Chapter 12: Luke

15.2K 531 91
                                    

Little Secret

Hindi ko naman inasahan na maghapon akong mags stay dito kayla Anna but I have no regrets. Pagtapos ko silang pakainin, nagtulong kaming tatlo nung mga bata sa paglilinis ng bahay. Nakakaawa naman kasi si Anna kung siya pa ang maglilinis pag uwi niya eh siguradong pagod na yun.

"Tamara, sino ba yan kausap mo sa phone at parang kanina ka pa?" tanong ko kay Tam dahil hindi talaga maganda ang nararamdaman ko eh. Sa tingin ko kasi hindi niya classmate o kaibigan yan kausap niya dahil ang hina lang ng boses niya na halatang ayaw iparinig sa'min kung anong pinag uusapan nila.

"A friend" tipid niyang sagot at balik na ulit sa pakikipag usap. Nagkibit balikat lang naman si Zeke so I decided to just shrug it off at si Anna na lang ang kakausapin ko mamaya kung maabutan ko pa siya.

Hindi naman ako napagod dahil nga sa tumulong yung dalawang bata. So I just decided na tignan ang fridge nila kung may mga pagkain pa and to my disgust dalawang corned beef na lang.

"Pahingi nga akong papel at ballpen" sabi ko kay Zeke na kahit paano nakakasundo ko na. Sumunod naman siya dahil hindi nagtagal ibinigay niya na sa'kin yung mga hinihingi ko.

Inilista ko ang mga kailangan nila. As much as possible naglagay ako ng maraming gulay at fresh meat dahil sa tingin ko matagal na silang hindi nakakakain nun. Katunayan ang papayat nga nila eh. Though naglagay din naman ako ng mga de lata para kapag kailangan ng madaling lutuin.

"Sino gusto sumama sa grocery?" tanong ko nung matapos ko na ang mahabang listahan ng mga bibilhin

Kumunot ang noo nung dalawang magkapatid na nagkatinginan pa. "Wala naman iniwan na pera si Anna di ba?" nagtatakang sabi ni Zeke

Tumango ako "Oo wala siyang iniwan pero may pera naman ako eh kaya ako na ang bibili"

"Sigurado ka ba?" dagdag niya

"Uy, nagpapa cute kay Ate Anna.." pang aasar ni Tamara that I swear made me blush real hard right now

"Anong.." hindi ko maituloy ang sasabihin ko. For Pete's sake, Luke bata lang yan nang asar sa'yo! It's not as if barkada mo para magkaganyan ka!

"O sige na nga wag na" kunyaring naiinis na sabi ko at tumalikod na but Zeke instantly wailed

"Tamara wag ka na mang asar! Biyaya na nga naging bato pa!" he shouted on her little sister na ikinatawa ko

"So you kids up for a little stroll?" I asked again na sinamahan pa ng pag kindat

***

Pagdating namin sa grocery kumuha agad ako ng malaking cart at pinaupo pa doon si Tamara na tuwang tuwa. Weird but I am happy too. Bagong kaalaman to para sa'kin. Usually I can't stand other people's company kung kaya nga't wala akong kaibigan masyado pero hindi ko ma explain why I love this kid. Sila ni Zeke. I am sure na wala itong kinalaman kay Anna dahil kung pagpapa pogi points lang to I will woo her personally kaya hindi ko talaga maintindihan.

"Ang dami naman nitong bibilhin. One year supply na ba ito?" tanong ni Zeke habang binabasa yung listahan. Nag umpisa na akong kumuha ng mga items like mga gatas and breads na pinaglalaruan pa ni Tamara pagkalagay ko sa loob ng cart

"Hindi aabot ng one year yan but I am certain it will suffice for a month" sagot ko. Tumango na lang din siya and helped me out. Occasionally tinatanong ko rin sila kung may gusto ba sila. Lalo na si Tam dahil napansin kong panay ang tingin niya doon sa isang pack ng biscuits na may Hello Kitty design.

"Baby, kung gusto mo yan kunin mo na. Babayaran naman ni kuya" sabi ko sa kanya dahil hindi talaga ako makatiis. Naalala ko rin tuloy yung sa ice cream store nun. Ganito yung mukha niya when she badly want that freaking strawberry ice cream.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now