Kabanata 16 (Warning)

791 16 0
                                    

Kabanata 16: Euriandrei's Pov 





“May pag-ibig pa ba… Sana’y malaman mo…baby I love you,” I sang. I wiped away the tears.



“Wo!” sigaw ni Vhon at pinagsalpok ang baso ng alak namin. “Ibuhos mo lang ‘yan, bro! Lilipas din ‘yan!” 



Sumasayaw-sayaw siya sa gitna, sinasabayan ang kanta ko, habang ako ay nanatiling nakaupo–parang wala sa sariling kumakanta. 




“‘Di ko kayang tanggapin! Na mawawala ka na sa akin. Napakasakit na marinig…na ayaw mo na sa akin!” 




“Yea!” Lumapit sa akin si Vhon at naki-duet. “Hapdi at kirot, na dulot sa ‘king damdamin. ‘Di ko na kayang mabuhay sa mundo kung mawawala ka…sa piling ko!” 




Pareho kaming lasing. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinasabayan, ‘di ko alam kung dinadamayan niya ba ako, o may nangyari rin sa love life niya. 



I'm so f*cking frustrated that would make me cry. It was my fault, I accepted it…pero hindi ko matanggap na iniwan niya na naman ako. Inaasahan ko na na mangyayari ito…pero hindi ko napaghandaan. 



Bakit pinahihirapan pa ako ng mundo kung…argh!


Binitawan ko ang microphone sa lamesa. Nakaupo na si Vhon at pinagmamasdan lang ako. He’s serious right now.


“Vhon,” I called.


Tumayo siya at umupo sa mas malapit, ready to listen to what I'm going to say. 



“Bakit…ayaw nila sa ‘kin?” 


He exhaled a big amount of air. “Don't say that, bro. I'm here.” 


I appreciate his being always with me. Since elementary, siya na ‘yung karamay ko. Sa pagkakataong ito, parang hindi sapat na nandito lang siya, parang dapat may gawin din ako. Parang…hindi enough ‘yung nandito siya sa sobrang bigat ng dibdib ko. Kasi sa pagkakataong ito…damay ang babaeng mahal ko sa nararamdaman ko ngayon. 



“Should I give up?” 


“Bro! No!” Binitawan niya ang iniinom na alak sa lamesa. “Hindi ka p'wedeng bumitaw dahil lang sa isang babae. Kinaya mo ‘yung mga pinagdaanan mo sa parents mo kaya kayanin mo rin ngayon.”


Napahilamos ako sa mukha at napasabunot sa buhok. “What I'm going to do? Mas masakit ‘to kaysa no'ng mawalan ako ng pamilya.”


He tapped my shoulder, making me calm. “Just give her time. Bigyan mo rin ng oras ang sarili mo, hindi puro ibang tao ang iniisip mo. Sigurado ako, bro, babalik ‘yon sa'yo kapag hinayaan mo siya muna.”


Napatitig lang ako sa sahig. 


“She's okay. Bumalik siya sa pagtratrabaho sa bar.” 



Mabilis akong napatingin sa kaniya matapos niyang sabihin iyon. Medyo nabuhayan ako, dahil kahit paano ay hindi siya lumayo nang tuluyan sa akin. But as what my best friend said, I let her. I didn't see her for two weeks. Pinigilan ko ang sarili ko na makita siya. 


My doctor call me again after one month. 


“Have you drink your medicine?” He's also my cousin. 

“Yes,” I answered shortly. 


“Okay, good. Call me if anything happens.”


“I'll just call you…kapag napag-isipan ko na,” I said before ending the call. 



I suffer a lot when she leave. But I kept myself on track. Hindi ako nawalan ng pag-asa, katulad din ng pagpapaalala ni Vhon sa akin, na kaya ko…kakayanin ko. Ngayon habang nasa harapan ko siya ulit, hindi ko na naman maintindihan ang galak na nararamdaman mo. I felt relieve. Pakiramdam ko ayos na ayos ako. Basta nasa akin siya…magaling ako sa sakit na tinatakbuhan ko. 



“I'm sorry…” 


Hinawi ko ang buhok na nalaglag sa mukha niya. Hindi ko maalis ang maliit na ngiti sa labi ko. I will bring her back to me…and will make her love me. 


Hindi niya alam na kaya ko siya pinakasalan dahil ayaw kong mapunta pa siya sa iba. I see my happy me with her. 



I cooked breakfast while she's asleep in my bedroom. Salamat naman dahil hindi siya nagkasakit katulad no'ng nakaraan, na halos hindi ako magkandaugaga kung pa'no pabababain ang lagnat niya. Iyon ang unang beses na umalaga ako ng taong may sakit. 



I'm done preparing breakfast when I heard a shrill voice sounds at the bedroom. Iniwan ko ang pagkain para tingnan kung anong nangyari sa kaniya. 



“Aw…” daing niya. 


Bumabangon siya mula sa pagkabagsak sa sahig. Lumapit ako para tulungan siya. Hinawi ko ang buhok niyang tumatakip sa mukha niya. Kagigising niya lang pero ang ganda-ganda. 



“Are you okay?” I asked softly.


“N-nakalog ‘ata ang utak ko.” Hinimas niya ang ulo. Her eyes were half close. Hindi ko alam kung nakikilala niya ba ako. 


“C’mon fix yourself. I already cooked breakfast.”

Hinatid ko siya papasok sa banyo. I was about to close the door when she stopped me. Nanlalaki ang mga mata niya sa akin. I awkwardly smile at her. 



“A-anong ginagawa mo rito?”


“Oh…this is my condo?” Namula ang buong mukha niya.



“Ha?” 


Nangunot ang noo ko nang humakbang siya palapit hanggang sa magdikit ang dibdib namin. 



“N-nag…honeymoon ba tayo?” she said, almost whisper. 



I grabbed her waist to pull her more closer to me. I can't stop myself from smiling. Bahagya akong yumuko.



“Yes…” I whisper to her ear. Naramdaman kong natigilan siya, lumawak ang ngisi ko. “And I think…a handsome baby boy ‘yung nabuo natin.” 




To be continued….

My Beautiful Mistake (SMS #2)Where stories live. Discover now