Chapter 31: Anna

10K 358 37
                                    

Second Time Around

Sa totoo lang parang panaginip lang ang lahat dahil hindi ko talaga lubos na maisip kung paanong humantong ang lahat sa ganito. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa bahay ng mga De Salvo nung kailan lang.

It seems unreal actually. If it wasn't because of the peculiar stares of our schoolmates, hindi pa rin talaga ako maniniwala na ang magkaibigan at halos magkapatid ng sina Chaser at Luke ay hindi na nag uusap o nagtitinginan man lang ngayon.

And it's all because of me na hindi ko talaga lubos maisip kung paanong nagustuhan nila. Oo, maganda naman ako. Pero hindi kasing level ng mga kaklase namin o nung mga nagkakagusto sa kanila. I don't have the height of Clarisse. I don't have the boobs of Blaire. I'm not even close sa kagandahan ni Carmina. And most of all, I am way beyond their league.

Kaya talagang palaisipan sa'kin na why of all the girls na halos sumamba na sa kanila, ay ako pa ang napagkaisahan nilang magustuhan.

"Tara na sa cafeteria" Luke said breaking my thoughts. At doon lang nag sink in sa'kin na nagtatayuan na ang mga classmates namin dahil break time na.

"Kailangan ba talaga na kasama ako?" nanghihinang tanong ko dahil ngayon pa lang naii stress na ako sa kung ano ang pwedeng mangyari na naman. Kahapon kasi muntik na naman silang magsuntukan ni Chaser kung hindi lang sila sinapak ni Mara.

"Don't worry. Hindi ko na uulitin yung ginawa ko kahapon. Nairita lang naman kasi ako sa pagpaparinig niya kaya ko siya hinamon" he answered quietly. At kahit hindi niya sabihin I know he's sorry for it.

Bumuntong hininga ako at napailing. Ugh, kung bakit ba kasi ganito ang sitwasyon? Ang hirap! Ni hindi ko na nga makausap ng maayos without awkwardness si Paul at Mara. Though they don't blame me for everything, nagi guilty pa rin kasi talaga ako.

"Siguraduhin mo lang. Kung hindi, malalagot ka sa'kin talaga" I answered. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Tumayo na ako at nagpatiuna na lumabas ng classroom kung saan nakita ko si Chaser. Nagkatinginan kaming dalawa and I was the one who avoided his gaze first.

"Can I ask you out later?" sabi niya. Nung una hindi ko pa sigurado kung ako ang tinanong niya dahil sa malayo siya nakatingin pero bigla niya akong tinignan with a grin on his face.

Gusto kong sumagot pero hindi ko alam kung paano. Naalala ko yung huli kong sinabi sa bahay nila Luke nun bago ako nag walk out. Na wala akong pinipili sa kanilang dalawa pero bakit ako ganito ngayon? I feel tongue tied. Kung tutuusin nga dapat galit ako.

Bumukas ang pintuan at isa isa nang lumabas ang mga kaklase namin who gave us an intriguing look hanggang sa ma realize ko na lang na nasa harapan ko na si Luke na nakakunot ang noong pinaglipat sa'min ni Chaser ang kanyang tingin.

"Bakit ang tagal mo lumabas?" I asked defensively bago pa man siya makapagsalita cause based on the look on his face may mga nakahanda na siyang sasabihin na hindi maganda.

He raised an eyebrow "Seriously? Sa sobrang pagmamadali mo hindi mo napa check tong essay mo. And since mabait ako pina check ko na" he answered at binitawan sa harap ko yung papel that I caught midair. I just rolled my eyes.

"So what will be the answer, Anna? Di ba hanggang after classes lang naman ang pagba BABYSIT mo? Susunduin na lang kita" sabi ni Chaser na alam kong sinadya niya talaga na marinig nung isa dahil binigyan niya ng diin yung word na "Babysit".

I looked at Luke na nagtapon ng galit na tingin sa kaibigan niya but to my surprise nang tignan niya ako nakangiti na siya.

"Anna, di ba magm meeting kayo ni mommy mamaya about sa report mo tungkol sa'kin? So ang mangyayari mags stay ka sa bahay hanggang sa dumating siya. Right?" he said at nang aasar na tinignan si Chaser.

Tame The Bad BoyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu