Chapter 49.2: Anna

7.4K 288 78
                                    


Blood

"Anna, can I have this dance?" sabay kaming napatingin ni Luke doon sa nagsalita. It was Kuya Clyde.

Luke snorted "And why is that?"

Kuya Clyde rolled eyes in amusement "Pati ba naman ako brother, pagseselosan mo?" he asked Luke incredulously

Luke tsked "Ako nagseselos sa'yo? Hell no. Ang akin lang baka agawin mo asawa ko sa'kin" he said and pulled me more closer to him possesively.

Pakiramdam ko pulang pula ako sa sinabi niyang yun. Ugh nakakahiya sa kuya niya! Nahampas ko tuloy siya sa braso nang medyo may kalakasan.

Natawa naman ang kuya niya pero hindi umalis. So ibig sabihin gusto niya talaga ako na maisayaw.

"Come on, Luke. Isa pa, tawag ka rin ni mommy kaya puntahan mo na. Nothing will happen to her I promise" he said seriously kaya naman sumeryoso na rin si Luke

"Don't leave her hangga't hindi pa ako nakakabalik" he said at binitawan na ako. Bago siya tumalikod he gave me a peck on the lips.

Nung makaalis na si Luke, Kuya Clyde stood in my front. Sa totoo lang nahihiya ako so hindi ko alam ang gagawin. Siya pa nga naglagay ng mga kamay ko sa leeg niya.

"Relax, I don't bite" he said because maybe he's sensing my discomfort. Sakto naman na nagpalit na ng kanta so we started dancing to it.

"I just want to take this opportunity na pasalamatan ka, Anna. For being with my brother. Dahil sa'yo, malaki na ang ipinagbago niya. He's a better person now because of you"

I felt myself blushed. Halos lahat ata sa paligid namin nasabi na yan yet it feels much better kapag kamag anak niya, especially kapatid ang nagsabi. It's like being a first place in anything.

"Walang anuman po yun. Maybe it's because of love kaya rin siya nagbago? Nung nagsabi po kasi siya na manliligaw sa'kin, ang sabi ko sa kanya magkakaroon lang siya ng chance kapag medyo binago niya ang ugali niya. Don't get me wrong, mahal ko naman po siya with his flaws and all kaya lang gusto ko rin ng kahit paano magbago siya para sa ikabubuti niya rin" sabi ko

"And he really did? Nagbago siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Clyde na para bang napaka imposible nang sinabi ko na nagbago na si Luke.

I nodded politely.

"So after all it's really love that changed him. Akala ko kasi talaga wala ng katapusan ang mga kalokohan niya. You're aware of that, aren't you?"

"Opo. Sinabi niya po sa'kin ang lahat"

"I can still remember dati na halos atakihin sa pag aalala si mommy kapag umuuwi yun si Luke na may black eye at putok ang labi. Ilang schools na rin ang nang kick out sa kanya. He barely stayed a month in school. Kapag may nakakaaway siya, he's really inflicting a serious injury on his opponent. He was really persona non grata during those times. Akala ko nga idi disown pa siya nila granny dahil sa mga kagaguhan niya"

Biglang kong naalala yung tungkol kay Dean na nagpaayos pa ng mukha sa States dahil sa sobrang gulpi niya. Yun naman na siguro ang pinaka malala di ba? Siguro naman wala pa siyang.. Napapatay di ba?

I shut my thoughts immediately. I should not think of this way about him. Oo, war freak siya pero alam kong hindi naman siya aabot sa ganun na papatay. He's better than that.

"Mabuting tao po ang kapatid niyo, Kuya Clyde. Kahit hindi pa kami nun marami na siyang nagawa para sa akin at para sa mga kapatid ko. May incident pa nga dati na kung hindi dahil sa kanya napahamak na ang kapatid ko. Maybe he's just really unpredictable and temperamental but deep inside he's a good person. I have witnessed that at alam kong totoo yun" I said and he's just silent.

Tame The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon