Chapter 47: Anna

7.1K 300 43
                                    


A/N: Hindi ko inakala that I will be saying this pero WARNING! Medyo may SPG na scene! Nagwawala yung hormones nung dalawa so wala ako na rin ang sumuko at nagparaya :D don't try it at home. (or perhaps, in the car?) Lol. Happy Valentines Day! <3

First Month

Weeks passed in a blur. Tapos na ang christmas vacation namin and days from now papasok na ulit kami sa school. We had fun together during the past weeks. Sobrang saya ko dahil after how many years nakaranas na ulit kaming magkakapatid ng masaganang noche buena at medya noche. Hindi tulad dati na kapag pasko at bagong taon nagkakasya na lang kami sa bigay ng mga kapitbahay namin na naaawa sa amin. Nagpasko kami ni Luke sa mga sarili namin pamilya but when New Year came nasa amin siya na noong una nga tinututulan ko pero sabi naman niya pinayagan siya ni mommy so I don't need to worry. So there, we welcomed the new year together. And I can't still believe na first monthsary na namin ni Luke bukas. It was Katie who told me that I should give him something lalo't siya ang first boyfriend ko. So eto kami ngayon paikot ikot dito sa mall at naghahanap ng pang regalo. And actually hindi nga alam ni Luke ito na umalis ako sa'min because I want to surprise him tomorrow.

"Do you think may ganito na siya?" Katie asked then showed me a book. Napabuntong hininga na lang ako. May ganyan na siya eh. Hindi ako pwede magkamali dahil nakita ko na may ganyan siya sa kwarto niya. And so all the other books here.

Ano ba ang pwede kong ibigay sa kanya? What could I give to a person who seems to have everything? And can buy everything for that matter.

"Well you know what, why don't we just go to grocery to buy something? Di ba sabi mo marunong ka magluto? Why don't you just cook for him then?" Katie suggested in a bright tone

"My cooking skill is average, Katie. Siguradong wala akong binatbat sa mga chef nung mga restaurants na pinagdadalhan niya sa akin"

Katie rolled her eyes "Well, it's the thought that counts, Anna. I tell you na maa appreciate niya yun. Kung hindi mo kaya tumbasan ng malaking halaga ng regalo then daanin mo sa effort. He'll love it, I'm telling you. Kung gusto mo mag bake din tayo ng cookies. Tuturuan kita"

"Thank you, Katie ha? Kung wala ka hindi ko alam kung kakayanin ko ba"

"Ang OA mo naman masyado. For a first timer you're really doing great, Anna. Do not doubt yourself"

So pumunta na nga kami ng grocery without even thinking kung ano ang lulutuin ko. Though Katie said that I should settle with the simple recipe so napagdesisyunan namin na omelette at pigs in blanket ang lulutuin ko. Lalagyan ko na lang din ng design yung paglalagyan ko nung food and yung rice maybe using peas and corn para maganda.

Pagtapos namin sa grocery pumunta naman kami sa baking supplies shop kasi doon mas kumpleto yung mga ingredients na kailangan namin para sa cookies. Since Katie also suggested that we'll do heart shaped cookies.

"Sa tingin mo ba okay na to?" unsure na tanong ko kay Katie kasi hindi ko naman talaga sigurado kung magugustuhan ni Luke ang lulutuin ko na napaka simple.

"He'll love it for sure. Lalo na kung gawa mo" Katie answered. Sasagot pa sana ako when I saw a familiar figure sa likuran niya.

I'm dead.

"So umalis ka na hindi man lang nagpapaalam sa'kin? If it wasn't for the fact na hindi mo ako nirereplyan at pupuntahan ka sa inyo, hindi ko malalaman na nandito ka" he said coldly as he inched closer to me. Hindi ko naman magawang salubungin ang mga mata niya dahil natatakot ako.

Napalunok ako and looked at Katie who's just tensed as I am. "Uhm.. Kasi —"

"Hindi ba napag usapan na natin to? I've told you na kapag aalis ka, magpaalam ka sa'kin. Hindi naman kita paghihigpitan eh. Ang gusto ko lang alam ko para if ever na may mangyari sa'yo alam ko kung saan ka hahanapin hindi yung mamatay ako sa pag aalala" putol niya sa sasabihin ko with the same cold, sardonic tone

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now