Chapter 3: Anna

22.1K 686 57
                                    

Daughter of A Bitch
Nakakahiya man pero nakakahiya talaga. Sa totoo lang hindi ko naman sinasadya na suntukin na lang si Luke. It's just.. Well badtrip lang talaga ako kanina kaya nagdilim ang paningin ko at siya ang napagbuntungan ko.

Paano ba naman kasi, tinawagan ako nung kakilala ni mommy para mag babysit sa anak niya. Sinabi niya na five hundred ang ibabayad sakin. At syempre naman pumayag ako dahil kailangan ko ng pera pambili ng mga gamit namin sa pasukan.

So yeah, I went there first thing in the morning and babysit an eight year old boy na sobrang kulit. Mabuti nga at weekends walang pasok yung dalawa sa summer school para wala akong aalalahanin na susunduin. Pagdating nung hapon umuwi yung nanay at hindi man lang ako pinapansin not until nung nagpapaalam na akong aalis. I asked her yung bayad para sa kin and she said na naibigay niya na daw sakin nung umaga which is hindi naman!

Now, try putting yourself in my shoes. Pinagtiisan ko maghapon yung napakakulit na bata then in the end wala naman pala akong makukuha?!

But anyway, nagbigay naman ng one hundred fifty kahit paano dahil tinakot ko na isusumbong ko siya kay mommy. Pero masamang masama pa rin talaga ang loob ko. It's far from what I expected

Nadaanan ko yung bahay nila Luke at napahinto sa harapan. Actually hindi ko naman napansin nung una na nag aaway sila nung babae. Nagandahan kasi ako doon sa bahay nila and stopped there para titigan. Imagining na kung hindi nangyari sa pamilya nila mommy yung eskandalong yun seventeen years ago, malamang ganito din yung bahay namin ngayon o mas malaki pa.

Until marinig ko na lang na pinagtataasan niya ng boses yung babae. Sakto naman na may maliliit na bato sa gilid ng kalsada so kumuha ako ng isa at ibinato sa kanya. Nung una natakot ako. It was impulsive of me actually. But then sabi ko sa sarili ko, why would I? Bastos naman siya so it serves him right.

"Zeke, pakibukas!" I called out sabay katok ng malakas sa pintuan namin. Mabuti na lang hindi na nagpilit si Lily na ihatid ako nung kambal niya dahil hindi ko ma imagine ang mangyayari kung kaming dalawa na lang ni Luke.

Something is up with him. I don't know kung bakit ko to nasasabi but I am certain of it. Yes, arogante siya at mukhang basagulero but when our eyes meet last time, I saw something soft in him.

"Zeke!" ulit ko at mas nilakasan ang pagkatok. Hay, kamalasan nga naman oh! Sa sobrang pagmamadali ko kaninang umaga ni hindi ko na nga nadala yung susi ko.

Kung may maganda man na nangyari sakin ngayong araw ay ang pagkain nung red velvet cupcakes. Cause well.. Buong buhay ko hindi pa ako nakakita at nakatikim nun. Kaya nga tinanong ko si Lily kung pwede ko iuwi kasi ipapatikim ko rin sa mga kapatid ko.

Kakatok pa sana ako pero mula dito sa bintana nasilip kong may bumababa na sa hagdanan na naka topless. Napakunot ang noo ko. Hindi ko kilala ang taong to.

Pinagbuksan ako ng pinto at nang makita ko siya hindi ko itinago ang pagtataka sa mukha ko. He's a guy maybe on his mid twenties. At hindi ko gusto ang paraan nang pagtingin niya sakin dahil mukha siyang manyak.

"Sino ka?" tanong ko politely at pumasok na. Tumabi naman siya para makadaan ako. Upon seeing mom's stuffs na nasa mesa, okay nasagot na ang tanong ko. May galit na bumabangon na naman sa loob ko.

"Bisita ako ng mommy niyo" he answered. Niyakap ko ang sarili ko nang pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa dahil naramdaman ko yung mga balahibo ko na nagtayuan. Mabuti na lang at naka pantalon ako.

"Ah ganun ba? Okay" sabi ko na lang at nagtuloy na sa kusina without looking back. Kipkip yung tupper ware na pinaglalagyan nung mga cupcakes, umakyat ako para puntahan si mommy sa kwarto niya at tanungin kung sino yung lalaki.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now