mararamdaman.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum