Chapter 1: Anna

52.4K 836 76
                                    

Screw That
"Malalim na naman ang iniisip mo" hindi ko namalayan na unti unti na naman akong nawawala mula sa realidad. Kung hindi siguro nagsalita si Tito Drei, hindi ko mapapansin na ilang minuto na pala akong tulala.

Natawa ako ng mahina at umiling "Sorry, tito. May naisip lang ako" sagot ko and this time sinubukan ng isantabi muna ang mga problema namin sa bahay.

This has been my habit. Kapag may problema ako, nagpupunta ako dito kay Tito Drei at makikipag usap sa kanya. Kahit na alam kong wala naman siyang magagawa dahil sa sitwasyon niya ngayon, still siya pa rin ang tinatakbuhan ko dahil siya lang naman ang makikinig. Siya lang naman ang may kakayahan na payapain ang kalooban ko.

Huminga ng malalim si tito at napailing na lang din. Napakunot ang noo ko nang mapansin ko yung mga itim na marka sa may bandang labi niya at itaas ng kilay. Nung kailan lang may mga sugat siya tapos ngayon parang nadagdagan na naman.

"Tito, saan galing ang mga pasa mo?" nag aalalang tanong ko. Alam ko na hindi na dapat ako magtaka lalo't hindi naman na bago ang sakitan sa lugar na to pero hindi ko pa din maiwasan mag alala dahil parang napapadalas naman ata.

Tinignan ako ni Tito Drei and smiled reassuringly to me. Inabot niya ang kamay ko and pressed it softly "Dont worry about it, doll" he use that endearment to me dahil mukha daw akong manika. "Dito sa loob hindi naman na bago ang ganito"

Still, I can't let go "Pero tito, grabe naman ata. Nung nakaraan na dumalaw ako sayo may mga sugat ka tapos ngayon parang nadagdagan na naman"

He hushed me "Wala lang to. Okay? Wag mo na problemahin ang hindi mo dapat problemahin. Besides, wag ako ang pag usapan natin. May nangyari na naman ba sa inyo?"

Yung dapat pag aalala na nararamdaman ko kay Tito Drei napalitan ng galit, inis, frustration o kung ano pa man nang maalala ko kung bakit nga pala ako nandito.

"Hindi ko na alam ang gagawin, tito. Lumalala na si mommy. And I'm worried about Ezekiel and Tamara. Masyado pa silang bata at hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ang mga nangyayari"

Usually, I am strong. Hindi ko ugali na magpakita sa iba ng kahinaan kahit pa kay tito, but this time hindi ko kayang pigilin. With what's happening in our home, I can feel that I am so close to giving up. Na minsan iniisip ko na nananaginip lang ako and anytime magigising ako. That those things are not happening sa pamilya ko.

Mas lalong humigpit ang paghawak ni tito sa kamay ko to stop me from crying but he did not say any word. For a while umiyak lang ako ng umiyak. Dahil sa ngayon alam ko naman na ito lang ang magagawa ko.

"I know it's hard, Anna. Bata pa si Zeke at Tam but eventually they will understand it kung paunti unti mong ipapaliwanag sa kanila yun. Especially si Zeke. Di ba grade four naman na siya?"

I looked up to him with my eyes filled with tears and shake my head violently "Bata pa rin sila tito. They should be playing games like what normal kids do. Hindi ang mamroblema ng mga bagay na hindi pa naman nila kaya solusyonan"

And in my head, minumura ko na ang magulang ko. Kung sana hindi umalis si daddy e di sana hindi kami nahihirapan ngayon. Kung sana palaging umuuwi si mommy e di sana hindi ako nahihirapan mag isip ng dahilan tuwing hinahanap siya ng mga kapatid ko. Kung sana normal lang kaming pamilya na gaya ng iba..

"Matatalino ang mga kapatid mo. Do not underestimate them" mariin na sabi ni Tito Drei. At sa tingin niya pa lang alam kong sinisikap niya lang na pagaanin ang napakabigat kong nararamdaman ngayon.

"Pero paano ko ipapaliwanag sa kanila? Tito, masyado pa atang maaga para imulat ko sila sa katotohanan na malupit ang mundo. They're too young to endure it"

Tame The Bad BoyΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα