Chapter 26: Luke

11.8K 416 47
                                    


***
Author's Note:
Sorry po sa matagal na update cause as some of you know, busy ako sa page edit nung isa kong story na Heartless: The Wicked Liar because I am going to self publish it. :)

Lips

It's not as if the first time that I saw her cry, but then when she did, there's this pang of anxiousness that I am feeling.

When she told me the reason kung bakit niya sinapak si Blaire, I was taken aback. Kilala ko si Blaire na may masama talagang pag uugali pero hindi ko inasahan na darating siya at that point. Fuck her. Pag siya talaga nakita ko somewhere makakatikim talaga siya.

"So what do you think?" tanong sa'kin ni Kuya Clyde breaking my train of thoughts. I blinked twice cause for a moment nakalimutan ko na magkasama pala kami ngayon and we're here in his newly opened bookstore na may café rin sa loob.

He sighed heavily nang hindi ako sumagot "God, Luke what's happening to you? Kanina ka pa tulala. Kasama naman natin yung personal guard mo so bakit ka pa tulala dyan?" he asked with a smirk

Umiling ako "I'm sorry may naalala lang ako bigla. Anyway, what's your question again?" I asked

"Ang sabi ko, what do you think of this place. Sa tingin mo tama lang tong ginawa ko na maglagay ng café sa gitna nitong bookstore? Hindi ba masyadong masikip?" tanong niya in a serious tone. Well, when it comes to books kasi, my brother values my opinion so much.

I looked around to survey the whole place satisfyingly. Since it's the opening day, maraming mga tao though hindi naman magulo. Nandito rin si Anna kasama ang mga kapatid niya but I cannot see them from this spot.

Ito ang reason kung bakit nitong mga nakaraan hindi umuuwi si kuya. He's very busy na sabi pa nga niya sa'kin may mga araw na dito siya natutulog dahil siya mismo ang nagkakabit nung mga paintings sa wall. Hindi ko alam kung gaano katotoo though I know him for being hands on on everything kaya hindi naman na kaduda duda kung dito siya natutulog.

"Well, hindi naman na masama. Why books are partner with coffee and tea. Though siguro ang magiging problem lang, hindi ganun karami ang mac cater nitong café dahil sigurado yung mga customers mo na bibili ng book then pupunta dito is matatagalan cause for sure while sipping in their cup, nagbabasa rin sila" I answered at mukha namang na appreciate niya because he nodded.

"So what do you suggest?" follow up question niya which I appreciated too.

"So far let's just observe kung okay ang ganitong set up. Pero kung hindi, I suggest na ihiwalay tong café. Maglagay lang tayo ng door para adjacent pa rin dito sa bookstore"

Tuluyan nang natawa si kuya and he patted me on the shoulder "Very smart of you to say that. Hindi ka man nga siguro kasing bait namin ni Lily, there's still no doubt that you are a De Salvo. Your brain says it all"

"Oh why, thank you. I'm very touched by that" I said with sarcasm but deep inside natutuwa ako. It's not everyday na napupuri ako sa mga ginagawa ko especially when most of the time kalokohan lang naman ang alam ko.

***

Nag decide kami ni kuya na maghiwalay na because he will supervise everything at ako naman hahanapin sila Anna. Siguro naging factor ang pagiging matangkad ko kung kaya't nakita ko sila kaagad. Though it took me a lot of effort to make my way through sa dami ng tao.

"Game of thrones? Not for your age, kid" I started at kinuha kay Zeke yung libro at ibinalik yun sa shelf. I picked up the first book of The Diary of a Whimpy kid at ibinigay sa kanya.

That earned me a laugh from Anna and Tam and a scowl from Zeke.

"Ano ba naman yan pambata! Kung hindi lang ikaw ang magbabayad aawayin sana kita!" he said na tinawanan ko na lang. Though I've seen na marami rami na rin siyang nakukuha pero okay naman yung iba except lang sa Game of Thrones which I believe hindi niya muna binabasa sa edad niya.

Tame The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon