Chapter 63: Anna

11.4K 313 54
                                    


Maybe Someday

Two weeks.

It has already been two weeks since nung huli kaming magkita and since then, wala na akong narinig mula sa kanya. No phonecalls, no messages, no anything. Not that I am expecting it anyway. I've seen the wrath in his eyes that night and from there I know that there's just no way that he'll talk to me again. Maybe for him, I am just another Brie.

Hindi rin naman ako okay. After that, I am never the same. Katulad na lang ngayon. Sa buong dalawang linggo wala akong ginawa kung hindi magkulong sa kwarto ko at umiyak nang umiyak. Lumalabas lang ako kapag kailangan. I don't even eat properly na pinipilit pa nga ako ng mga kapatid ko para gawin yun because they're too worried about me.

Not that I blame them though. Sa dalawang linggo ang laki na ng ipinayat ko. There are also dark circle under my eyes and my face looks so different. My eyes are nothing but holes of emptiness.

Tumunog ang phone ko and as I expected it was a text message from Mara. Wala man kaming communication ni Luke, his friends never failed to tell me kung ano ang mga ginagawa niya dahil araw araw silang magkakasama. Araw araw daw itong lasing. Wala na rin daw mga bodyguards si Luke — which is also an indication na talagang galit siya sa'kin dahil hindi niya na ako pinuntahan pa.

I let out a sigh and opened the message.

No changes, Anna. As usual umiinom na naman siya at nagkakama ng babae. But this time mas malala na talaga siya. Nung nakaraan paisa isa lang ang babaeng kinukuha niya sa babepool pero ngayon nagpaplano siya na dalawa na. Natatakot kami para sa kanya, Anna. We're afraid na kapag ipagpapatuloy ni Luke ang ganito baka ikamatay na niya. Is there any way that you can go here? Para masilip mo naman siya kahit paano and see what I am talking about.

My tears started falling and did nothing to stop it. Fuck it, wala bang katapusan tong mga luha ko? Araw araw akong umiiyak pero bakit hindi sila maubos ubos? When will I stop crying? I'm so tired!

Ilang beses kong binasa ng paulit ulit ang message ni Mara. Maybe I am hoping that this is just a joke or mali lang ang pagkakabasa ko? I don't know.

I checked the time. It's already eleven in the evening. Tulog na rin ang ibang tao dito sa bahay. Pumunta ako sa closet ko and look for something to wear.

I have to stop this for once and for all.

***

The place didn't change that much since nung last na pumunta ako rito. Though this time masasabi ko na mukhang mas maraming mga tao at karamihan mga babae. The music is so loud that my heart is pounding and my eyes sting dahil sa usok ng mga sigarilyo na humahalo sa hangin ng aircon.

Alam ko naman kung saan siya hahanapin. It's just I don't know kung paano ako makakarating na doon dahil sa dami ng tao. And they seem so giddy about something.

"Have you heard? Dalawang babae raw ang pipiliin ni Luke De Salvo sa babepool tonight. How I wish na isa ako doon. That guy fucks hard and good sabi nung mga babaeng napili niya kagabi. They can't even walk properly after that"

I just closed my eyes as tears dare to pour out again. I'm not mad at them. I'm not mad at him. Kung nagagalit man ako, nagagalit ako sa sarili ko. I fucking destroy him. It's all my fault kung bakit siya ganito ngayon.

As I make my way through the crowd marami pa akong narinig na mga bulungan tungkol sa kanya. Kahit mahirap sinikap ko na lang na huwag makinig para hindi na ako masaktan. Everyone wants him. Everyone wants what's mine.

Napahinto ako sa paglalakad when someone grabbed me by the arm. Susuntukin ko na sana when I realized na kilala ko pala siya.

"What are you doing here, Anna?" nakakunot ang noo ni Theo at pinasadahan pa ng tingin ang kabuuan ko. Nakasuot kasi ako ng mahabang cardigan at sa loob naka shorts na hanggang kalahati lang ng hita ko ang iksi at off shoulder na blouse that reveals my belly button.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now