Chapter 40: Luke

8.4K 336 35
                                    


Futuristic Thought

As I said those three words, eight letters, hindi naman ako umasa na sasagot siya o kahit kikibo man lang. Actually I didn't intend to say it at all pero wala eh, dumulas na ang mga salitang yun sa dila ko and there's no way on taking it back. So I just stood, waited na may sabihin siya until she just looked down at the ground avoiding my gaze. At that moment alam ko na wala talaga siyang isasagot.

Which didn't offend me at all. Kung maibabalik ko nga lang ang oras hindi ko talaga sasabihin yun. Ayoko naman kasi magmukhang parang inaabuso ang sitwasyon. Ayoko naman magmukhang parang pini pressure siya just because kumanta ako sa harapan ng maraming tao as a way of surprising her. That's bullshit. Baka mamaya makapag I love you too pa siya na hindi naman niya sinasadya pero ginawa niya dahil ayaw niya lang na mapahiya ako o masayang ang lahat.

"Luke.." nandito na kami sa kotse. Kanina pagtapos nung nangyari it almost took us an hour para makaalis. Pinagkakaguluhan kami especially ako dahil hindi sila makapaniwala sa ginawa ko. Though hindi ko naman sila masisisi dahil kahit ako nagulat na nagawa ko yun. I've never done it before. Not even with Brie.

"Yes?" I asked her. Sandali ko lang siyang tinignan then darted my eyes on the road again. Though I can still see her on the corner of my eyes. Hawak hawak niyang mahigpit yung Ferrero Rocher at stuffed toy na binigay ko sa kanya.

"About doon sa sinabi mo kanina —"

"Don't. Hindi naman kailangan sagutin yun, Anna. Please don't bother yourself about that" putol ko sa kung ano pang sasabihin niya. She just nodded at pagtapos nun hindi na nagsalita.

Naisip ko ulit yung nangyari kanina. Actually kahapon ko lang yun inasikaso. It was the reason kung bakit hindi kami nagsabay umuwi kahapon. Nagreason out lang ako na may pupuntahan when in fact I just met up with Josh's band na super crush ni Mara and settled things with them. Actually nandun pa nga sila sa school at tumugtog because I paid them to play three sets of songs. Syempre hindi ako magpapatalo kay Chaser. I won't let him na malamangan ako because courting is a competition.

I've been thinking of buying flowers for mom so I asked Anna if we can stop to a flower shop. Wala naman problema sa kanya so I turn to a left which is not the way home. Hindi naman ganun kalayo yung alam kong flower shop but it will take us some time if ever na abutan kami ng rush hour lalo't almost 5PM na.

"Mabuti naman at mage effort ka nang makipagbati sa mommy mo" Anna said smiling na alam kong ikinatutuwa niya talaga.

"Well, hindi ko naman pwede tiisin si mommy di ba? Isa pa, napag isip isip ko rin yung sinabi mo nun" that's true. Last night hindi ako nakatulog masyado dahil iniisip ko rin ang about kay mommy. Masakit man para sa'kin na more or less magmamahal na ulit siya nang bago, wala na akong ibang magagawa kung di tanggapin yun.

Tama si Anna. Mom never dated anyone before. So wala akong karapatan na ipagdamot sa kanya yung happiness niya dahil after all hindi naman siya nagkulang sa amin. Napalaki niya kami nang maayos though nagtarantado lang talaga ako which is my choice.

"We're here. Gusto mo ba bumaba?" I offered dahil baka mainip siya dito sa kotse. But she shook her head

"I'm fine here, Luke. Just go" she said. After smiling at her lumabas na ako nang sasakyan and entered the flower shop. Mom loves pink so I grabbed the pink roses at ipinaayos yun into a beautiful bouquet. An unwelcomed memory lurked but I shook it away. Dito ako sa flower shop na to dati bumibili ng bulaklak na binibigay ko kay Brie.

After the woman handed me the bouquet, nagmadali na akong lumabas. Didn't even bother to wait for my change despite na tinatawag ako nung cashier. I just want to get out of here. Remembering Brie will not do me any good.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now