Prologue

72.3K 1.1K 92
                                    

Akala ko ang love ganito lang..

Yung kapag nagtagpo ang mga mata niyo may kakaiba kang kilig na mararamdaman, yung mabilis ang tibok ng puso mo dahil kinikilig ka kapag nakikita mo siya, yung kapag liligawan ka niya, may bouquet of flowers, may placard na nakasulat ang mga salitang "Say Yes", may tumutugtog pang love song kasabay ng madamdaming pagpapahayag ng pagmamahal niya sayo, yung moment na magkasama kayo balewala na ang iba. Parang kayo na lang dalawa ang tao sa mundo.

Pero hindi pala ganun ang love. Dahil..

Hindi palaging masaya. Hindi palaging may kilig. Hindi palaging mabilis ang tibok ng puso. Hindi palaging may love song. Ang love hindi rin dapat kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan. Kailangan niyo rin isipin ang mga tao sa paligid niyo. Yung mga taong mahalaga rin sa inyo.

Ang love kasi hindi selfish. Kung kailangan mong magpalaya, gagawin mo yun.

Lalo na kung para yun sa mas makakabuti.

Kapag mahal mo naman kasi ang isang tao hindi naman kailangan na palagi siyang nasa tabi mo.

Pwede mo naman siyang mahalin kahit sa malayo.

And that what I've learned sa pagmamahal ko sa kanya. It also made me realized na minsan may mga bagay talaga na kailangan mong bitawan para malaman mo na para sa'yo nga ang babalik yun

Tame The Bad BoyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora