Chapter 23: Anna

9.5K 360 25
                                    


Wound

Ayoko sana na pabayaan na lang si Luke kahit pa magkasama sila ni Chaser yet the look on the latter's one face is telling me to just shut up. Chaser would not meet my eyes at hindi naman na kailangan ng malalim na pag iisip para masabing he's holding something against me. Kahit na may kalakihan tong school, alam kong hindi pa rin makakaligtas sa kanya ang balita na magkasama kami na pumasok ni Luke. Though I don't know why exactly he's like that.

Isa pa, kahit paano may tiwala naman ako kay Luke na wala siyang gagawing kalokohan. Sana lang bumalik na sila kaagad dahil ayokong mawala siya ng matagal sa tabi ko. Syempre kapag may masamang nangyari sa kanya ako ang lagot sa mommy niya! Not a good thing considering it's the first day of work

"Oh anong tinatayo mo dyan? Kumain na tayo" kuha ni Mara sa atensyon ko. Noon lang nanumbalik sa'kin na nakatingin pa rin ako sa pintuan ng cafeteria kung saan lumabas yung dalawa. Nahihiya na lang akong ngumiti kay Mara at umupo sa tabi niya.

"Hindi ba natin hihintayin yung dalawa?" tanong ko

"Matatanda na ang mga yun hayaan mo na" si Paul ang sumagot and seems irritated dahil marahil nagugutom na siya. Napatunayan kong tama ako dahil bago pa man ako makapag react sa sinabi niya, tumayo na siya at sumabay na sa mga estudyante na kumukuha na ng mga pagkain

Natawa si Mara "Paul's right. Hayaan mo na ang dalawang yun. Anyway, di ba nagbilin naman si Luke na kuhanan mo na siya ng pagkain? Malamang matatagalan ang dalawang yun kaya tara na"

Nung hatakin niya ako hindi na ako tumutol pa. Pumila kami sa pagkuha ng plato at tray then we started getting foods. Wala naman akong idea sa kung anong gusto kainin ni Luke kaya kumuha na lang ako ng carbonara at garlic sticks. Naglagay na rin ako ng kanin at chicken just in case na hindi niya magustuhan yung carbonara.

Then a thought occured to me.

"Uhm, Mara?" mahina kong bulong sa kanya. Lumingon naman siya na nagtatakang nakatingin sa'kin.

"Uhm.. Ano kasi eh, wala akong pambayad nito" nahihiya kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya at umiling

"Walangya talaga ang Luke na yun. Sinadya niya na wag magbigay ng pera para isa sa amin ni Paul ang magbayad. Siraulo"

Awkward man pero natawa na lang din ako. Pagdating sa counter true to her words siya nga ang nagbayad nung kay Luke. Nauna na kasi si Paul at natatanaw kong kumakain na.

"Ay teka, nakalimutan ko yung drinks" bigla kong sabi when I realized na hindi ako nakakuha. Huminto ako sa paglalakad at ganun din si Mara

"Ibaba mo na muna yan saka ka kumuha. And anyway, bumili ka na rin ng pagkain mo. Don't worry, it's on me"

Nahihiya ako pero nahihiya rin ako na tanggihan si Mara. Cause to be honest, napakabait niya. Ilang beses niya na ba akong nagawan ng pabor? Para nga akong nakahanap sa kanya ng kapatid

"Salamat ha? Hayaan mo babayaran kita sa sweldo ko" I offered na tinawanan na naman niya

"No need. It's a treat. Anyway, kunin mo na yung kukunin mo" she said kaya pagdating sa mesa ibinaba ko na yung tray at nagmadaling pumila ulit. Mahal ang mga pagkain dito sa cafeteria pero pinili ko yung pinaka mura. Even sa drinks though of course iba ang kay Luke.

When I am done pagpunta ko sa counter sinabi ko na si Mara ang magbabayad. Wala naman problema so I was let go easily. Naglalakad na ako pabalik sa mesa namin when something really drastic happened.

"Ooppss" sabi ni Blaire and looked at me with her usual teasing smirk. Binangga kasi nila akong magkakaibigan so nahulog ko yung tray. It made a loud sound kung kaya't halos lahat ng mga mata nasa'min

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now