Chapter 24: Luke

10.5K 360 23
                                    


Bad Boy Indeed

As far as I know, ako ang dapat na binabantayan because it's her job but it seems like ngayon nagkapalit kaming dalawa dahil ako ang nagbabantay sa kanya. Simula nung makabalik kami sa classroom galing sa principal's office, my eyes never left her. Nag aalala lang kasi ako na baka mamaya magtagpo na naman ang landas nilang dalawa ni Blaire and something will happen again. God, baka kapag nangyari pa yun hindi na ako makapagpigil.

Going back sa usapan namin kanina ni Chaser sa gym, sa ibang pagkakataon siguradong mapipikon ako kung may umistorbo sa'min but last time I was beyond thankful na may umistorbo sa'min para makaligtas ako sa tanong niya.

Though until now his words are still echoing in my mind. Paulit ulit that I am close in getting frustrated.

"I know she's a lovable person. But please try not to fall inlove with her"
"Do not fall inlove with her. Maipapangako mo ba yun?"

To be honest, when I first met Anna, wala naman akong naramdaman na kakaiba. Sure I was amazed by her lalo na nung una namin pagkikita and all the sacrifices I know she's making to keep her family afloat but beside that I never wanted her for myself. Hindi siya yung klase ng babae ng tipo ko. Malayong malayo siya. Yet it was when she came here in school that suddenly my feelings made a turn.

The sucky thing is, hindi ko maipapangako kay Chaser na hindi mai inlove kay Anna. Hindi ko naman kinakalimutan ang pagkakaibigan namin but it's damn hard not to fall for Anna. At gaya nang sabi ko noon, hindi naman kasi ako yung klase ng tao na mangangako ng bagay na hindi naman ako sigurado kung kaya ko.

"Hindi ka nakikinig" my train of thoughts disappeared when Anna spoke out of nowhere. Sa gulat ko na bigla na lang siyang nagsalita napatingin ako sa kanya. Sa lapit ng mukha niya sa'kin our lips is just inches away from each other.

Naisip niya rin ata yun so she distanced herself right away.

"I was just thinking kung ano ang reason kung bakit nauwi kayo sa sapakan ni Blaire kanina" I half lied dahil curious lang din talaga ako. Alam kong may pagka bayolente talaga siya but I didn't thought na gagawin niya yun sa kapwa niya babae.

Umiwas siya ng tingin and I assume na hindi niya sasagutin ang tanong ko but a moment later she did "Mamaya na natin pag usapan" she said

Hindi naman na ako sumagot. I just glued my eyes kay Sir Ibarra na nagdi discuss ngayon though ang utak ko na kay Anna pa rin.

***

Nagyaya si Mara na pumunta kayla Chaser after classes pero tumanggi ako. Though I gave Anna the option kung pupunta siya but she also said no. Gusto lang naman ni Mara na kamustahin si Chaser who seems busy dahil pagkahatid niya kay Anna umalis na at hindi na pumasok sa mga klase namin.

"Himala ata na hindi ka maglalakwatsa?" tanong sa'kin ni Anna nang kaming dalawa na lang ang natira sa classroom dahil lumabas na ang lahat

I shrugged my shoulder "I ditched dahil may pag uusapan tayo di ba?" paalala ko sa kanya and actually yun naman ang dahilan talaga kung bakit ayoko pumunta kayla Chaser. Nagdahilan lang ako kay Mara na nagpapa good shot kay mommy para di na siya magpumilit. Isa pa, kung pupunta kami doon malamang hindi kami makakapag usap ni Anna

Tumango siya "Well, bakit ba curious na curious ka? Curiousity kills , you know" she said and grabbed her bag kaya kinuha ko na rin ang gamit ko. Nauna siyang lumabas ng room at kasunod niya ako dahil ni lock ko pa yun

"Because as far as I know, bayolente ka talagang tao but it didn't occur to me na ganun ka rin sa babae. Ang akala ko ganun ka lang sa mga bastos na kagaya ko" I said half jokingly dahil ayoko naman na masyado kaming seryoso

Tame The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon