Chapter 41: Anna

8.1K 400 75
                                    

The Answer

Who would've thought? Before my world and Luke's world collided, I was living an extraordinary life. I had a million plans — plans that seems unrealistic para sa mahirap na tulad ko pero handa akong gawin little by little. I had the next few years of my life all figured out. Graduate high school. Get into a uni thru scholarship or student loans, have a job to keep my family's life afloat especially ang mga kapatid ko. I had it all planned. But who would've thought na ang pangangailam ko sa pakikipag away ni Luke sa babae niya nun at ang pagkakakilala ko kay Chaser will completely change my life?

Never did I wished for a comfortable life. Dati, palagi kong pinoproblema kung may kakainin ba kami kinabukasan o yung kinain namin on that day ang huli na namin. Nung mapaalis ako sa Winslet Academy I was just expecting na kung hindi man ako makalipat sa public school, hihinto na lang ako. Pero ngayon? As if I am living in a dream simula nung kunin ako bilang taga bantay ni Luke. Ngayon, hindi ko na kailangan isipin kung may kakainin kami o wala. Makakatulog na ako nang mahimibing sa gabi without thinking kung may bigla na lang kakatakok sa amin at palalayasin kami. I don't have to worry about school too. Pag aaral na lang ang gagawin ko at tatlong buwan na lang gagraduate na ako.

Everything now is alien to me and it's unnerving. Lalo na ngayon.. I hate to admit this pero pakiramdam ko nahuhulog na ako sa isa kanila. Is this even right? Am I even on my right mind?

"Nakatulala na naman si ate. Mahal ka ni Kuya Luke wag ka mag alala" Tam teased that cut me out of my reverie. Doon ko lang napansin na nakatingin silang dalawa ni mommy sa'kin who has identical grin on their faces.

I shook my head "No. I was thinking about school" pagtatanggi ko kaagad cause I'm afraid na mas lalo pang maasar. Kapag kasi naaalala ko yung mga efforts niya para sa'kin hindi ko maiwasan na kiligin. Magkasundo na sila ulit ni Chaser yet hindi pa rin naman sila nahinto sa panunuyo sa'kin. Actually parang mas lalo pa nga silang nagpapagalingan. But now, pakiramdam ko nakapag desisyon na ako.

"Kamusta na pala ang schooling mo? Nakapagdesisyon ka na ba tungkol doon sa scholarship na sinasabi nung kaklase mo?" Mom inquired curiously. Naalala ko yung conversation namin ni Katie nun kung saan niyayaya niya ako na mag apply ng scholarship abroad. She talked to me about it sincerely dahil nakikita niyang nagdadalawang isip ako na totoo naman. Though her proposal is appetizing when she said na pwede raw akong mag part time job doon sa auntie niya so makakapagpadala pa rin ako ng pera para sa family ko. Yun lang naman ang nagho hold back sa akin sa opportunity na yun eh. Na baka mapabayaan ko ang pamilya ko.

"I'm thinking of agreeing to it, mom. Tutal wala naman mawawala sa'kin kung magt try ako di ba? Malaking bagay yun since libre naman ang ticket papunta doon at lalo na yung tuition fee. Isa pa, makakapagtrabaho rin daw ako doon so malaking tulong talaga yun sa'tin" I answered

"Hala ate sa Amerika ka na mag aaral? Paano naman kami?" Tam asked sadly. I can actually see na may mga luhang namumuo sa mga mata niya na nagbabadyang bumagsak anytime.

I laughed "Ikaw naman nagd drama na kaagad. Hindi pa naman sigurado kung matatanggap ako dahil malamang maraming maga apply doon" I cajoled but it doesn't convince her.

"Sigurado naman kasi na matatanggap ka doon eh. Paano na kami? Tsaka paano si Kuya Luke kung aalis ka na?"

Tam's question took me by surprise. Paano nga kaya si Luke kung siya ang sasagutin ko? Kakayanin ba niya kung sakaling long distance relationship kami? I tried imagining the situation with Chaser at sa tingin ko kakayanin naman niya pero si Luke ba? With his control freakishness hindi ko masasabi.

"Tam, wag mong minamadali ang ate mo. Pwede naman niya sagutin si Kuya Luke mo pag tapos na ang studies nila" saway ni mommy sa kanya. Out of nowhere bigla na lang sumulpot si Zeke na nasa likuran ko na.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now