Chapter 26

82 2 0
                                    

Caits POV

Hindi ko matago ang nararamdaman ko sa kanya. Kinikilig ako sobra. Pero sinusubukan ko pigilan lalo na at hindi pa alam ng iba. Pero naman Ace Caputo! Grabe ka! Anu pa ba ang hindi mo kayang gawin?

'"Kinikilig ka noh?" Bulong ni Deanna.

"Aminin." Dagdag ni Reg.

"Tse, magtigil kayo dyan." Pagsaway ko kahit hindi ko din mapigilang matawa.

"Grabe napakalamig naman talaga ng boses pala." Panunukso ni Maika.

"Mapapasana all ka na lang. Ace pag ako ang hinarana mo sasagutin agad kita pramis." Biro ni Sisi.

"Luh si Ate Sisi parang walang jowa." Biro ni Isa.

"Biro lang kayo naman pero kasi naman pag ganyan ang boses ng manghaharana parang makakalimot ka talaga." Dagdag na biro ni Sisi.

"But I think Ace only has eyes for one person anyway. Oops sorry." Biro ni Kat.

"Ehem ehem..."Pabirong wika ng iba.

"Nagsisimula ba yan sa letrang C *cough cough*" Wika ni Maika.

Nagtawanan ang lahat. Wait alam ba nilang lahat? Parang umiinit ang mukha ko. Hala hindi sana ako namumula.

"O awat na yan. Hayaan natin silang magreveal ng real score sa kanila." Biro ni Maddie.

"O sya mauna na ko guys at hinahanap na ko ni hubby." Wika ni Ate Den.

'"We'll head out with you Ate Den, may lakad pa kami ni Jho." Wika ni Bea.

"Uwian na?" Tanung ni Isa.

"Yeah, para makapagpahinga na din si Ace." Sagot ni Maddie.

Unti-unting nagpaalam ang mga tao sa min. Nauna na sila Ate Den, Bea at Jho.

"See you at practice next week Ate Ace!" Wika ni Deanna.

"See you guys." Paalam ni Ace.

Kami na lang ni Ace ang naiwan pagkaalis ng lahat kaya hindi ko maiwasang biruin sya.

"So, singing? Bakit ngayon ko lang narinig?" Biro ko.

Napangiti si Ace.

"Well I wasn't planning on singing in front of them naman e, kaso na on-the-spot ako." Wika nya sabay yakap sa kin.

"I see." Wika ko.

Lumapit sya at tumitig sa mga mata ko. Hinawakan nya ko at hinaplos sa pisngi bago nagsimulang umawit.

🎶 Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin. Sa yong tingin akoy nababaliw giliw. At sa awitin kong ito na sanay maibigan mo. Ibubuhos ko ang buong puso ko. Sa isang munting harana. Para sa yo.🎶

Ramdam na ramdam ko yung sincerity sa mga mata nya habang inawitan nya ko. Kaya naman pagkabigkas nya ng huling linya, agad naglapat ng madiiin ang aming mga labi. Ang sarap nya humalik. Ramdam na ramdam ko sa bawat halik nya ang pagmamahal nya.

"Cait..." Malambing na wika nya habang nakayakap sa kin.

"Yeah?" Sagot ko.

"Thank you." Wika nya.

"Ha? Para saan?" Nagtatakang tanung ko sa kanya sabay tingin sa mga mata nya.

"For giving me a chance. For giving us a chance. I know na madami pa ko kailangan malaman at matutunan about you. You and Bei, alam kong malalim yung pinagsamahan nyo. I can't compete with that. So thank you for choosing me. Alam kong hindi madali for you and alam ko din na namimiss mo sya." Paliwanag nya.

Hindi ako magkapagsalita. Nagulat ako sa sinabi nya. I guess suddenly seeing her with Jho today bothered me a bit. Ganun ba kahalata? O talagang mas kilala lang ako ni Ace sa paraang hindi ko maipaliwanag. Hinawakan ko sya sa mukha at tumitigtig sa mga mata nya.

"Hindi mo kailangan magcompete. Walang kompetisyon. Pinili kita dahil ikaw ang gusto ko. Pinili kita dahil ikaw ang mahal ko." Wika ko sa kanya.

Tumango sya at hinalikan ako sa noo sabay yakap.

Tama naman di ba? Si Ace naman talaga di ba? Hay Caitlin.

Mahika (A Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang