Chapter 30

94 3 0
                                    

Deanna's POV

Minsan mahirap din pag masyado mo kilala yung mga tao ang hirap iwasan na mapansin na may iba sa mga kilos nila.

"Cait..." Panimula ko.

"Yes, D?" Sagot nya.

"Kamusta ka?" Tanung ko.

"Ha? Ok naman. Bakit parang ang random ng tanung mo?" Wika nya.

"Kamusta kayo ni Ate Ace?" Dagdag ko.

"Ok naman, bakit may nasabi ba sya?" Tanung nya.

Di ko maiwasang matawa.

"O bakit ka tumatawa dyan? Hay naku ang weird mo." Wika nya.

"Parehong-pareho kasi kayo ng tanung." Sagot ko.

"Cait ayoko sana makialam pero bilang kaibigan kailangan ko sabihin sa yo. May nag-iba sa inyo. Baka kailangan nyo lang pag-usapan." Dagdag ko.

Tumango lang sya.

Cait's POV

May point naman si Deanna. Alam kong may nagbago sa min ni Ace. Sa totoo lang kasi nalilito ako. Hindi ko alam kung bakit may selos akong nararamdaman pagdating kay Bea. Pinili ko si Ace. Alam kong mahal ko sya pero simula nung makita ko sila Bea at Jho na magkasama parang nakakaramdam ako ng selos. Hindi ko alam kung dahil ba dating kami yun, yung laging magkasama. Alam kong unfair to kay Ace kaya nahihiya din ako sa kanya. All this time wala siyang ginawa kundi intindihin ako at ipakita yung pagmamahal nya. Ramdam na ramdam ko yun sobra. Pero dahil sa mga pangyayari sa min ni Bea alam ko na hindi ko yun nasusuklian ng tama. Inuuna nya ko lagi, kahit alam ko sa sarili ko na may dinaramdam din sya.

Hay Caitlin! Ayusin mo! Hindi pwedeng ganito. Sino ba talaga ang mahal mo?

Nasa kalagitnaan ako ng monologue ko sa sarili ko ng naramdaman ko ang kamay ni Ace sa balikat ko.

"Cait..." Mahinang wika nya.

"Ace. Sorry. Kanina ka pa?" Tugon ko.

Umiling lang sya.

"May gagawin ka ba tonight?" Tanung nya.

"Wala naman." Sagot ko.

"Dinner tayo? Magluluto ako." Wika nya.

"Of course." Sagot ko sabay ngiti.

Nakita kong ngumiti sya pabalik pero may iba sa mga mata nya. May lungkot na pilit nyang tinatago. At kahit hindi nya aminin, alam kong ako ang dahilan.

I'm sorry Ace. Hindi ko sinasadyang masaktan ka.

Sabay kaming umuwi sa apartment pero dumiretso muna ako sa unit ko para magshower at magbihis. Pagkatapos nun tsaka ko pumunta sa unit ni Ace. Nagluluto pa sya. Matagal na din akong hindi natutulog dito. Napansin ko na may mga kumot at unan sa sofa nya, at parang hindi natutulugan ang kama nya.

"Ace, bakit may unan at kumot dito?" Hindi ko napigilang itanung.

Napansin kong pinigilan nya ang una nyang isasagot.

"Ahhh... Wala... Nanunuod kasi ako ng series, kaso natutulugan ko. Nakakailang beses ko na din tinatry na simulan tapos naisip ko na itry magset up dito sa sala kaya ayun." Biro nya.

Alam kong may katotohanan sa sinabi nya pero alam ko din na nagpigil sya. Pero hindi ko na makuhang magtanung pa dahil natatakot din ako sa magiging sagot.

Tahimik kaming naghapunan pagkatapos nya magluto. Aaminin ko hindi to normal. Parang sa tuwing susubukan namin na mag-usap may pumipigil sa ming dalawa. Tinulungan ko sya magligpit pagkatapos namin kumain pero pinilit nya na sya ang maghugas ng pinagkainan. Niyakap ko sya mula sa likod habang naghuhugas sya. I felt her stiffen in my arms, ramdam ko na may hindi sya sinasabi. Ganun pa man, humarap sya ng bahagya, ngumiti at hinalikan ako sa noo.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Onde histórias criam vida. Descubra agora