Kabanata 22 (Warning)

671 14 0
                                    

Kabanata 22: Aia's Pov






"Ingat. I love you."


Malapit na siya sa sasakyan niya, pero nang sabihin ko iyon ay bumalik siya, malawak ang pagkakangiti.


"Say it again with my name." Parang bata na humihiling.


"Mali-late ka na." Pinagtulakan ko siya pero bumabalik talaga siya.


"Sabihin mo muna."


'No ba 'yan! Hinigop ko na lang nga ang lakas ng loob ko kanina para masabi iyon, dahil nahihiya ako. 'Tsaka unang beses ko 'yong sinabi sa kaniya.



"I...I love you, Euriandrei. Ingat." Bumaba ako ng tingin pagkatapos, umiinit ang mukha sa hiya.


Tinaas niya ang mukha ko gamit ang daliri niya sa baba ko. Sayang-saya ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.


"Uuwi ako nang maaga mamaya. I love you too. Call me if you need anything." Pagkahalik niya sa tabi ng labi ko ay umalis na siya.



Kaya habang naglilinis ako sa fountain garden ay halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti. Kung nagsasalita lang siguro ang mga bulaklak ay baka inasar-asar na nila ako, o kaya ay tinawag ng loka-loka. Hays! Ewan ko ba, iba na ang epekto ni Euriandrei sa akin. Nasabi na nga ng puso ko ang gusto niyang sabihin nang hindi pa ako nakakapaghanda.




Sir Euriandrei:

May nakita akong puppy, ikaw agad ang naisip ko.



Kababalik ko lang sa master's bedroom para roon naman maglinis, nang makatanggap ako muli ng text mula sa kaniya. Kanina ay in-update niya ako na nasa office na raw siya, at mag-aattend na ng meeting. Ngayon ay mukhang tapos na ang meeting niya, o, nag-break lang.



Napbusangot ako. Kung gano'n ba ay mukha akong aso sa mata niya? Sa aso niya pa talaga ako kinumpara ha! Mukha ba akong aso?


Nagtitipa pa lang ako ng irereply nang muli siyang nag-text.





Sir Euriandrei:

I mean, you're alone when I'm away so I'm thinking of adopting him.

Sir Euriandrei:

He's so cute and adorable. Let's babied him? Ano sa tingin mo? Gusto mo bang mag-alaga?




In-erase ko ang irereply sana kanina sa kaniya, pinalitan ko iyon. Hindi naman ako allergic sa aso o sa kahit anong hayop.



Ako:

Sige, gusto ko :)




Na-excite tuloy ako. Para rin naman may iba akong mapaglilibangan. Kahit wala akong alam sa kung paano ang maayos na pag-aalaga sa aso, pag-aaralan ko na lang.



Naghintay ako ng reply niya. Mukhang na-busy na siya dahil hindi na siya agad nakapag-reply. Nagsimula na lang akong maglinis. Maya-maya ay tumunog na ang cellphone ko sa sunod-sunod na text.


Binuksan ko agad ang mga texts, mula kay Euriandrei.



Sir Euriandrei:

Sorry for my late reply, my love.

Sir Euriandrei:

I talked to the owner about the puppy we're going to adopt to.

Sir Euriandrei sent a photo.


My Beautiful Mistake (SMS #2)Where stories live. Discover now