Chapter 57: Anna

7.1K 255 75
                                    


Truth

Kung hindi lang talaga tumawag si Paul para sabihin na papunta na sila dito, probably naabutan nila kami na mahimbing na natutulog. Kaya naman pagkapatay ko ng phone ginising ko na kaagad si Luke so we can change into comfortable clothes.

"Lumabas na tayo para hindi na sila mahirapan pagpasok dito" sabi niya nung ready na kami at lumabas na. Pinatay namin lahat ng ilaw even yung nasa labas kaya naman ang dilim. Napakapit tuloy ako sa kanya.

Kinuha niya yung phone niya sa bulsa ng shorts niya at yun ang ginamit namin na ilaw para makita ang dinadaanan namin. Kapag naaalala ko yung sinabi niya kanina na ito ang future house namin, hindi ko mapigilan na kiligin. Kanina nga nai imagine ko na kung gaano kaingay yun dahil sigurado aanakan niya ako nang marami. Dati kasi nabanggit niya sa'kin na pangarap niya raw na magkaroon ng limang anak o higit pa.

Paglabas namin sa kalsada sakto na may puting van na huminto sa harapan namin. Bumukas ang bintana nun at kumaway sa'min sila Chaser na nang aasar kaagad.

"Wala pa man kasal nag honeymoon na!" sabi ni Paul at binuksan yung pinto para makapasok kami. Binato tuloy sa kanya ni Luke ang mga gamit namin.

"Tarantado" he added kaya natawa na naman kaming lahat. Malaki tong van mas nagmumukha pang malaki dahil kaunti lang kami. Umupo kami ni Luke sa likuran ni Chaser at Paul. Si Mara naman kasi nandun sa harapan.

"Paano yung sasakyan mo?" tanong ko kay Luke nung umaandar na kami. Inakbayan niya ako and kissed my forehead.

"May spare key naman yun so ipapakuha ko na lang sa kambal ko bukas dahil sigurado na tulog na yun" he answered

Inaantok ako kaya naman pinosisyon ko ang sarili ko na matutulog ulit though more or less alam kong hindi ako makakatulog dahil ang ingay ng mga magkakaibigan. But then mas lamang pa rin siguro ang antok ko dahil maya maya lang nakatulog na talaga ako.

***

Nagising ako nang may maramdaman akong marahan na tumatapik sa pisngi ko. When I snapped my eyes open I found Luke staring down at me. Nag unat ako at tumingin sa labas. Hindi ko alam kung nasaan na kami dahil puro puno lang ang nakikita ko.

"Nandito na tayo. Though mags stay muna tayo sa kaibigan nila granny kasi bukas pa raw tayo pwede pumunta mismo dun sa island. Delikado raw kasi ngayon dahil malakas ang alon at madilim" he said

I just absentmindedly nodded at inayos na ang sarili ko dahil in announce ni Mara na bababa na raw kami. As soon as I stepped out of the car nayakap ko ang sarili ko dahil ang lakas ng hangin.

"Mr. De Salvo" may matandang lalaki na lumapit sa'min at nakipagkamay kay Luke.

"Manong naman eh. Luke na lang ang itawag mo sa'kin. Masyado kang pormal" biro pero seryosong sabi ni Luke doon sa matanda na tumawa na lang at pagtapos tumingin sa'kin.

"Girlfriend ko po pala to, manong. Baby, siya pala si Manong Oscar. Kaibigan nila granny na nag aalaga nung villa namin doon sa island" ngumiti ako at nagmano kay Manong Oscar na nakangiti pa rin sa'kin.

Pumasok na kami sa bahay ni Manong Oscar kung saan kami magpapalipas ng gabi. Hindi ko mapigilan mapahanga sa estilo ng bahay nila na bahay kubo pero mas malaki kaysa sa mga karaniwan. Napakalinis din dito sa loob at makikita ang kasimplehan ng matandang mag asawa dahil yung mga kagamitan dito sa loob ay halatang ginagamit at hindi display lang.

In offer ni Manong Oscar na silang mag asawa ang matutulog dito sa sala at kami naman sa kwarto nila pero tumanggi kami sa kabila ng pagpupumilit nila. In the end wala na rin silang nagawa na mag asawa lalo na nung si Luke na ang nagsalita.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now