Kabanata 20 (Warning)

1K 17 0
                                    

Kabanata 20: Aia’s Pov





“Nakakaintindi ka ba ng English?” 



Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Tumango ako. 



“Ah, I see. Mukha ka kasing…laki sa hirap–oh sorry, I didn't mean. Uhm…” Naiilang pa siyang tumawa. 


Mukhang sinsero naman siya sa sinabi niya kaya nginitian ko lang. Tinalikuran ko muna siya para kumuha ng baso. 


“Gaano ka na pala katagal na kasambahay rito? Sorry if I'm too inquisitive. I was just curious. You know, I just want to know what my future husband does,” sabi niya at sinsero akong nginitian. 


“P-palagi rin naman pong wala rito si Sir, Ma'am Glianne.” 

“He's so busy. Sana kapag bumuo na kami ng pamilya ay mag-lie low muna siya sa kakatrabaho.” 


Para na akong sinasakal ng mga sinasabi niya. Sumisikip ang dibdib.  Ang hirap huminga.


“Oh, you have a wedding ring. You're married?” 

Naitago ko ang kamay ko na may singsing, pero hindi ko pinahalata. 

“Uhm…opo. Hali kayo sa sala, Ma'am. Magmeryenda muna kayo.” Pinalitan ko na agad ang pinag-uusapan namin. 


Ang hirap sumagot. Para akong kinakapos ng hangin. Grabe ang pagpipigil ko sa panginginig ng kamay ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Bakit hindi ito nabanggit sa akin ni Euriandrei? Niloloko na naman kaya niya ako? 


Kalma, Aia. Kailangan mo munang itanong sa kaniya bago ka mag-isip nang kung ano-ano. Huminga ako nang malalim. Tama, kailangan ko munang pakinggan ang mga sasabihin ni Euriandrei. 


“Dito na rin po kaya kayo maghapunan? Kaya lang alas otso pa ang uwi ni Sir Euriandrei,” sabi ko. Alas singko na. 


“Uhm, actually I have meeting to attend pa, pero sige. I'll cancel it na lang.” Kinuha niya ang cellphone sa bag niya at may tinawagan. 


Hindi ko alam kung tama ba na inaya ko pa siya. Hindi ko inaasahan na papayag siya. Akala ko ay tatanggi siya! Nagtanong lang naman ako…para hindi ako magmukhang walang galang. Lalo’t parang jinudge niya ako na lumaki sa hirap. Paano ako kikilos ngayon nito sa harap nila mamaya sa hapag. Ah…alam ko na, pauunahin ko na lang sila. Gano'n naman dapat, eh, pagkatapos kumain ng mga amo ang pagkain ng mga kasambahay. 


“Excuse me, I'll answer this call.”


“Sige po.” Tumayo siya at naglakad palayo sa akin. 


Mukhang mabait naman siya, hindi maarte…medyo harsh lang. Pero napapansin ko naman na hindi siya ‘yung mapanakit. O solid lang siyang gumalaw at sa pananalita dahil laki siya sa mayamang pamilya. Hayst…nanliit na naman ako. Mali ba itong pagbalik ko sa bahay na ito? Parang…ang hirap manatili kay Euriandrei, ang taas-taas niya kasi. 


Bumalik na lang muna ako sa kusina pagkadala ko ng meryenda sa sala. Naghalungkat ako sa ref ng maaari naming hapunan. Hindi na lang muna ako magluluto ng tufo sisig kahit binilin ‘yon ni Euriandrei kanina. Baka kasi ijudge ni Ma'am Glianne kasi hindi ‘yon ang pagkaing tipo ng mayayaman. 



“Are you cooking?” 


Nilingon ko agad siya. “Opo, Ma'am. Nagluluto rin po ba kayo?” Curious na tanong ko.


“We are rich so I don't know how to cook, my parents don't allow me because we have cooks. Parang gusto ko tuloy maging mahirap katulad mo, pero ayaw ko rin naman maging mahirap kasi kailangang mayaman ako para ikasal kay Euriandrei.”


Kailangan kong sanayin ang sarili ko sa mga salita niya. Hindi ko alam kung sinasampal niya sa akin na isa akong dukha, o sadyang ganiyan na siya magsalita. Parang hindi niya alam kung nakaka-offend na siya o hindi, dahil nagsasabi lang naman siya ng totoo. 


Pero ‘yung huling sinabi niya…parang sinampal ako. 


