Chapter 52: Luke

7.7K 280 68
                                    


Us In The End

It's been five days since Anna stayed in the house and ilang araw na rin kaming hindi nakakapasok na dalawa. Alam na rin sa school ang nangyari sa kanya kaya naman madalas na may dumadalaw dito kay Anna though hindi naman niya hinaharap lahat lalo na kapag lalaki. Sa totoo lang naiinis nga ako dahil supposedly, ang gusto ko si Sir Ibarra lang na adviser namin ang makaalam about dun at si Sir Soriano pero alam na ng lahat. Siguro yung mga kaklase namin naikwento sa mga kapatid nila or sa mga kaibigan nila that's why the news spread out like wildfire.

"Sorry ha? Ang kalat kalat na dito sa kwarto mo" she said looking at the gifts na ibinigay sa kanya ng mga kaklase namin na dumadalaw sa kanya. Though those are expensive, yung mga letters pa rin na galing sa mga kapatid niya ang gustong gusto niya. Kahapon kasi dumaan ako sa kanila para kunin ang mga yun.

I smiled "You mean our room, wife?" I asked teasing. She just rolled her eyes so I kissed her open mouthed. We could've done it again kung hindi ko lang naalala na pagod siya dahil nagpilit siya na maglinis ng bahay.

"Papasok na pala ako bukas. Sa tingin ko naman kaya ko na eh" she said afterwards.

"Are you sure about that?" I asked worried dahil sa totoo lang nag aalala ako sa kanya. Hindi naman na siya sumisigaw kapag may napapalapit sa kanya especially after we have already did that special thing yet I can still observe na hindi pa rin siya ganun ka komportable. Kay Kuya Clyde nga parang ilang na ilang siya nung makatabi niya sa mesa kagabi samantalang nung kailan lang magkahawak pa sila na sumasayaw.

She nodded and hugged me as if to reassure me. "Sigurado na ako. I know I'll be okay tutal nandyan ka naman para protektahan ako" she whispered

I smiled at that. Natutuwa lang ako na ganito kalaki ang tiwala niya sa'kin. It's as if I am her personal brand of hero who's ready to destroy everything that will attempt to hurt her. And I'm grateful for that. Hinding hindi ko sasayangin ang tiwala niyang yan.

I kissed her forehead and hugged her tight. "As long as I live, I vow to protect you. Kahit ikamatay ko pa" I said sincerely.

She just looked at me smiling pero alam kong may iniisip siya. Hindi ko nga lang alam kung ano yun.

"Naalala ko si Blaire. Pinagpupustahan kasi nila tayong magkakaibigan. Sabi niya nga nun hindi niya na raw mahintay na papasok ako sa school na umiiyak dahil kinuha mo na ang virginity ko at iniwan mo na ako"

In other times siguro maiinis ako pero ngayon natawa na lang ako because of its preposterousness. Why, that bitch always has something to say. Naiinggit lang naman kasi yun sigurado dahil si Anna ang girlfriend ko at hindi siya.

"Do you believe them?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya lang ako as if she's really thinking about it. Not the quite reaction I'm expecting from her.

"Well.. I don't know?" she asked with uncertainty and even smiled sheepishly.

I sighed deeply at kumalas sa pagkakayakap sa kanya dahil hindi ko mapigilan na makaramdam ng inis sa sinabi niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. I should've known. Darating kami sa time na ganitong pagdududahan niya ako dahil nakuha ko na ang virginity niya. Oh damn!

"Kung ganyan na pinagdududahan mo ako Anna Bernice, sana hindi na lang natin ginawa" I said scowling. At dahil nabwisit talaga ako, tumayo ako sa kama at kinuha yung sigarilyo sa loob ng drawer ko na hindi ko sigurado kung may lasa pa dahil matagal nang nakatago. But anyway, I just need something to calm my nerves.

"Baby, anong gagawin mo?" she asked but I just ignored her. Nagbukas ako ng isang bintana and lit the cigarette, taking a deep pull.

Kahit hindi ko siya tignan alam kong tumayo siya and naglakad papunta sa'kin. True enough dahil naramdaman ko na lang na that she's hugging me from behind.

Tame The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon