Chapter 19: Anna

13.7K 467 45
                                    

Pepper De Salvo

I don't know if a storm now is a sort of blessing dahil walang pasok. At dahil dyan, hindi ko kailangan gumising ng maaga para asikasuhin ang mga kapatid ko at ganun din ang sarili ko. Oh, do not be mistaken. Hindi naman sa napapagod na ako sa pag aalaga sa kanila. It's just hindi lang maganda ang pakiramdam ko ngayon. I feel feverish magsimula pa kagabi. Ang init init ng katawan ko at ang lamig din ng mga paa ko.

"Kailan ulit dito pupunta si Kuya Luke?" Tam asked with her round eyes being expectant. Magsimula nung pumunta dito yung kambal ni Luke at inasikaso ang dalawa kong kapatid, Tam cannot stop talking about them. Sabay nung hinatid pa ako ni Luke dito he promised her na babalik soon. Ako naman tuloy ang hindi na tinitigilan ng kapatid ko.

"Hindi ko alam eh. You know what, busy ang Kuya Luke mo. Graduating kami di ba? Marami rin siyang ginagawang assignments katulad ko" totoo naman yun. Marami na kaming ginagawa sa school since araw araw may assignments. And believe it or not, gumagawa si Luke. Wala naman masyadong pagbabago sa pakikitungo niya sa'kin kapag nasa paligid si Chaser but atleast hindi na siya umiiwas.

Tam just nodded and shrugged her shoulders. Siguro naramdaman niya rin na masama ang pakiramdam ko kaya hindi na siya nangulit pa.

Yung mga groceries na binili nun ni Luke hindi pa naman naubos. Kumuha ako ng dalawang lata ng sausage and cooked it. Kahit na gaano kasama ang pakiramdam ko hindi ko pa rin naman matatakasan ang responsibilidad sa bahay. Especially now. Three weeks ng hindi umuuwi si mommy. At ni pangangamusta kung buhay pa ba kami ay hindi niya magawa.

Saktong tapos na ako magluto when Zeke came from the sala at nagsimula na mag ayos ng mesa. Napangiti na lang ako despite with myself. Maingat kong nilagay yung pan sa gitna at tinawag na rin si Tam para makakain na kami since I am planning na maaga kami matulog.

"Ate, maalala ko lang. Di ba sinabi mo nun may kaibigan ka na tumulong sa'yo na makapasok doon sa school na pinapasukan mo ngayon?" Zeke asked which made my brow raised dahil out of the blue naman ata ang pagtatanong niya

"Oo, bakit?" sagot ko

"Kung sinasabi mo kasi na kaibigan mo, how come na hindi namin kilala. Papuntahin mo kaya dito minsan?"

A cold suddenly crawled to my spine. Hindi ko gusto ang idea na yun ni Zeke. Kung pupunta dito si Chaser malalaman niya na matagal na kaming magkakilala ni Luke. Knowing how talkative my siblings are, alam kong hindi malayong mangyari yun.

Bigla akong naguluhan. The other side of my brain is saying na ano naman kung malaman niya? Hindi naman masama na magkakilala na kami ni Luke kahit dati pa di ba? Ang masama lang, inilihim namin sa kanya. And I don't know why is it I feel so guilty.

Kung bakit ba naman kasi umamin sa'kin si Luke nun na may gusto siya sa'kin. Simula talaga nun naging magulo na ang mundo ko.. I mean oo binawi naman niya pero hindi pa rin nakatulong yun. Especially a week ago na muntik na kami maghalikan.

"Hindi ko lang sigurado. Mabait naman siya. It's just bukod sa maraming ginagawa sa school, busy rin siyang tao dahil may business ang family niya" I half lied dahil kung sasabihin ko kay Chaser na gusto siyang makilala ng mga kapatid ko alam kong gagawa siya ng time kahit na sobrang abala siya ngayon sa pagtulong sa daddy niya.

Zeke looked at me suspiciously "Sabihin mo na lang kung ayaw mong ipakilala. Siguraduhin mo na kasing bait yan ni Kuya Luke ah?"

I sneered "Kailan pa kayo nagkasundo ni Luke? Parang noon lang kung sungitan mo siya grabe ha"

"Simula nung ipinag grocery niya tayo" he said with a grin at kinotongan ko na lang siya.

***

Pagtapos kumain inako ni Zeke ang paghuhugas ng mga plato. Nahalikan ko pa siya sa pisngi sa sobrang tuwa. Alam niya kasing masama ang pakiramdam ko kung kaya't ginawa niya yun. Si Tam naman naglalaro pa sa sala at bago ako umakyat narinig kong tumunog yung phone though I am sure na hindi sa'kin yun dahil hindi naman nila ako tinawag.

Tame The Bad BoyWhere stories live. Discover now