Humikab siya. “Sorry for that, napagod lang ako sa byahe.” Tinigil ko muna ang paghuhugas ng karne para maharap siya.


“Uhm, nalinis ko na po ‘yung kwarto ni sir Euriandrei. Magpahinga na lang po muna kayo.” 

“Thank you. Iidlip lang ako. Tawagin mo ‘ko pag-uwi ng fiance ko, ah.”

“S-sige po.” 

Hindi na siya nagpahatid sa taas. Sinabi ko nalang kung nasaan ‘yung master's bedroom. Hindi ko masabi na sa guest room siya magpahinga dahil baka masamain niya. 


Habang nagpapalambot ng karne ay bumalik ako sa sala para kunin ang hinanda kong meryenda na hindi naman nagalaw. Bumalik din ako sa sala para ayusin na ‘yong mga bulaklak. Lumipas ang kalahating oras ay bumalik na ako sa pinalalambot, hindi pa rin kalambutan kaya hinayaan ko muna. 



“Ano, kumusta ka riyan?” si Fresly mula sa kabilang linya. “Pinakilala ko na ba sa pamilya niya? Oh secret ka pa rin? ‘Wag kang masaktan, real talk lang!” 



“Parang malabo pa, ‘Ly.” Binalik ko ang flower vase matapos ilagay ang panghuling bulaklak. 



“Anong malabo? Hoy! Hindi ka ba pinaglalaruan niyan?” 


“Ano ka ba, Fresly, kung ano-anong pinag-iisip mo.” Saka tumawa ako. Bumalik ako sa kusina para tingnan na ang pinalalambot. Mag-a-alas syete na. 


“Wala bang amoy babae kapag umuuwi?” 

Lalo akong natawa. “Sira ka, wala! Nagtatrabaho ‘yung tao kung ano-anong pinag-iisip mo.” 


“Naniniguro lang!” 

Hindi ko masabi sa kaniya ang tungkol sa fiance ni Euriandrei. Hindi ko mabanggit sa kaniya. ‘Wag muna. Nagpaalam na rin siya dahil papasok na kaya tinuon ko na ang buong atensiyon sa pagluluto. Mag-a-alas otso na nang matapos ako. 


“Hindi ko alam kung mahilig si Ma'am Glianne sa gulay. Bahala na,” bulong-bulong ko nang ilapag ang chapsuey sa hapag. 


Pinunasan ko ang pawis ko sa gamit ang braso, saka pinatuyo ang kamay sa malinis na towel. 


“I’m home.” 


Nabitawan ko ang towel sa lamesa matapos marinig ang boses ni Euriandrei. Medyo maaga siyang umuwi ngayon, ah. Palabas na ako ng dining para salubongin siya pero napahinto ako nang makita si Ma'am Glianne na kabababa lang ng hagdan. 


“Babe!” 


Nakita kong natigilan din si Euriandrei nang makita ang babae. Sa bilis ng hakbang ng babae ay agad itong nakalapit kay Euriandrei. Pareho kaming natuod sa kinatatayuan nang salubongin siya ng halik ng babae sa labi. 


“Surprise! I missed you!” 

Hawak-hawak ko ang dibdib ko. Sa sobrang paninikip ay nahihirapan akong huminga. Hindi ako makagalaw. Napahakbang ako paatras nang lumipad sa gawi ko ang tingin ni Euriandrei. Dumaan ang gulat sa mata niya. 


“Hey! Are you alright? Napagod ka ba sa trabaho hmm? Let's go, kumain na tayo para makapagpahinga ka. Nakapagluto na ng hapunan ang katulong mo. Sana masarap!” 


Hindi naalis ang tingin ni Euriandrei sa akin kahit hawak na ng babae ang mukha niya at malambing na kinakausap. 


Nilunok ko ang bumara sa lalamunan ko at tuluyan silang talikuran. Nanginginig ang kamay ko. Dumiretso ako sa likod at lumabas. Napatingala ako pero nagbagsakan pa rin ang luha ko. 


“Ano ‘yon?” Para akong sira na tumawa pa habang lumuluha. “Naglulukuhan na ba kami rito?” 


Pinahid ko ang luha sa mata ko. Umikot ako papunta sa poolside at doon muna nagpalipas. 


Okay lang ‘yan, Aia. Nandito ka naman talaga para magkasambahay…hindi para magpabihag sa pag-ibig. 


To be continued….

My Beautiful Mistake (SMS #2)Where stories live. Discover now