Chapter 42

78 3 0
                                    

CHAPTER 42

Den's POV

*Ring ring*

"Ly..." Wika ko pagsagot ng tawag ni Alyssa.

"Hey Den, nakaspeaker ka. Nandito sila Jema and Ella." Wika ni Alyssa.

"Hi Ate Den." Wika nila Jema at Ella.

"Hi." Sagot ko.

"How's Bei?" Tanung ni Alyssa.

"Ok na sya, most likely madidischarge na sya in the next couple of days." Sagot ko.

"Si Ace?" Tanung ni Alyssa.

"Ganun pa din. Sabi nila may brain activity naman pero di pa din sure kung magigising sya or kung kailan." Sagot ko.

"Sorry to hear that Ate Den." Wika ni Jema.

"How are you Den?" Tanung ni Alyssa.

"It's a struggle Ly. Sobrang iba. Parang saglit pa lang kami nagkakasama as a team pero sobrang ramdam namin yung wala sya. Sobrang natatakot din ako sa worst case scenario. Sinusubukan kong hindi isipin pero ang hirap." Paliwanag ko.

"Ohhhh... Den. Pwede ba kaming dumalaw? We can keep it discreet." Tanung ni Alyssa.

"The media is all over pero if you can find a way I guess pwede ko icoordinate from our end." Wika ko.

"Sige Den. We'll sort things from our side. Let's do it tonight." Wika nya.

"Okay." Sagot ko.

Inayos namin ang plano including kung sino ang susundo sa kanila. Inayos din namin kung paano sila makakapasok sa ospital, pumayag naman ang ospital na magpabisita outside visiting hours under special circumstance. Dahil na din sa pag-iwas sa media at sa lagay ni Ace. Pumayag din ang management na tulungan kami.

Alyssa's POV

Nasa ospital sila Den, Jho, Deanna at Cait. Sa likod kami dumaan at sinalubong nila kami nila Den, Jho at Deanna sa hallway.

Agad akong niyakap nila Jho at Deanna. Pagkatapos ay niyakap ko ng mahigpit si Den.

"Ly..." Pag-iyak ni Den sa balikat ko. Alam kong tinatatagan nya para sa kanila at alam kong ngayon lang nya hinayaan ang sarili nyang umiyak.

"I'm here na. Sige lang ilabas mo lang. It's okay you can be vulnerable right now." Bulong ko sa kanya.

Jema's POV

Niyakap ni Ella si Jho at niyakap ko naman si Deanna.

"Are you okay?" Tanung ko kay Deanna.

Umiling sya.

"Halo-halo na Jema." Panimula nya.

Umupo kami sa gilid para makapag-usap ng maayos.

"Sobrang hirap. I know you know what I mean. Ate Ace has always been there for me in the background. She was always there when it counts the most. Outside the team, outside sa tin noon, sya yung laging nandyan for both of us lalo na for me. I'm trying to be strong lalo na for Cait kasi alam ko na kung may ibibilin man si Ate Ace ngayon, it will be about Cait. But as days pass by, the fear is creeping in." Paliwanag nya.

Nakikinig lang ako. Tama si Deanna e. Ace was always there for us. Nung kami pa and even nung wala na kami ni Deanna. Never syang namili. Inintindi nya lang kami pareho. Then nung kami na ni Ella pinaramdam nya that she was genuinely happy for us.

Sinamahan na ni Ate Den at ni Jho sila Ate Ly at Ella para dalawin si Bea. Pinili ko munang samahan si Deanna.

"How's Cait?" Tanung ko kay Deanna.

"She's trying to hold it together. She's trying to stay strong." Wika ni Deanna.

"Puntahan na natin sila Ace at Cait while the others are with Bea?" Tanung ko.

Tumango sya.

Pinili kong dalawin muna si Ace, masyado na din kasi silang madami sa kabila. Pupuntahan ko na lang si Bea pag papunta na sila dito.

Pagpasok sa pinto, nakita ko agad na nakakabit pa din kay Ace ang mga tubo at monitor. Nakaupo si Cait sa tabi ni Ace at hawak ang kamay nito.

"Cait..." Wika ko.

"Jema." Wika nya sabay lapit sa kin.

Niyakap ko sya.

"Thank you for being here." Bulong ni Cait. At naramdaman kong humigpit ang yakap nya.

"Ohhhh... Cait. It's okay. We're here." Wika ko.

FLASHBACK...

"Pagod na ko Ace. Parang paulit-ulit na lang. Away-bati tapos parang ang dami laging nakikisawsaw." Wika ko kay Ace habang kausap sya sa telepono.

"Napag-usapan nyo na ba?" Tanung nya.

"Oo pero parang saglit lang magiging ok tapos ganun na naman." Sagot ko.

"At the end of the day, decision nyo yan. Pero kailangan nyo pag-usapan ng maayos. Kailangan nyo subukan na makahanap ng neutral ground. Look hindi ako naniniwala na hindi nyo na mahal ang isa't isa so find that space, come from that mutual place of love." Payo nya.

"Okay. I mean mahal ko sya. You're right hindi ko madedeny yun pero ayokong dumating sa point na maubos kami, tapos sa hiwalayan din naman pupunta." Paliwanag ko.

"I get it. Basta pag-usapan nyo. Either way I'll be right here para sa inyo. Kung kailangan nyo ng mediator para lang mas maging maayos yung usapan, nandito lang naman ako for both of you." Wika nya.

"Thanks Ace." Wika ko.

PRESENT TIME...

"Ok ka lang?" Tanung ni Deanna.

"Yeah." Sagot ko.

"Darling, di ka pa kumakain." Wika ni Deanna kay Cait.

"Oh, kain muna kayo ako na muna dito kay Ace. Sige na Cait kahit konti lang." Wika ko.

Nag-aalanganin sya pero napilit din namin sya ni Deanna na kumain muna. Pagkaalis nila, naupo ako sa tabi ni Ace at hinawakan ang kamay nya.

"Ace... gising ka na please. Kailangan ka namin dito. Naalala mo yung promise mo sa min? Sabi mo you'll always be here for us di ba? Kailangan ka ni Cait. Kailangan ka ng team. Kailangan ka namin na mga kaibigan mo. You're our anchor. And we can't wait to share you with the world. You've always been a great VB player pero more than that, you're a great person that the world deserves a chance to get to know. We miss you sobra. So please, come back to us na." Pakiusap ko.

Pinigilan ko ang mga luha ko. Ayokong makita nila ko na umiiyak.

Pagkabalik nila Cait, dumating na din sila Ate Ly. Ako naman ang dumalaw kay Bea. She looks well. I'm glad na makakalabas na sya ng ospital. Kinuwento din nya kung anung nangyari. Nothing surprised me, Ace is Ace. In and out of court libero sya. Pero right now, ang kailangan namin, magising na sya.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Where stories live. Discover now