Chapter 21: Anna

12.9K 381 31
                                    

Guardian Devil

Maybe it's because of his bruises kung kaya't hindi na ako hinabol ni Luke. Either way I'm still thankful dahil this time he let me go easily. Gusto ko rin kasi makapag isip at hindi ko yun magagawa kung kasama ko siya.

Kung hindi ko lang naalala na anak siya ng boss ko at kalalabas lang ng ospital, nasapak ko talaga siya. I hate him. I hate him so much. I hate him for being honest too much. For being insenstitive. Tama bang ipamukha niya sa'kin yung masakit na katotohanan na yun?

It took me a while para makalabas ng ospital totally dahil medyo maraming tao. Pumara ako ng jeep at agad na sumakay. Babalik ako sa bahay namin dahil may kailangan akong kausapin.

Naka dalawang sakay ako papunta sa'min hanggang sa makarating na ko. Nung nasa tapat na ako ng gate namin bigla akong nag alangan kung papasok ba ako o hindi. I clenched my fist nang maalala ko yung pagpapalayas sa'min kagabi.

Ngayon lang kasi sa'kin nagsi sink in ang lahat. At ang nakakagalit, alam kong may kinalaman sila Blaire dito. Fuck her! Ano bang kasalanan ko sa kanya at kailangan pang madamay ang mga kapatid ko?

"Anna?" napalingon ako ng may magsalita. Si Ate Zeny pala. Bakas ang gulat niya nang makita ako

"Ate Zenny.. Si mommy ba bumalik dito?" tanong ko. I hate to admit it pero kahit paano umaasa ako dahil siguro naman nasabi na sa kanya ni Mrs. Gomez na pinalayas niya kami. Kahit paano I am still clinging on that streak of hope na may pakialam siya sa'min.

Umiling siya at inabot ang kamay ko "Pasensya ka na Anna. Kanina pa ako pasilip silip dito pero hindi ko pa nakikita ang mama mo. Kamusta ka na? Ang mga kapatid mo? Balita ko pinalayas daw kayo kaninang madaling araw na umuulan"

I nodded numbly "Opo. Pero wag na po kayo mag alala. Okay lang kami. Nakahanap na nga po ako ng trabaho" sabi ko

"Mabuti naman kung ganun. Naku Anna ang pag aalala sa inyo ng mga kapitbahay. Galit na galit halos ang buong street natin sa ginawa ng demonyong Mrs. Gomez na yun!" she said in a hight pitched tone

Hilaw na lang akong napangiti "Wag na po kayo magalit, Ate Zeny. Pakiramdam ko rin kasi na hindi naman gusto gawin yun ni Mrs. Gomez" sabi ko dahil yun naman ang totoo. Because it doesn't add up. Totoo naman na ilang buwan na kaming hindi nakakabayad ng rent sa bahay pero never kaming pinakitaan ng ganun kasama ni Mrs. Gomez. Pinagsasabihan niya lang kami about sa rent but she never disgraced us o kahit sabihan man lang na lumayas na.

Kaya positive talaga ako na sila Blaire talaga ang may kagagawan nun. Until now I can picture perfectly their cunning smirks nung makita ang paghihirap namin magkakapatid kanina.

"Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot noong tanong ni Ate Zenny na hindi ko naman na pinagtakhan pa.

"Mahabang kwento po ate. Pasensya na po pero kailangan kong ma contact si mommy. Kailangan kong masabi sa kanya yung sitwasyon namin ngayon" I said at magpapaalam na sana but she grabbed my arm gently

"Anuman ang mangyari wag mong pababayaan ang mga kapatid mo, Anna. Kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako palagi"

Hindi ko mapigilan na mapangiti at mapaluha. Niyakap ko si Ate Zenny at nagpasalamat sa malasakit niya. Kungsabagay, kahit dati pa naman palagi na siyang nandyan. Which reminds me of something..

"Ate, yung mga utang ko pala —"

She waved her hand and tsked "Wag mo na alalahanin yun, Anna. Magfocus ka na lang sa mga kapatid mo dahil mukhang wala na kayong aasahan sa magaling niyong nanay"

***

Wala sa loob ko na naglakad ako paalis sa'min. Unsure of what to do next. I fished my phone from my pocket at ilang beses na dinial ang number ni mommy pero hindi siya sumasagot. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na akong napamura sa pagka dismaya. Ano bang pinagkaka abalahan niya na hindi man lang magawang sagutin ang phone niya? Ganyan na ba talaga siya kawalang pakialam sa'min? Paano kung may mangyaring masama sa kahit sino sa'min? Talaga bang wala na kaming aasahan sa kanya gaya nang sabi ni Ate Zeny?

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now