Chapter 28

78 2 0
                                    

Jho's POV

Pagkaalis ni Bea, hindi ako mapakali kaya tinawagan ko na si Ate Den.

"Ate Den, pwede ba tayo mag-usap? Please?" Pakiusap ko.

Pumayag sya at nagdesisyon kaming magkita sa labas. Nauna ko dumating sa may park. Pagkadating nya, umupo kami sa isang bench katapat ng pond.

Ang dami kong gustong sabihin. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula. "Ate I'm sorry." Panimula ko.

"Jho mahal mo pa ba si Bea?" Diretsong tanung ni Ate Den habang nakatitig sa mga mata ko. Tumango ako.

"She's vulnerable right now. She's not thinking clearly. I hope you don't take advantage of that." Bilin nya.

"Ate Den..." Mahinang wika ko.

"I'm sorry Jho. Hindi pa din to madali. It's been years. It took you years. And all that time you had a chance. Pero why didn't you?" Wika nya.

"Kasi naging selfish ako. Alam ko yun. Hindi ko na inisip kung sino ang nasaktan ko. Sinunod ko lang yung bugso ng damdamin ko. I chose what I thought was easier because it was considered normal pero nung nakita ko na nagkamali ako, I chose to stay out of pride. Hindi ko na mababawi lahat ng yun. I am so sorry kasi alam kong nasaktan ko din kayo. Sobrang tanga ko nun. Sobrang pinagsisisihan ko na binalewala ko si Bea noon. Kahit alam ko na hinding hindi sya mapapantayan ng sinoman. Aaminin ko, sa buong relasyon na pinili ko, hindi ko maiwasan na lagi syang ikumpara kay Bea. Aaminin ko hindi nagtagal yung saya dahil alam ko sa sarili ko na si Bea ang totoong may hawak ng puso ko." Paliwanag ko.

"Jho ayoko lang makitang masaktan ulit si Bea. Promise me you'll give it time. Hindi pa sya nakakarecover kay Cait. Ayoko lang makita kayong magkamali sa pagmamadali." Pakiusap ni Ate Den.

Tumango ako.

"I missed you." Wika ni Ate Den.

Nagulat ako sa salitang binitawan nya.

"Ate..." Halos wala akong masabi.

"Jho, siguro akala mo we only cared about Bea at that time. You're wrong. We were worried about you too but you shut us down. We tried but in the end, it was easier to accept that there was nothing more we can do for you so we focused on Bea. Mas madali na magalit na lang without hearing your side. I'm sorry." Paliwanag ni Ate Den.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko sya ng mahigpit at naramdaman ko na niyakap nya ko pabalik.

"I'm sorry Ate. I'm so sorry." Mahinang wika ko sa gitna ng paghikbi habang tumutulo ang mga luha ko sa balikat nya.

Naramdaman kong humigpit ang yakap nya bago nya ko pinakawalan para punasan ang mga luha naming dalawa.

"Tahan na. Just promise me you won't forget the lessons you've learned back then and that you'll apply it now." Bilin nya.

Tumango ako.

Sa unang pagkakataon naramdaman ko na napatawad na ko ni Ate Den. After all these years, narealise ko na masyado kong kinulong ang sarili ko noon. Hindi ko na mababawi ang nakaraan pero gusto kong baguhin ang kinabukasan. I cannot lose Bea again.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin