Chapter 37: Anna

8.9K 353 53
                                    

Fair Point

Napapabuntong hininga na lang ako everytime Zeke opens his mouth. Wala siyang tigil sa pagkukwento ng mga ginawa nila ni Luke kanina. Paulit ulit na kasi siya. Yet hindi ko naman siya masisi cause by the looks of it nag enjoy talaga siya. Which is I am glad dahil madalang naman siya lumabas.

Actually yayayain ko nga sana sila kanina kung hindi lang biglang nilagnat si Tam at dumating si Luke para sunduin siya. Gusto ko lang kasi na lumabas kami as family para kahit paano mag bonding. Wala namang masama di ba? May naiipon naman na ako buhat nung magtrabaho ako kay Ma'am Pepper and isa pa, gusto ko rin na mapalapit ang mga kapatid ko kay mommy cause believe it or not hanggang ngayon hindi pa rin nila ito kinikibo especially Zeke. Though si Tam kahit paano civil naman sa kanya.

"Mas boto ako kay Luke kaysa kay Chaser, ate. Sagutin mo na siya" Zeke said to me na ikinagulat ko. Parang nung kailan lang ayaw niya dun ah!

"Akala ko ba ayaw mo na mag boyfriend ako?" I asked with my brows wiggling at him. He snorted

"Okay na. Nakapag usap naman na kami and I think he's really serious about you. Tsaka compare naman sa Chaser na yun mas kilala ko si Luke" he argued na para bang siya ang masusunod sa kung sino sa dalawa ang sasagutin ko o kung meron nga ba.

"Biased ka lang kasi nalilibre ka niya at nakapagbonding na kayo. Eh si Chaser naman kasi hindi mo kilala" I said pragmatically at itinapon sa mukha niya yung damit niya na itutupi ko sana

"Eh bakit kasi hindi mo papuntahin dito yun nang makilala ko? Ni hindi ka nga nun hinahatid eh" he collected his t shirts na naitupi ko na and carefully placed them in his closet

"Hindi papuntahin? Duh, pumunta yun dito nung kailan tapos tinarayan mo doon sa sala. Remember?" I said with my wiggling brows again

He frowned as if remembering when it happened then his face lit up "Ah yes, oo nga pala pero hindi naman ibig sabihin nun na ayoko sa kanya. Nang aasar lang ako nun. Tinitignan kung ano ang magiging reaksyon niya" he said

I rolled my eyes at that "Ano bang ine expect mo? Kaibigan yun ni Luke"

"What?!" he shouted surprised na ikinatawa ko.

"Gulat ka noh? Magkaibigan ang dalawang yun"

"Pero pareho silang nanliligaw sa'yo?!"

"Oo"

"Masama ang kutob ko dyan ah. Baka naman pinagpupustahan ka lang nila, ate?" nang aasar pero concern na tanong niya

"Paano mo naman nasabi? Ang judgemental mo Zeke, ha" saway ko na pabiro sa kanya pero totoo. Masyadong mabigat na paratang yung sinabi niya.

"Eh kasi ganun naman di ba? Mayaman ang mga yan ate. What if na bored lang talaga sila and they decided to play with you" he pressed at sa totoo lang napaisip ako dun.

Ako? Pinagpupustahan nung dalawa? Hindi naman siguro. I mean hindi talaga. Kilala ko sila pareho at alam kong hindi nila gagawin yun. Especially Luke. Not him.

"Hindi nila ako pinagpupustahan. Magkaaway nga sila dahil sa'kin eh" nasabi ko na lang to stop my brother from thinking like that

"Ohhh" he just said quietly

"Anyway, stop intervening with my lovelife. Kamusta ang pag aaral mo?" pag iiba ko ng usapan dahil hindi na ako komportable sa usapan.

"Wow, kinakamusta mo talaga? Para namang di mo alam na never akong magkakaroon ng bagsak. Consistent Top 1 ako, hoy! Ikaw ba?" pagmamayabang niya pero alam ko naman na totoo yun.

"Nasa honor rin ako. Top 4" I boasted back

"Bobo naman ate"

"Hoy!"

Tame The Bad BoyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora