Chapter 28: Luke

10.2K 380 34
                                    

Stabbed

"Sabi ko layuan mo ako!" a girl shouted from somewhere and I even hear a sound that came from a hand na dumapo sa mukha. Yet I still didn't look back para tignan yun. Why will I care right?

"Nagpapakipot ka pa eh. Sige naman na, habang wala pa ang boyfriend mo" the boy said cockily. Hindi pa rin ako lumilingon. I just poured a brandy in my glass again at dire diretsong ininom yun.

"Papatayin ka niya oras na makita ka niya! I don't even know you kaya lumayo ka nga!" nanggagalaiting sabi ulit nung babae "Chaser Kendrick Sta. Romana nasaan ka na ba?!"

Naiingayan na ako so I shook my head in dismay. Lumingon ako kung nasaan yung dalawa and found them on the corner na hindi kalayuan sa'kin. Naabutan ko na nakahawak yung lalaki sa braso nung babae.

Inilapag ko yung baso ko at tumayo para lapitan sila. It was the girl who noticed me first.

"Kanina ko pa kayo naririnig at hindi pinapansin but now I can't tolerate it anymore. The lady said no already. Why push her?" I said quietly and darted my cold eyes doon sa lalaki. Slowly, he let go of her.

"Gusto mo ba sapakin kita?" hamon ko pa when he's not saying a word. Kumapit naman sa braso ko yung babae and pulled me away kung kaya't hindi na nagkaroon pa yung lalaki ng pagkakataon na sagutin ako.

"Hey, thanks" the girl said at hinalikan ako sa pisngi.

"Where's your boyfriend at bakit ka pinapabayaan na mag isa sa ganitong lugar?" I asked her almost snapping at sa mga oras na to gustong gusto ko sapakin yung boyfriend niya. Si Brie nga ni hindi ko hinahayaan na pumunta sa mall na mag isa.

I winced upon thinking of her cause suddenly the pain of her leaving me jolted me again.

"Natulala ka na dyan. Anyway, thanks for saving my ass" the girl said getting my attention.

"That's nothing" I said shrugging my shoulder cause it doesn't bother me at all

"If you need anything, just call me. Para kahit paano makabawi ako sa ginawa mong pagliligtas sa'kin. If one day you'll need my help then I'll be there. By the way, I'm Carmina" she said

For the first time in forever hindi sumama sa'min si Chaser sa lunch kanina. Hindi naman mahirap hulaan kung bakit. Carmina is with us so there's really no way that he will join us. Kahit nga nung uwian ni hindi siya nagpaalam. At hindi naman mahirap hulaan kung nasaan siya sa mga oras na to. More or less he's in the bar getting himself drunk. Gusto ko sana siya puntahan pero hindi ko pa siya kaya harapin sa ngayon.

I let out a heavy sigh. I am torn between feeling glad and feeling guilty.

"So are you happy about that?" Carmina asked breaking my train of thoughts. Napatingin ako sa kanya when she lit another cigarette. As much as I am aware pang apat niya na yan. She's a living chimney.

I didn't answer for a moment. Kumuha na lang din ako ng isang stick at ginaya siya. "Not so" I said bluntly. Hindi naman na siya kumibo but a smirk formed on her lips.

"Pero alam mo, hindi ko inaasahan na ganun ang magiging reaksyon niya pagkakita sa'kin. Cause like what you've said the last time, he's totally done with me" natawa ako doon at napailing.

"Sigurado ako na naka move-on na si Chase, Min. Siguro hindi lang siya komportable na bigla ka na lang darating out of nowhere especially now na may nagugustuhan siya" I said and again.. The nagging guilt.

"If that's the case, then malabo pala na makuha ko siya ulit" she answered and puffed a large amount of smoke that for a moment amused me.

Napaisip ako sa sinabi niya na malabo niya na makuha ulit si Chaser. I don't know what to feel about that. Oo, kinakain ako ng guilt ko dahil sa ginagawa kong ito pero ayoko naman na maging sila ni Anna.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now