Chapter 25: Anna

11K 371 25
                                    

Lighten Up

May choice naman ako na wag na harapin si mommy pero alam kong hindi naman pwede na habambuhay ko siyang takbuhan. It's not that I am all excited to see her. Nag aalala lang ako na baka mag eskandalo siya kapag hindi ko hinarap which I really don't want to happen. Tama na yung gulo na ginawa ko kanina and it's too much kung madadagdagan pa yun. Gusto ko pa naman na maka graduate dito sa Carleton ng matiwasay.

Kahit na sobra ang pagiging tarantado ni Luke naniniwala naman ako sa kanya na diretso nga siyang uuwi. I've seen his eyes na desidido. When I made him promise ni hindi nga siya nagdalawang isip. Kaya winaglit ko na muna siya pansamantala sa isipan ko. I have to deal with mom first na sa totoo lang na sorpresa ako na buhay pa pala.

Paglabas ko ng gate luminga linga ako sa paligid para hanapin siya and it didn't took me long before I did. With the kind of outfit she's wearing, hindi naman imposible na hindi ko siya makilala.

"Anna" she greeted casually na sinabayan pa ng ngiti. Na para bang normal lang sa kanya ang lahat. Na para bang wala lang yung ilang buwan niya na hindi pag uwi sa bahay

"Mom" I said almost puking the words. With what she's doing, sa tingin ko hindi na siya worth it pang tawagin na 'mommy' yet ayoko naman na ng eksena.

Kumunot ang noo niya "What happened to your face?" sabi niya at akmang lalapit sa'kin but I stepped back kaya huminto na siya.

Tumingin siya sa facadé ng Carleton sandali then to me "Dito ka pala nag aaral" she stated obviously

"I am wearing their uniform at yun din ang nakalagay sa ID ko so yes" I answered flatly. Surprisingly hindi niya ako binulyawan because she just remained quiet

"Dito ako nag aral dati" sabi niya after a moment. Hindi ko naman itinago ang pagkagulat dahil hindi ko alam yun.

"Yep, nag aral ako dati dito. Dito ako grumaduate ng high school" she added upon seeing my shock

I didn't bother answering dahil wala naman akong gustong sabihin. Isa pa sa totoo lang naiilang din ako sa set up namin. It seems awkward that today she's sober at nakakausap ng matino though yung outfit niya ganun pa rin na para bang dancer siya sa club when she's actually not.

"Well anong kailangan mo mom? Aba ilang buwan ka rin na hindi nagpakita sa'min" I said straight to the point and started walking away. Nakasunod naman siya sa'kin. Kailan ba ang huli naman pagkikita? Ah.. Nung nag away pa kami nun. Tapos pinili niya yung Victor kaysa sa amin magkakapatid

"Umuwi ako sa bahay kanina at wala akong naabutan. Sabi ni Zeny napalayas daw kayo. Wala naman si Mrs. Gomez kanina nung kinatok ko kanina sa kanila kaya hindi ko na kompronta. Pasensya ka na anak, wala ako nung napalayas kayo"

Sa kabila nang sinabi niyang yun hindi ko pa rin siya nilingon. Tuloy lang ako sa paglakad and pretending she's not there dahil hindi talaga ako komportable sa bigla niyang ganyan na pakikitungo.

"Nasabi sa'kin ni Zeny na may trabaho ka raw"

"Oo"

"Anong trabaho?"

"Baby sitter" I said tonelessly

"Baby sitter? Kanino?" follow up question niya pero hindi ko na sinagot dahil on time na may jeep na huminto sa harapan ko.

"Kung gusto mo makita sila Tamara sumama ka" sabi ko without looking at her at diretso nang sumakay sa jeep. Nakasunod naman siya.

"Ako na magbabayad" sabi ko nung akmang bubunot na siya ng wallet sa bulsa niya. I paid for our fare at habang biyahe walang nagsasalita sa amin dalawa. At nagpapasalamat ako doon dahil hindi ko alam kung hanggang saan ko ba siya mata tantya.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now