Chapter 5: Anna

17.8K 594 41
                                    

Promise
Kung hindi pa siguro ako huminto hindi ko mararamdaman na pagod na pala ako. Isang oras na akong tumatakbo kung saan saan para hanapin yung kapatid kong si Tamara. Nagtatampo siya dahil hindi ko napagbigyan yung gusto niya na pumunta doon sa ice cream parlor na bagong bukas malapit sa school nila.

Usually hindi naman umaakto na parang spoiled brat ang kapatid ko. Pero nung makita niya kasi yung pliers na may strawberry flavored ice cream, she freaked out of excitement. Paborito niya kasi yun.

But then, wala naman akong magawa. Three days na hindi umuuwi si mommy. Maikli pa nga lang yun pero ang problema wala na kaming pera halos. And one hundred pesos is too much para lang sa ice cream na kakaunti lang naman.

"Ate nasaan na kaya si Tam?" katulad ko nafu frustrate na rin si Zeke. Kung saan saan na kami nakapunta. Imposibleng nakalayo naman yun. Kinakabahan na nga ako na baka may kumidnap sa kanya but I shook those thoughts away dahil hindi yun makakatulong

Basta ang mahalaga kailangan namin siyang mahanap bago pa gumabi. Kasalanan ko to eh. Kung sana nagbigay na lang ako baka walang problema ngayon.

"Wag tayo tumigil hangga't hindi pa natin siya nahahanap. Okay?" pakiusap ko sa kapatid ko dahil nakikita ko sa mukha niya na tulad ko pagod na rin siya.

He smiled and nodded "Oo ate, hahanapin natin si Tamara"

We parted ways para mas mabilis ang paghahanap namin. Nagtanong tanong na din ako sa mga nakakasalubong ko but it's either hindi nila ako kakausapin dahil siguro akala nila manlilimos ako o sasabihin na hindi nila nakita.

Lord naman. Madami na akong problema kaya sana naman po hinay hinay lang. If I lose Tam hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko ma imagine kung sakaling may masamang mangyari sa kanya. Hindi ko kakayanin yun.

"Anong nangyayari sayo, Anna at parang hinang hina ka?" hindi ko napansin si Ate Zeny at hinawakan ako sa balikat. Siya yung mabait na may ari ng tindahan na madalas kong mautangan kapag wala kaming pera. Naiintindihan niya yung sitwasyon namin kaya ayos lang sa kanya. Minsan nga nakakahiya na eh. Pero wala naman din akong magawa. Kailangan kong lunukin ang kahihiyang for the sake na may makain ang mga kapatid ko.

"Nawawala si Tam, ate Zeny. Hindi ko alam kung saan pumunta" pagtatapat ko and almost cried

Nanlaki ang mga mata niya at muntik na mabitawan yung basket na dala niyang may mga gulay na laman "Anong nangyari? Dinukot ba siya?!"

Umiling ako "Hindi naman po ate. Nagtampo kasi eh tapos umalis" hinilamos ko ang mukha ko ng mga palad ko

"Hindi naman matampuhin ang kapatid mo di ba? Ganito na lang.. Pumunta tayo sa barangay para matulungan tayo. Hindi pa naman siguro nakakalayo ang batang yun"

How I wish na sana ganun nga pero ilang oras na. But then hindi pa dapat ako mawalan ng pag asa. Dalawa naman kami ni Zeke na naghahanap kaya hindi malabo na mahanap namin ang kapatid ko.

"Sige po ate" wala naman mawawala kung susubukan namin sa barangay. Mas maganda nga yun para mas marami kaming maghahanap.

"Ilalapag ko lang to sa loob ng bahay at isasara yung tindahan. Ikaw naman magbihis muna"

Umoo ako at nagtatakbo pabalik sa bahay. Nagpalit lang ako ng t shirt dahil ang dungis ko na pala. No wonder na madaming tao ang umiwas sakin. Ang dumi dumi ng damit ko at pati ng mukha ko.

Binilisan ko na ang kilos dahil nakakahiya naman kay Ate Zeny. Nagtatatakbo na ako palabas.

At napahinto ako nang makita ko si Tamara

"Ate" sabi niya sa maliit na boses. Nanlaki ang mga mata ko

"Tam?!" hindi makapaniwalang sabi ko. Sa magkabila niyang kamay mga bitbit siya na nakalagay plastic bag na hindi ko alam kung ano

Tame The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon