Chapter 11: Anna

15.7K 531 52
                                    

Reached Out

Nahihiya naman akong papuntahin pa rito si Chaser dahil makalat dito sa bahay kaya sabi ko sa McDonald's na lang kami magkita para mas convenient na rin since main road na.

Hindi ko mapigilan ma excite ng husto. For the first time in a while ngayon ko na lang ulit naramdaman to kaya sana talaga maging okay na ang lahat.

Weird man isipin pero kampante akong iwan ang mga kapatid ko kay Luke kaya naman pagkabihis ko nagpaalam na akong aalis. Hindi ko rin nga maintindihan kung bakit ganun eh basta alam kong may tiwala ako sa kanya. Siguro dahil na rin sa mga nagawa niya sa'min at yung pagkagusto sa kanya ng kapatid ko.

Naisip ko na naman yung kanina. Kung sa ibang pagkakataon iisipin ko na nagseselos siya na makikipagkita ako sa lalaki but I know na kaya siya ganun eh dahil may kapatid siyang babae. So I just fold that thought of jealousy at the back of my head then move on.

Malayo pa lang natatanaw ko na si Chaser dahil alam ko yung sasakyan niya. Nakita kong nakasandal siya sa bintana niya na naka cross arms. Yung mga taong dumadaan malapit sa kanya panay din ang tingin sa kanya sabay hahagikgik

Hindi ko mapigilan makaramdam nang paghanga sa kanya. Though hindi ko siya crush ah! Naa appreciate ko lang na bukod sa gwapo ang bait pa niya. Kung may girlfriend man siya swerte yun sigurado dahil nasa kanya na ang lahat.

"Hey" siya ang unang bumati sa'kin dahil naunahan niya ako sa pagsasalita. I caught my breathe nang mapasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. He's wearing a plain pants then a white button down shirt na nakabukas ang ilan butones kaya medyo nakikita ang dibdib niya.

How could he be this so irresistable? Oh what a term?!

"Alam kong gwapo ako, Anna Bernice Torres" he said with a sly grin at para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Bakit ba ako nagkaka ganito? Hindi ko ugali na matulala sa isang lalaki! In my seventeen years of existance ni hindi nga ako nagka crush!

***

Panaka naka akong tumitingin kay Chaser. Mukhang good mood siya ngayon dahil nakangiti siya ng todo at pakanta kanta pa habang ako tahimik lang na nakaupo at nakatingin sa bintana

"Kumpleto na ba requirements mo?" tanong niya na medyo ikinagulat ko pa dahil all of a sudden yung pagkausap niya sa'kin

Tumango ako at iwinagayway yung envelope na dala ko kung nasaan yung birth certificate ko at kung ano ano pa na kailangan sa enrolment.

Ngumiti siya "That's great. Now what do you feel?" dagdag pa niya

Tumingin muna ako sa labas bago pag isipan ang isasagot ko "Nalulungkot at the same time excited" sabi ko

"Bakit ka naman malungkot?" he asked with his eyes narrowed at me

Nagkibit balikat ako "Mami miss ko lang ang Winslet. Kahit wala ako gaanong kaibigan dun, doon pa rin ako nagsimula. Ilang taon din ng buhay ko ang ginugol ko dun" I said honestly dahil yun naman ang totoo.

He smiled at me and I knew he understand what I meant

"Malay mo may magandang naghihintay sa'yo sa Carleton kaya niloob ni Lord na lumipat ka dun. You know how destiny works.." he said na ikinangiti ko na lang din.

Sa totoo lang naririnig ko naman na dati pa ang Carleton Academy dahil nakakalaban sila ng school namin sa mga interschool sports competition pero hindi ko pinagtuunan gaano ng pansin.

Atlast nakarating na kami. Huminto kami sa may gate and Chaser rolled down his window. Tinanguan lang niya yung guard then that's just it. Pinapasok na kami.

Tame The Bad BoyKde žijí příběhy. Začni objevovat