Chapter 5

118 3 0
                                    

Cait's POV

Matapos ang practice nagkayayaan ang team na gumala.

"Ate Ace uuwi ka na ba agad?" Tanung ni Deanna.

"Yeah, kailangan e uuwi pa ko sa P'que. Maghahanap pa lang kasi ako ng condo malapit dito." Sagot ni Ace.

"Oh ok. Sige next time na lang." Wika ni Deanna.

Bigla kong naalala na may pinaparentahang unit sa building na tinutuluyan ko.

"Wait, naghahanap ka pala ng unit? May libreng unit sa building na tinutuluyan ko. Baka gusto mo." Wika ko kay Ace.

Nakita kong lumiwanag ang mga mata nya.

"Talaga ba? Pwede ko bang makuha yung contact ng nagpaparenta?" Tanung nya.

"Oo naman. Pero kung gusto mo sasamahan kita. Dun lang din naman nakatira yung nagpaparenta so kahit anung oras pwede mo syang makausap." Sagot ko sa kanya.

"Sige, sige bukas na lang siguro. Hanap na lang ako ng matutuluyan dito bukas para hindi na ko magbyahe pauwi." Sagot nya.

"Wait may mga extrang gamit ka ba?" Tanung ni Bea.

"Ha? Meron naman." Sagot ni Ace.

"Yun naman pala e di wag ka na umuwi tonight para makausap mo na yung nagpaparenta. You can stay at my place. You can stay at the guest room." Offer ni Bea.

"Yeah, pwede ka naman namin samahan dun ngayon kung gusto mo." Dagdag ko.

"Wow, sigurado kayo? Ayoko sana makaabala." Wika ni Ace.

"Anu ka ba Ate Ace. Para ka namang others. We're a team, in and out of the court." Wika ni Deanna kay Ace sabay akbay at kindat dito.

Napakamot na lang ng ulo si Ace.

"Okay, it's settled then. Darling, samahan na natin si Ace dun bago tayo gumala." Wika ni Bea habang palapit sa kin.

Tumango ako at nagsimula na kami lumakad papunta sa building na tinutuluyan ko.

Pagdating sa building agad naman namin nakausap yung nagpaparenta at madali naman silang nagkasundo sa presyo at kung kailan pwedeng lumipat. Dahil wala ng nakatira, pwede na syang tumuloy dun within the week basta makapagbigay sya ng deposit at mapirmahan ang kontrata. Dinala kami ng nagpaparenta sa mismong unit, malaki ito ng konti sa unit ko. Pero ang nakakatawa nasa iisang palapag lang pala kami at ilang kwarto lang ang pagitan.

Akalain mo yun magiging kapitbahay ko pa pala sya.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Where stories live. Discover now