Chapter 29: Anna

9K 357 24
                                    


Flicker

Nasaan ka na ba Luke?

"Hindi ko talaga alam kung saan siya pumunta. Pero kinonfirm nung guard sa gate na lumabas nga siya ng school" sabi ni Paul na gaya ko mukhang naf frustrate na rin.

"Hindi man lang ba siya pinagbawalan? It's classes" I asked back dahil hindi ako makapaniwala na umalis na lang ng ganito si Luke na hindi man lang nagpapaalam. Tinetext ko siya pero hindi naman nagrereply. When I tried to call him he rejected it and when I tried the second time nakapatay na ang cellphone niya.

Hindi ko naman na kailangan pag isipan nang maigi na ayaw niya akong makausap o kahit sino sa mga kaibigan niya. Ang ipinagtataka ko lang talaga kung bakit hindi man lang siya nagpaalam. Specifically, sa akin. Alam kong alam niya na mag aalala ako sa kanya.

"Kahit kailan talaga si Luke. Kung di ko lang kaibigan yan matagal ko na siyang nasapak. Nao offend na naman ako ah. Dati nung kasagsagan nung pag iwan sa kanya ni Brie ganito rin siya. Bigla na lang nawala. Sabay pagbalik akala mo wala lang. Bwisit na tao yan" naiinis na sabi ni Mara and even rolled her eyes heavenward.

Ano na lang ang sasabihin ko kay Ma'am Pepper? Kapag nalaman niya na natakasan ako ni Luke siguradong madi disappoint siya. Though mas lamang pa rin talaga sa akin ang pag aalala. Minsan kasi talaga si Luke mahirap ispelengin. May mga days na sobrang okay siya at may mga days din na para bang isinusumpa niya ang buong mundo. He's that complicated and unpredictable.

"Sino ba ang huling nakausap niya? Sure he has reasons kung bakit basta na lang umalis" Chaser said na halatang malalim ang iniisip.

"Well huli ko siyang nakita kanina sa klase. He said na hahanapin niya raw kayong dalawa" sagot ni Paul sa tanong ni Chaser.

Kumunot naman ang noo ni Chaser at pagtapos tinignan ako. He smiled sweetly at me na sinuklian ko naman. When he reached for my hand hinayaan ko lang siya.

"Wag ka na mag alala masyado. Hindi ka naman siguro pagagalitan ni Auntie Pep. Actually kung tutuusin kasalanan ko pa nga eh" he said

Umiling ako "Paano mo naging kasalanan? Wala namang may gusto sa'tin na bigla na lang mawala ang unggoy na yun" I answered comforting him dahil hindi ko talaga maintindihan kung paanong naging kasalanan niya yun.

Tumikhim si Paul at doon ko na realize na magkahawak pa pala kami ng kamay ni Chaser. Bumitaw ako sa kanya kaagad lalo't nakita ko yung malisyosong ngiti ni Paul.

"Bakit ba tayo nag aalala? Malay natin nandyan lang si Luke. Bakit hindi tayo maghiwa hiwalay at puntahan natin yung mga lugar na pwede niya puntahan?" Mara suggested. Hindi ako sigurado kung napansin niya ba yung paghawak kamay namin ni Chaser pero salamat na rin at hindi na siya nag comment pa na nang aasar

"Good idea. Ako na ang pupunta sa mga bars na pwede niyang puntahan though I doubt kung nandun siya dahil maaga pa naman. Pero malay natin.." Chaser said approving Mara's suggestion

"Tama. Ako na ang pupunta doon sa.. You know where" sabi naman ni Paul and looked at Mara and Chaser na para bang may alam sila na hindi ko alam. Nagpanggap na lang akong patay malisya though curious kung ano kaya yun.

"Tayong dalawa naman Anna ang maghintay sa bahay nila" Mara told me at bago pa ako makasagot nahatak niya na ako palayo sa dalawa at papunta na kami sa sasakyan niya.

"Sa tingin mo ba okay lang na hindi natin samahan yung dalawa?" unsure na tanong ko habang nags seatbelt

Mara shook her head "Kaya na nung dalawang yun ang mga sarili nila. Tsaka malay natin biglang umuwi na yung unggoy na Luke na yun. Dapat nandun tayo para sapakin siyang bwisit siya"

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now